Sheena Halili and Jeron Manzanero are now married

Feb 23, 2020
Sheena Halili and Atty. Jeron Manzanero tie the knot in an intimate Christian ceremony held on February 23, 2020 at the Blue Leaf Cosmopolitan in Quezon City.
PHOTO/S: @christinebbabao / @mysheenahalili on Instagram

Ikinasal na ang Kapuso star na si Sheena Halili sa kanyang non-showbiz fiancé na si Atty. Jeron Manzanero ngayong Linggo, February 23, 2020.

Ginanap ang kanilang Christian wedding sa The Blue Leaf Cosmopolitan sa Quezon City kasama ang kanilang mga kamag-anak at kaibigan sa showbiz.


Continue reading below ↓


Continue reading below ↓

Ayon sa YouTube blog ni Sheena, nakilala niya ang kanyang asawa noong siya'y 30 anyos.

Aminado ang ngayo'y 33 anyos na aktres na noon pa man ay mapili siya sa kanyang mga manliligaw.

Pero noong panahon na iyon, "ready" na raw siya makipag-date.

"Si Direk Kanu, Asst. Director sa GMA, lumalabas-labas kami, magkakapit-bahay kami sa Quezon City, parang 'Uy, kain naman tayo sa labas, coffee naman tayo.'

"Tapos, one time, bigla ko na lang sinabi, 'Sige pa-date mo na ako. I'm ready,'" kuwento ni Sheena

Sabi rin ni Jeron sa vlog ni Sheena na noong mga panahon na iyon, hindi pa niya alam na artista ang aktres.

Continue reading below ↓

Sila ay nag-date for two months, hanggang noong November 28, 2018 ay opisyal na ipinakilala ni Sheena si Jeron bilang kanyang boyfriend sa kanyang Instagram account.

Sila ay na-engage noong August 26, 2018 sa loob ng isang cinema sa Greenhills Shopping Center, San Juan City.

Nagdiwang ng anibersayo bilang magnobyo si Sheena at Jeron noong August 19, 2019 at dito, ibinahagi ni Sheena ang kanyang matamis na mensahe para sa kanyang soon-to-be husband.

Aniya, "Diyan tayo nag simula sa simpleng masaya tayo kapag mag kasama.

"Pareho tayong mag-isa at naghahanap ng makakasama.

"Pinagtagpo ng tadhana at ngayon ikakasal na.

"Wala naman tayong ginawa kung hindi maging totoo sa isa’t isa, at i-enjoy lang ang bawat araw na magkasama.

"Mula ng magka-kilala tayo hindi na tayo nag hiwalay...

"Ikaw at ako, forever! Masaya ako at kasama pa rin kita!"

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sheena Halili and Atty. Jeron Manzanero tie the knot in an intimate Christian ceremony held on February 23, 2020 at the Blue Leaf Cosmopolitan in Quezon City.
PHOTO/S: @christinebbabao / @mysheenahalili on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results