Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Ogie Alcasid's wish for Sarah Geronimo: "Let love reign..."

by Melba R. Llanera
Feb 22, 2020
Ogie Alcasid shares his wish for newlywed Sarah Geronimo: “Sarah, you know how much we love you. We are praying for you all the time. Let love reign in all aspects of your life and that includes everybody."
PHOTO/S: Mark Atienza / Instagram

Clueless si Ogie Alcasid kung matutuloy pa ang naunang nabalitang church wedding sana nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa Italy.

Ito kasi ang matunog na haka-haka nitong mga nakaraang linggo bago ikinagulat ng lahat ang secret civil wedding nila na ginanap nitong Huwebes ng gabi, Pebrero 20, sa Shangri-La at The Fort, BGC, Taguig City.

Inamin din ni Ogie na wala siyang alam kung kasama siya o ang asawa niyang si Regine Velasquez sa wedding entourage.

Lahad niya, “Di ko alam, wala akong alam. Clueless po ako.

“Ninong? Of course, we can't say no to Sarah.

“Sarah, you know how much we love you. We are praying for you all the time.

“Let love reign in all aspects of your life and that includes everybody."

SUCCESSFUL V-DAY SHOW

Proud si Ogie Alcasid sa tagumpay ng Unified concert nina Regine at Sarah na ginanap noong Pebrero 14 at 15 sa Smart Araneta Coliseum.

Continue reading below ↓

“I'm always proud of my wife,” pag-amin ni Ogie na nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Pebrero 16, Linggo sa set ng ASAP Natin ‘To sa ABS-CBN Compound, Quezon City.

“You know, noong nakipag-concert siya with Sharon [Cuneta], with Vice [Ganda], with Sarah, sabi ko, ‘I'm very proud of you, it's not easy doing collaboration with big artists.'

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“'Of course, you've always been collaborative and also because you let God lead you, so I'm very, very proud of you.’”

THANKSGIVING SONG

Ipinarinig nina Ogie at Louie Ocampo ang nabuo nilang kanta na "Salamat, Kapamilya" noong nakaraang Pebrero 14 sa Instagram account ni Ogie.

Si Ogie ang umawit, at si Louie ang nag-piano.

Continue reading below ↓

Kuwento niya, “Actually, iyung melody, ibinigay sa akin ni Louie Ocampo.

“Tumawag siya sa akin. Sabi niya, ‘Ogs, sa gitna ng mga nangyayari ngayon, mayroon akong naiisip na melody. Baka puwedeng lagyan ng lyrics.’

“Sabi ko, ‘Sige, ipasa mo sa akin. Anong mga idea mo?’ Sabi niya, nagpapasalamat lang na kanta and then makakanta ng marami at the same time.

“Sabi ko, 'O, sige, send it.’ Pinadala niya sa akin sa Viber, and then after ten minutes, I gave my first draft, and then nagko-comment na siya, binago ko.

“Then, sinabi ko, ‘Why don't we... shoot lang natin, piano ka, kanta ako and then post lang natin.’ Parang thank you natin sa mga Kapamilya."

APPEAL FOR PRAYERS

Ano ang saloobin niya sa kinakaharap na isyu ng Kapamilya network kaugnay sa franchise renewal?

“We're all praying for each other, praying together. I think ang magandang kinalabasan nito is that nakita natin pati suporta ng mga manonood, ang mga tunay na Kapamilya,” matamang lahad ni Ogie.

Continue reading below ↓

“I think, utang namin lahat sa inyo. I hope and pray everything will be okay.

“I urge you, mga Kapamilya, to pray with us, for us so that we can keep doing what we are doing. God bless you all."

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Alcasid shares his wish for newlywed Sarah Geronimo: “Sarah, you know how much we love you. We are praying for you all the time. Let love reign in all aspects of your life and that includes everybody."
PHOTO/S: Mark Atienza / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results