Celebrities post wedding greetings for Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli

by Bernie V. Franco
Feb 22, 2020
Despite the ruckus that marred the wedding of Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo (2nd photo from left), fellow celebrities posted congratulations, including (L-R) Karen Davila, Christian Bautista, and apl.de.ap.
PHOTO/S: @iamkarendavila, @matteog, @xtianbautista, and @apldeap on Instagram

Nabahiran man ng kontrobersiya ang dapat sana ay importante at masayang araw sa buhay nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, tuloy ang well wishes ng mga kaibigang celebrities sa dalawa matapos silang maikasal.

Naganap ang lihim na kasal nina Sarah at Matteo sa Shangri-La Hotel sa The Fort, Bonifacio Global City, Taguig, noong gabi ng Huwebes, February 20, 2020.

Nagkaroon ng kaguluhan sa kasal—diumano’y sinuntok ni Matteo sa mismong gabi ng kanyang civil wedding si Jerry Tamara, ang close-in security ni Sarah—na naidetalye ni Tamara sa Taguig police blotter.

Nangyari ang hindi inaasahang gulo nang bigla umanong dumating sa kasal ang ina ni Sarah, si Divine Geronimo, o mas kilala sa tawag na Mommy Divine.

Lumalabas na hindi imbitado si Mommy Divine sa kasal ng kanyang anak.

Hindi rin lingid sa publiko na hindi pabor ang ina ni Sarah sa napiling kabiyak ng anak.

Pagdating sa event, hiniling umano ni Mommy Divine na makausap si Sarah.

Continue reading below ↓

Hindi tinukoy sa police report kung nagkausap sina Sarah at Mommy Divine.

Ang nabanggit ay ibinaling ni Matteo ang atensiyon kay Tamara, at inakusahan umano ito ng aktor na siyang nagsabi kay Mommy Divine tungkol sa inililihim na kasalan.

Sa police blotter statement ng bodyguard, sinuntok umano siya ni Matteo sa may bandang leeg.

Hindi naman nagsampa ng reklamo ang security personnel laban sa aktor.

Sa interview naman ng ABS-CBN entertainment reporter na si Mario Dumaual, itinanggi ni Matteo na nanuntok siya.

CELEBRITIES POST GREETING FOR SARAH AND MATTEO

Ilang kasamahan at kaibigan ni Sarah sa industriya ang nag-post ng greetings sa bagong kasal, kabilang na sina Christian Bautista, apl.de.ap., Klarisse de Guzman, Jed Madela, Karen Davila, at Marvin Agustin.

Tweet ni Christian: “Congratulations to @JustSarahG and @mateoguidicelli on your wedding :) Kat and i are happy for the both of you! And we are here for you [praying emoji]”

Continue reading below ↓

Ang Kat na tinutukoy ni Christian ay ang asawa nitong si Kat Ramnani.

Si Christian, na ngayon ay Kapuso artist, ay dating kasama ni Sarah sa ASAP Champions, ang grupo ng singers na nagpe-perform sa ASAP, ang Kapamilya Sunday variety show.

Kasama rin sa show sina Rachelle Ann Go, Mark Bautista, at Erik Santos.

Continue reading below ↓

Ito ang nagbuklod sa kanila bilang mga magkakaibigan.

May tweet din tungkol sa true love si Mark nitong Biyernes.

Gayunpaman, wala siyang pinatukuyan sa kanyang tweet.

Tweet ng singer: “The power of love.At the end of the day, real love wins...”

Si Mark ang runner-up ni Sarah sa 2002 reality-based singing contest na Star For A Night at naging katambal na rin ni Sarah sa mga acting project.

Continue reading below ↓

Sa greetings naman nina apl.de.ap, Jed Madela, at Klarisse de Guzman, puno rin ng tuwa ang mga artists para kina Sarah at Matteo.

Fellow coach ni Sarah si apl.de.ap sa The Voice, habang si Klarisse naman ay nasa kampo ng Team Sarah sa The Voice Season One.

Nakakasama naman ni Sarah si Jed sa ASAP Natin ‘To.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

May love advice naman si Marvin Agustin sa bagong kasal.

Tweet ni Marvin: “Congrats Matteo & Sarah! Walang madaling relasyon pero nagiging payapa at maayos ang pagsasama pag kayong dalawa ay mangangakong magkakampi hanggang dulo. Very very happy for you guys.”

Nagpahayag ng pagkampi si Karen Davila sa pagpapakasal nina Sarah at Matteo.

Continue reading below ↓

Tweet ng ABS-CBN anchor: “I am so happy for Matteo & Sarah!! You’re both adults, inlove, committed for years now.... you have every right to fight for your happiness [heart emoji] #SarahMatteoWedding

TRENDING TOPICS

Isang araw matapos mangyari ang tinaguriang "secret wedding of the year" nina Sarah at Matteo, naging trending topics sa social media ang mga taong sangkot: sina Sarah, Matteo, at Mommy Divine.

Continue reading below ↓

Sa mismong araw ng kasal ng dalawa noong Huwebes, maingay na ang netizens sa social media, partikular ang huge following ng celebrity couple dahil sa lumabas na ulat ng veteran entertainment editor na si Ricky Lo.

Lumabas sa philstar.com ang ulat ni Ricky na anumang oras ay ikakasal ang dalawa noong Huwebes. Nga lang, dinugtungan niya ito ng question mark.

Noong araw ring iyon, mula umaga hanggang hapon ay nag-tape si Sarah para sa The Voice Teens, habang may post naman si Matteo na nagte-training sa gym.

Umabot ang gabi pero walang lumabas na impormasyon tungkol sa lihim na pagpapakasal ng dalawa.

Hanggang sa noong umaga ng sumunod na araw, Biyernes, February 21, pumutok ang balitang natuloy na nga ang kasal ng dalawa, noong gabi ng Huwebes, kasama na ang nangyaring komosyon sa kasal.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Despite the ruckus that marred the wedding of Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo (2nd photo from left), fellow celebrities posted congratulations, including (L-R) Karen Davila, Christian Bautista, and apl.de.ap.
PHOTO/S: @iamkarendavila, @matteog, @xtianbautista, and @apldeap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results