Lea Salonga on Sarah Geronimo-Matteo Guidicelli wedding: “None of us knew.”

by Bernie V. Franco
Feb 22, 2020
Lea Salonga (left) admits that she and the other members of the production team of The Voice Teens were clueless about the wedding (right) of fellow coach Sarah Geronimo to actor Matteo Guidicelli.
PHOTO/S: @juansarte on Instagram / Photo of AshMatt on Instagram (credit to the owner)

“I am shocked. None of us knew.”

Bahagi ito ng pahayag ni Lea Salonga, na halatang nagulat sa balitang ikinasal na ang kanyang katrabahong si Sarah Geronimo sa fiancé nitong si Matteo Guidicelli.

Sina Lea at Sarah ay parehong coaches sa ongoing ABS-CBN reality-based singing competition na The Voice Teens.

Sa pitong seasons ng The Voice of the Philippines simula 2013, naging regular coaches sina Lea at Sarah, pati na rin ang singer na si Bamboo.

Nitong nakaraang Huwebes, February 20, 2020, naganap ang secret civil wedding nina Sarah at Matteo sa Shangri-La at the Fort, Bonifacio Global City, Taguig.

Nagulat man, masaya raw si Lea para sa kanyang fellow coach.

“I am shocked. None of us knew.

"None of us on the show, none of us from the network [knew], but I’m happy… happy for her," pahayag ni Lea sa interview ng ABS-CBN entertainment reporter na si MJ Felipe na umere ngayong Sabado, February 22.

Continue reading below ↓

Puring-puri ni Lea na naitawid nina Sarah at Matteo ang kanilang lihim na pagpapakasal.

“To be able to pull it off, that’s a feat.

“That is a crowning achievement for both of them, na talagang naisikreto nila na who to trust.

“This guy really loves her,” paghanga ng Broadway star kay Matteo.

SARAH TAPED FOR THE VOICE ON THE DAY OF THE WEDDING

Ang nakatutuwa pa, sa mismong araw ng kanyang kasal ay nag-taping pa si Sarah para sa The Voice Teens mula umaga hanggang hapon.

Umaga pa lamang ng February 20, umugong na ang balitang ikakasal sina Sarah at Matteo noong araw na iyon, ayon sa artikulong inilabas ng veteran entertainment editor na si Ricky Lo.

Sa artikulong “Sarah and Matteo getting married today?” na nailathala sa The Philippine Star noong Huwebes, nabanggit na isang “highly-reliable source” ang nakapagsabi kay Ricky hinggil sa kasal.

Sa kabila nito, walang kumpirmasyon kung totoo nga ito, at hindi naman nakapagsara ang artikulo dahil sa question mark sa dulo ng titulo nito.

Continue reading below ↓

May taga-production team pa ng The Voice Teens na nag-post ng video ang kasama si Sarah noong umaga.

May halong biro ang caption ng staff member na nag-upload ng video.

Sabi ng staff sa caption: "Ayan! Good morning daw! Dito po ba venue? Yes invited kame hahaha.”

Halatang ang tinutukoy na “venue” ng staff member ay venue ng taping at hindi ang nabalitang kasal.

Dakong ika-3:30 p.m. ng hapon, natapos ang taping at nagmamadali umanong umalis si Sarah.

Lumipas ang gabi, pero walang naiulat na kasalan nina Sarah at Matteo.

CONTROVERSIAL SECRET WEDDING

Kinabukasan, February 22, Biyernes, bumulaga ang balitang ikinasal na ang celebrity couple.

May kakambal ding kontrobersiya ang nangyaring kasal dahil may komosyong naganap.

Ang naging sentro ng mga lumabas na balita ay hindi tuloy ang pagpapakasal ng dalawa, kundi ang pagpapa-blotter ng close-in security ni Sarah na si Jerry Tamara laban kay Matteo.

Inakusahan ni Tamara si Matteo na nanuntok umano sa kanya.

Continue reading below ↓

Ayon sa Taguig police blotter ni Tamara, dumating daw sa kasal ang ina ni Sarah na si Divine Geronimo.

Lumalabas na hindi imbitado si Mommy Divine sa kasal ng anak.

Sa detalye ng report, pinagbintangan daw ni Matteo si Tamara na siyang nagsabi kay Mommy Divine tungkol sa secret wedding.

Ang sumunod dito ay sinuntok umano ni Matteo si Tamara sa may bandang leeg.

Sa ulat naman ng ABS-CBN News entertainment reporter na si Mario Dumaual, itinanggi ni Matteo na may sinuntok siya.

Tumanggi si Matteo magbigay ng iba pang detalye tungkol sa naganap na kasal nila ni Sarah.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lea Salonga (left) admits that she and the other members of the production team of The Voice Teens were clueless about the wedding (right) of fellow coach Sarah Geronimo to actor Matteo Guidicelli.
PHOTO/S: @juansarte on Instagram / Photo of AshMatt on Instagram (credit to the owner)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results