Boss Vic del Rosario consoles Mommy Divine after Sarah-Matteo secret wedding

by Jojo Gabinete
Feb 25, 2020
Boss Vic del Rosario Jr. (left) on reaction of Divine Geronimo (right) to secret wedding of Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli: "Siguro a typical mother na nagulat, nabigla, so yun ang reaksiyon niya nung time na yun. Pero tingin ko, it’s just a matter of time, maaayos lahat ‘yan."
PHOTO/S: Twitter / Instagram

Ang Viva Entertainment, Inc. big boss na si Vic del Rosario Jr. ang nagsalita para sa panig ni Matteo Guidicelli kaugnay ng alegasyon ni Jerry Tamara, close-in security o personal bodyguard ni Sarah Geronimo, laban sa aktor.

Inakusahan ni Tamara si Matteo ng pananakit sa insidenteng nangyari sa intimate wedding reception nina Matteo at Sarah sa Ministry of Crab restaurant, Shangri-La at The Fort, Bonifacio Global City, Taguig, noong Huwebes ng gabi, February 20.

Nitong Lunes, February 24, dumulog si Tamara sa programa ni Raffy Tulfo na Wanted Sa Radyo upang humingi ng tulong na magkaroon ng hustisya ang diumano’y pananakit sa kanya ni Matteo.

Ayon kay Tamara, siya ang pinagbintangan ni Matteo na nagsabi umano kay Divine Geronimo, ina ni Sarah, tungkol sa naganap na pag-iisang dibdib ng singer-actress at ng aktor.

Nagsimula ang komosyon nang biglang dumating sa hotel ang ina ni Sarah na si Divine Geronimo.

Hindi imbitado sa kasal si Mommy Divine, kaya nagulat ito nang malamang ikinasal na ang kanyang anak kay Matteo.

Continue reading below ↓

Kinumpronta ni Mommy Divine sina Sarah, Matteo, at ang pamilya ng aktor.

At sa gitna ng gulong ito ay sinuntok diumano ni Matteo si Tamara.

Sinubukan ng programa na kunin ang panig ni Matteo kaugnay ng ibinibintang sa kanya ni Tamara, ngunit sinabi ng aktor na ang magsasalita para sa kanya ay si Boss Vic.

Si Boss Vic ang talent manager nina Matteo at Sarah, na parehong contract stars ng Viva.

AFTER THE SKIRMISH

Sa pamamagitan ng phonepatch interview, nilinaw ni Boss Vic na hindi niya nasaksihan ang tinutukoy na insidente ni Tamara.

Tapos na raw ito nang dumating siya sa venue.

"Yung insidente mismo na ikinukuwento niya, wala pa ako doon," simula ng film producer at talent manager.

"Ang alam ko nga, dumating si Mommy Divine, sorpresa.

"Siyempre, in a way, parang nag-gatecrash siya dun sa party. Nagkaroon ng konting pag-uusap at pagtatalo.

"So, I think, yung eksenang yun, siyempre si Sarah ang apektado, at siya yung nasa gitna, iyak siya nang iyak.

Continue reading below ↓

"Yun ang alam kong nangyari."

Tinanong ni Raffy si Boss Vic kung bakit siya nagpunta sa hotel. Tinawagan ba siya ni Sarah o ni Mommy Divine?

Sagot niya, "Si Matteo ang tumawag sa akin and, siyempre, sabi niya, 'Baka mabuti dumating ka dito at maawat siyempre yung gulo.'

"Kaya agad-agad, tumakbo ako doon. Siguro walang ten, fifteen minutes, nandoon na ako, e."

Pagkatapos nito ay inilahad ni Boss Vic ang mga inabutan niyang eksena.

"Inabutan ko sa loob ng kuwartong yun, e, si Sarah saka si Mommy Divine, at itong kanyang bodyguard.

"Agad-agad, sabi ko kay Sarah, 'Mabuti pa lumabas ka, kami na lang ng mommy mo ang mag-uusap.'

"So, nag-usap kami more than an hour.

"Hinihintay ni Mommy Divine yung kanyang asawa na si Delfin para dumating. So, hindi ko na alam ang nangyari.

"Pagkatapos nun, umalis na rin si Sarah, kasama yung kanyang asawa, si Matteo.

"At alam ko, sumunod itong kanyang bodyguard."

Continue reading below ↓

Pinabulaanan naman ni Boss Vic ang akusasyon ni Tamara na sinuntok siya ni Matteo.

"So right after, kinabukasan, nakausap ko si Sarah, e. Wala siyang nakita.

"Wala siyang alam na sinuntok yung bodyguard daw ni Matteo.

"Ayon kay Sarah, hindi totoo yun. Walang baril, wala lahat, wala siyang nadinig.

"So, yun lang ang masasabi ko."

HEART-TO-HEART TALK WITH MOMMY DIVINE

Naiwan daw sina Boss Vic at Mommy Divine sa isang kuwarto kung saan sila nag-usap nang masinsinan.

Ano ang mga napag-usapan nila?

Saad ni Boss Vic, "Tungkol dun sa nangyari na nasorpresa siya.

"Nung time na yun, parang hysterical, so siyempre madami siyang… yung mga galit na sinasabi.

"Ako naman, e, siyempre, binibigyan ko siya ng time para ilabas niya yung kanyang sama ng loob.

"Pero kinu-console ko siya na, 'Mommy, nag-asawa na yung dalawa, e. Sa tingin ko, dapat pagbigyan na natin.'

"Kasi, di ba, nag-asawa na, desisyon yun ni Sarah saka ni Matteo…"

Continue reading below ↓

Pareho nang nasa tamang edad sina Sarah (31) at Matteo (29).

Ano ang naging reaksiyon ni Mommy Divine sa kanyang ibinigay na payo?

Ayon kay Boss Vic, "Siguro a typical mother na nagulat, nabigla, so yun ang reaksiyon niya nung time na yun.

"Pero tingin ko, it’s just a matter of time, maaayos lahat ‘yan."

Pagbaling naman niya kay Tamara, "So, ang pakiusap ko sana dito kay ano, parang yung insidenteng yun, about Sarah and Matteo, very personal.

"Kung merong mang nangyari na parang… siyempre, ang alam ko, siyempre nung pumapasok si ano, etong bodyguard ni Sarah sa room, siyempre bilang asawa, ang sabi ni Matteo, 'E, hayaan mo muna kami na makapag-usap.'

"So, I think, yun lang, hindi siya nakapasok dun sa room na magkasama yung mag-asawa."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boss Vic del Rosario Jr. (left) on reaction of Divine Geronimo (right) to secret wedding of Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli: "Siguro a typical mother na nagulat, nabigla, so yun ang reaksiyon niya nung time na yun. Pero tingin ko, it’s just a matter of time, maaayos lahat ‘yan."
PHOTO/S: Twitter / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results