Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Coco Martin, Regine Velasquez, Ogie Alcasid rally behind ABS-CBN as Senate probes franchise issue

by Rachelle Siazon
Feb 24, 2020
Coco Martin (left) attends a prayer rally in ABS-CBN on Friday, February 21. Regine Velasquez and husband Ogie Alcasid (right) grace a separate gathering in ABS-CBN this morning, February 24.
PHOTO/S: @cocomartin_ph / @ogiealcasid Instagram

Nag-umpisa na ngayong Lunes, February 24, ang pagdinig ng Senado sa mga isyung nakapalibot sa ABS-CBN franchise renewal.

Kasabay nito ay naghayag ng suporta ang Kapamilya stars na sina Coco Martin, Regine Velasquez, at Ogie Alcasid sa ABS-CBN.

Una na si Coco na nag-post ng litrato ng name tags ng ABS-CBN top executives at mga legal counsel na dumalo sa Senado.

Naroon sina Carlo Katigbak (ABS-CBN President and CEO), Martin Lopez (Chairman), Socorro "Cory" Vidanes (Chief Operating Officer).

May litrato rin si Coco ng pagtitipon ng mga empleyado ng ABS-CBN sa loob ng compound.

Kalakip nito ang dasal ni Coco na hindi matigil ang operasyon ng ABS-CBN at mabigyan ito ng panibagong 25-year franchise.

Si Coco ay napapanood sa ongoing ABS-CBN prime-time series na FPJ's Ang Probinsyano, na nagsimulang umere noong September 2015.

Sabi ni Coco (published as is): "Panginoon samahan nyo po sana kami sa laban na ito. para po sa aming mga manggagawa ng ABS CBN nakaparami pong mawawalan ng trabaho.

Continue reading below ↓

"alam ko po na hindi nyo hahayaan manaig ang mga bagay na hindi magiging maganda ang idudulot para sa nakakarami."

Umapela rin si Coco na matigil na ang "away away" sa gitna ng iba-ibang opinyon ng netizens tungkol sa renewal ng franchise ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"sana po ay wag na mag away away ang bawat Pilipino lalo na ang pagpapalitan ng mga hindi magagandang salita.

"Pinauubaya na po namin sa inyo ang lahat Panginoon."

Continue reading below ↓

Noong Biyernes, personal na nakibahagi si Coco at ibang FPJ's Ang Probinsyano co-stars sa ginanap na prayer rally sa ABS-CBN.

REGINE AND OGIE

Personal namang dumalo ang mag-asawang Regine at Ogie sa pagtitipon ng ABS-CBN employees nitong umaga ng Lunes.

Sinasabing kumanta sila kasama ang batikang composer at arranger na si Louie Ocampo.

Continue reading below ↓

"This morning wifey and I together with sir Louie Ocampo and all our kapamilyas sang together a song of thanksgiving. #salamatkapamilya"

SENATE INQUIRY

Pinamunuan ni Senator Grace Poe, chairman ng public service committee, ang pagdinig tungkol sa compliance ng ABS-CBN sa mga probisyon ng prankisang ipinagkaloob dito mula noong 1995 hanggang sa kasalukuyan.

Continue reading below ↓

Layunin din ng komite na talakayin kung posibleng ma-extend ang prankisa ng ABS-CBN hanggang December 31, 2022.

Ito ay upang mabigyan ng sapat na panahon ang Kongreso na talakayin ang panukala na bigyan ng panibagong 25-year-franchise ang media giant.

Sa March 30, 2022 nakatakdang mag-expire ang existing franchise ng ABS-CBN.

Pitong sessions na lamang ang natitira sa Kongeso bago ito mag-adjourn sa March 11.

Dagdag pa rito ang quo warranto petition o pagpakansela ng franchise ng ABS-CBN na isinampa ng Office of The Solicitor General sa Supreme Court noong February 10.

SENATOR MANNY PACQUIAO SAYS NO TO ABS-CBN SHUTDOWN

Sa unang arangkada ng pagdinig sa Senado, naghayag ng suporta si Senator Manny Pacquiao sa ABS-CBN.

Hindi raw dapat kalimutan ang serbisyo ng broadcast giant pagdating sa pagdadala ng mamahalagang balita sa bansa.

Sabi niya, "Kung anuman violation nila, kasuhan sila. Pero hindi naman siguro mapupunta dun sa closure—sa akin lang ha, in my opinion—sa closure ng station."

Continue reading below ↓

Dagdag ni Pacquaio, "malaking kawalan sa buong sambayanan ng Pilipino" kapag natigil ang operasyon sa telebisyon at radyo ng media giant.

SENATOR LITO LAPID: "ANO ANG GALIT NI PRESIDENTE?"

Nagpasintabi si Senator Lito Lapid na aminado siyang maaari siyang bansagan na "biased" o pabor sa ABS-CBN dahil dati siyang bahagi ng FPJ's Ang Probinsiyano.

Continue reading below ↓

Pagkatapos ay hiningan niya ng komento ang ABS-CBN executives tungkol sa isyu na kaya umano nahihirapan ang network sa pag-renew ng kanilang prankisa ay dahil sa "galit" ni Presidente Rodrigo Duterte."

Sabi pa ni Lapid, pagkakataon na ng ABS-CBN na bigyang-linaw ang isyu at maghayag ng mensahe para sa pangulo.

Sagot ni ABS-CBN Chairman Martin Lopez, "Hindi namin alam talaga kung ano ang galit ng presidente except sa mga sinasabi niya sa speech niya."

Continue reading below ↓

PRESIDENT DUTERTE'S UNAIRED ADS in 2016

Hindi lingid sa publiko na ikinagalit nang husto ng pangulo ang hindi pag-ere ng kanyang local campaign ads sa Davao noong 2016 presidential elections.

Kaugnay nito, naging bukas si Presidente Duterte sa pagsabing haharangin nito ang mga hakbang ng pagpapa-renew sa prankisa ng ABS-CBN.

Sa kanyang speech noong December 2019, naringgan ang pangulo na nagsabing mabuting ipagbili na lang ng ABS-CBN ang kanilang kumpanya.

Sa pagdinig sa Senado, nanindigan si ABS-CBN President Carlo Katigbak na hindi nakikisali ang Kapamilya network sa usaping pulitika.

Paliwanag niya, "100 percent" sa binayarang "national ads" ng noo'y Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay umere sa ABS-CBN noong 2016 electoral campaign.

Para sa "local ads," aminado naman ang ABS-CBN na may parte ng "PHP7 million" sa kabuuan ng "PHP65 million" ng commercial spots na binayaran ng Davao mayor ay hindi umere.

Ito ay dahil daw nabili na ang lahat ng commercial spots nang matanggap ng ABS-CBN ang "order" para sa ad campaigns ng Davao mayor.

Continue reading below ↓

Wala na raw mapaglalagyan noon ng commercial spots lalo pa't "2 minutes" kada oras lamang ang alloted commercial airtime ng gobyerno para sa "local ads."

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coco Martin (left) attends a prayer rally in ABS-CBN on Friday, February 21. Regine Velasquez and husband Ogie Alcasid (right) grace a separate gathering in ABS-CBN this morning, February 24.
PHOTO/S: @cocomartin_ph / @ogiealcasid Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results