Senator Lito Lapid asks ABS-CBN execs about conflict with President Rodrigo Duterte

by Jojo Gabinete
Feb 24, 2020
Senator Lito Lapid (center) to ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak (left) and ABS-CBN Chairman Martin Lopez (right): "Kaya itinatanong ko ito galit sa inyo ang Pangulong Duterte. Na may galit sa inyo. Ano iyon?"
PHOTO/S: ABS-CBN live stream

"Bihirang magsalita ang ating Pinuno, pero pag nagsalita, talagang durog lahat. Iba!"

Ito ang napapangiting pahayag ni Senator Grace Poe sa diretsahang pagtatanong ni Senator Lito Lapid sa hearing ng Senate committee on public services tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Ngayong Lunes, February 24, ang unang araw ng Senate inquiry.

Si Lapid ang tinutukoy na "Pinuno" gawa ng ginampanan nitong karakter sa ABS-CBN primetime series na FPJ's Ang Probinsyano.

Sabi ng actor-politician, "Hindi po nangangahulugan na nandidito ako para ipakita na ako'y biased na, pero automatic naman iyon.

"Ako naman, tapatan lang."

Sabay biro ni Lapid, "E, sinasabi po nung bago mag-hearing dito, lagi kaming nag-uusap-usap ng mga kasamahan kong senador dito, ibalik niyo lang pong mabuhay si Pinuno, bahala na sila."

Namatay ang karakter ni Lapid sa FPJ's Ang Probinsyano nang kumandidato siya sa pagkasenador noong 2019 elections.

Pero naging seryoso si Lapid sa kanyang mga sumunod na pananalita at tanong.

Continue reading below ↓

CONFLICT WITH PRESIDENT DUTERTE

Prangkang inusisa ni Lapid ang tungkol sa isyu sa pagitan ng ABS-CBN at ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tanong ng senador: "Galit ba ang Presidente sa inyo kaya kayo nahihirapan?"

Ang ABS-CBN chairman na si Mark Lopez ang nagsalita tungkol sa isyu.

Pahayag niya, "Ang basehan po lang po sa mga nakikita namin sa TV, na mga pronouncement ng Presidente, yun ho ang basehan namin kung ano ang galit ng presidente sa ABS-CBN."

Muling nasalita si Senator Lapid.

Aniya, "Hindi naman lingid sa ating mahal na Presidente na nagsasalita against sa ABS-CBN.

"May minura pa nga siya, artista namura niya, hindi yung may-ari ng ABS-CBN. Pero hindi ko na babanggitin dito kung anuman iyon.

"Kaya nahihirapan kayo ngayon...

"Bakit tayo nandirito ngayong lahat?

"Ang dami naman nanghihingi ng prangkisa rito, e. Dun lang tayo sa Recto room. Pero dito, ang laki-laki ng coverage dito."

Ang tinutukoy ni Lapid ay ang isang function room sa Senado kung saan tinatalakay ang franchise bills ng ibang networks.

Continue reading below ↓

Patuloy niya, "Kaya itinatanong ko ito, galit sa inyo ang Pangulong Duterte, na may galit sa inyo. Ano iyon?

"Para masabi niyo dito, kung puwede kayong humingi ng paumanhin, humingi kayo ng tawad, kung anuman ang pagkukulang niyo. Nasa inyo ang mic."

OVERTIME PAY, BENEFITS IN ABS-CBN

Bago pa naungkat ang tungkol sa umano'y "galit" ng Pangulo sa ABS-CBN, tinanong din ni Lapid ang ABS-CBN executives tungkol sa working conditions ng mga empleyado ng network.

"Marami po kasing mga nagkukuro-kuro. May mga bumabanat sa ABS-CBN kasi ang ipinapakita niyo sa TV, puro pabor sa inyo.

"Walang nagsasabi ng against sa inyo, kaya sabi nila, biased kayo kung mag-promote sa TV.

"Ang tanong ko lang po, may mga tumitira sa inyo na kamukha ko.

"Naging artista ako, pero iba po dahil kasi hindi po ako humingi ng overtime.

"May tumitira po sa inyo, kapwa ko po artista, na hindi kayo nagbabayad ng overtime."

Continue reading below ↓

Si ABS-CBN Chief Operating Officer Cory Vidanes ang sumagot sa tanong ni Lapid tungkol sa isyu ng overtime pay.

Saad ni Vidanes, "Senator Pinuno, ang mga artista po ay binabayaran per program po, per taping day.

"So, hindi talaga sila binibigyan ng overtime [pay] dahil output po per each taping day po ang bayad sa aming mga artista."

Nagtanong din si Lapid kung may katotohanan ang mga paratang na walang SSS, Pag-IBIG, at Philhealth benefits ang mga empleyado ng ABS-CBN.

Sagot ni Vidanes, "Pinuno, hindi ho totoo 'yon.

"Lahat po sila, may benepisyo po above the mandated benefits of the government."

Sabi naman ni Lapid, "Kaya ko lang itinatanong sa inyo dahil ang mga bira sa inyo, patalikod. Para masagot niyo sa kapulungan na 'to."

Hindi pinangalanan ni Lapid kung sino ang kapwa niya artista na kumukuwestiyon sa kawalan umano ng karampatang benefits at overtime pay ng mga empleyado ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Tanong ulit ni Lapid, "May Pag-IBIG ho ba sila?"

Ang chief ng Human Resources and Organization ng ABS-CBN na si Mario Carlo Nepomuceno ang nagpaliwanag tungkol sa benepisyo ng mga empleyado ng media giant.

Paliwanag ni Nepomuceno, "Yung mga project employees po na naka-assign sa mga programa, we call them program employees.

"Pursuant to Policy Instruction Number 4, ABS-CBN pays for their SSS, Pag-IBIG, and Philhealth. We shoulder the full amount.

"Para po sa mga artista who were hired as independent contractors, writers, directors, because the contracts are negotiations, depende po yun sa negotiation.

"Pero for the bulk of our independent contractors, we provide for SSS, Pag-IBIG, and Philhealth, among other benefits po, hindi lang hanggang doon."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Lito Lapid (center) to ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak (left) and ABS-CBN Chairman Martin Lopez (right): "Kaya itinatanong ko ito galit sa inyo ang Pangulong Duterte. Na may galit sa inyo. Ano iyon?"
PHOTO/S: ABS-CBN live stream
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results