Todo
review ang maraming mga propesyunal ngayon na gustong maging milyonaryo sa Kakasa
Ka Ba sa Grade 5? Ito na ang isa sa Saturday television viewing habits ng
mga manonood, bagets man o hindi, na sumusubaybay sa Kapuso network.
Hosted by Janno Gibbs, ang Kakasa Ka ba sa Grade 5? ay quiz show ng mga propesyunal at hindi ng mga estudyante. At hindi basta-basta ang mga tanong dahil magmumula ito sa mga textbooks ng mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 5, na may mga subjects tulad ng Science, English, Filipino, Hekasi (Heograpiya, Kasaysayan at Sibika) pati na rin MAPE (Music, Arts at Physical Education).
Ang Kakasa Ka Ba sa Grade 5? ay ang Pinoy version ng Are You Smarter Than a Fifth Grader ng U.S. mula sa Mark Burnett productions. Mapa-U.S. man o mapa-Pilipinas, talagang kinahihiligan ang quiz-game show na ito. Maraming natututunan ang mga manonood sa naturang palabas bukod pa sa nahahasa rin ang memorya sa pagsabay sa pagsagot ng 10 katanungan sa first round. Ngayong Sabado, makaabot kaya sa final round, o one-million-peso question, ang dalwang contestants na office administrator at sales manager?
Alamin kung ang maiuuwi ba nila ay cash at kalabasa award o ang isang milyong piso. Isa na kaya sa kanila ang kauna-unahang milyonaryo sa Kakasa Ka Ba sa Grade 5? Abangan sa ganap na 6:30 ng gabi sa GMA-7 ngayong Sabado, January 12.