DOJ Chief says Congress may authorize NTC to allow ABS-CBN to operate despite expired franchise

by Jet Hitosis
Feb 24, 2020
Department of Justice Secretary Menardo Guevarra: “The Congress, by a concurrent resolution, may authorize the NTC to issue a provisional authority...authorizing them to continue operating, subject to Congress’ eventual disposition of their renewal of the application."
PHOTO/S: doj.gov.ph, ABS-CBN

Kongreso ang mag-aatas sa National Telecommunications Commission (NTC)—
sakaling bigyan ng provisional authority ang ABS-CBN Corporation upang mag-operate kahit expired na ang prangkisa nito.

Ito ang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra nang humarap sa pagdinig ng Senado para sa franchise renewal ng Kapamilya network ngayong Lunes, February 24.

Ang pagdinig ay isinagawa ng Senate Committee on Public Services, na pinamumunuan ni Senator Grace Poe.

Tinalakay ng komite ni Poe ang Senate Bill No. 981 o "Renewing the franchise granted to ABS-CBN Broadcasting Corporation."

Ito ay ang pagkakaloob ng panibagong 25-taong legislative franchise sa pinakamalaking media conglomerate ng bansa.

Sponsored ang bill nina Senate Pro-Tempore Ralph Recto at Senators Leila de Lima at Manny Pacquiao.

Umaabot sa 11 ang counterpart bills ng SB 981 sa Kamara, pero hindi pa natatalakay ng House Committee on Legislative Franchises ang alinman sa mga ito.

May natitirang 11 araw na lamang ang Kamara at Senado bago mag-adjourn sa March 14.

Continue reading below ↓

Sa May 4 magbabalik-sesyon ang Kongreso, pagkatapos ng Semana Santa sa Abril.

ABS-CBN FRANCHISE TO EXPIRE ON MAY 4, 2020

Alinsunod sa Republic Act (RA) 7966, na nagkaloob ng 25-taong broadcasting franchise sa ABS-CBN noong 1995, sa March 30 mag-e-expire ang prangkisa ng network.

Pero sa Senate hearing ngayong Lunes, nilinaw ng Department of Justice (DOJ) chief na hanggang sa May 4, 2020 pa talaga ang bisa ng prangkisa ng ABS-CBN.

Paliwanag ni Secretary Guevarra, bagamat March 30, 1995 pinirmahan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang RA 7966, noong April 19, 1995 lang ito nailathala sa mga pahayagan.

Ayon sa Konstitusyon, awtomatikong magkakabisa ang batas 15 araw matapos itong mailathala sa diyaryo na may national distribution.

Dahil dito, May 4, 1995 naging epektibo ang batas na nagbigay ng 25-taong prangkisa sa ABS-CBN Corporation, kaya May 4, 2020 ito mapapaso.

“CONSIDERATIONS OF EQUITY”

Ang pagpapahintulot sa ABS-CBN na makapag-operate pa rin makalipas ang May 4, 2020 ay ibinatay ni Secretary Guevarra sa “considerations of equity.”

Continue reading below ↓

Ibig sabihin, kailangang patas ang usapin.

Marami nang network at telecommunications company sa bansa ang pinayagan pa ring makapag-operate kahit napaso na ang prangkisa ng mga ito.

Ang mahalaga, ayon kay Secretary Guevarra, ay naihain sa Kongreso ang panukala para sa panibagong prangkisa bago ito tuluyang nag-expire.

Sinabi ni Secretary Guevarra sa Senate panel: “Considerations of equity have apparently been applied in previous similar situations presented earlier, namely, among others, PT&T, Smart Communications, Inc., CBCP, Inc., all of whom were allowed to operate despite expired franchises as long as application for the renewal of their franchises were lodged with the Congress before the lapse of their term.”

Dagdag ng Justice Secretary: “The grant of a franchise is an exercise of sovereign power, and under our Constitution, that power is vested in the Congress.

“By necessary implication, such power of Congress also includes the power to prescribe the rights of a franchise applicant pending final determination of the renewal of its franchise by the Congress."

Continue reading below ↓

Ito ang mungkahi ng kalihim: “...Congress, by a concurrent resolution, may authorize the NTC to issue a provisional authority... authorizing them to continue operating subject to Congress’ eventual disposition of their renewal of the application.”

Sa kabila nito, sinabi rin ni Secretary Guevarra, sa isang media ambush interview sa kanya sa labas ng Senado, na hindi siya magbibigay ng legal opinion sa NTC tungkol sa issue.

Ang inilahad ng kalihim sa Senate panel ay kanyang statement o pahayag.

Kumpara sa pahayag, mas may bigat ang legal opinion na maaaring gamiting legal defense kapag nilitis na sa korte ang isang kaso.

NTC ASKS FOR A JOINT RESOLUTION

Dahil sa sinabing ito ni Secretary Guevarra, nanawagan si NTC Commissioner Atty. Gamaliel Cordoba sa Kongreso na magpasa ng joint resolution.

Ito, ayon sa commissioner, ay upang magkaroon ng legal basis ang ipalalabas na provisional authority ng NTC para sa ABS-CBN.

Dumalo rin sa Senate hearing si Commissioner Cordoba.

Continue reading below ↓

Nito lang February 17 ay naghain si Senate Minority Leader Franklin Drilon ng Senate Joint Resolution No. 11 na layuning palawigin ang prangkisa ng network hanggang sa December 31, 2022.

Ang resolution na ito ni Senator Drilon ang malinaw na tinukoy ni Senator Recto nang usisain niya si Commissioner Cordoba kung kailangan bang magpasa ng joint resolution ang dalawang Kapulungan para sa provisional authority na ibibigay ng NTC.

“Mas maganda din po kasi kung meron din, Sir, because magkakaroon ng kuwestiyon what’s the basis for us to issue such a provisional authority,” sagot ng NTC commissioner kay Senator Recto.

Ang joint resolution ay kailangang aprubahan ng Kamara at Senado, tsaka pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte para magkaroon ng bisa.

Tiniyak naman ni Commissioner Cordoba na bukas ang NTC na payagang makapag-operate ang ABS-CBN kahit nag-expire na ang prangkisa nito, at kahit hindi pa rin naaaprubahan ng Kongreso ang bagong franchise.

Continue reading below ↓

“We can, we can let ABS-CBN continue to broadcast.

“Based on equity ay puwede naman po,” ani Commissioner Cordoba, na ginamit na batayan ang naunang pahayag ni Justice Secretary Guevarra.

THE QUO WARRANTO PETITION

Inamin ng commissioner na kaiba ang kaso ng ABS-CBN.

Ang ibang networks na may expired na prangkisa ay hindi na nangangailangan ng isang joint resolution para mabigyan sila ng NTC ng provisional authority.

Paliwanag ng NTC commissioner, “first time” ito na ang network na bibigyan ng provisional authority ay may kinakaharap na petisyon sa Supreme Court (SC).

Tinukoy ng commissioner ang quo warranto petition na inihain ng Office of the Solicitor General (OSG) laban sa ABS-CBN Corporation at sa telecommunications arm nitong ABS-CBN Convergence, Inc.

Tumatayong abogado ng gobyerno, pinababawi ng OSG nitong February 10 ang prangkisa ng network dahil umano sa ilang paglabag sa batas.

Giit ng OSG, nag-alok ng pay-per-view na Kapamilya Box Office (KBO) Channel ang ABS-CBN TV Plus ng ABS-CBN Convergence, Inc. nang walang pahintulot ng NTC, at pinahintulutan ang foreign ownership sa kumpanya.

Continue reading below ↓

KBO CHANNEL and the provision on "commercial purposes"

Pero sa pagdinig sa Senado kanina, hindi man direkta ay sinang-ayunan ni Justice Secretary Guevarra na saklaw ng prangkisa ng ABS-CBN ang pag-aalok ng pay-per-view channels, tulad ng KBO.

Batay sa isang naunang DOJ opinion sa kaparehong sitwasyon, ang “commercial purposes” na nakasaad sa RA 7966 ay “broad enough” para saklawin ang iba pang kumikitang serbisyo.

Sinegundahan ito ng Justice Secretary.

Tanong ni Senator Francis Pangilinan: “Dahil broad ang naging interpretation, puwedeng magkaroon ng iba pang programa na kumikita?”

Sagot ni Secretary Guevarra: “That is correct.”

Nakasaad sa RA 7977 na pinapayagan ng prangkisa ang ABS-CBN “to construct, operate and maintain, for commercial purposes… television and radio broadcasting corporations in and throughout the Philippines.”

Ayon kay NTC Commissioner Cordoba, kung nagkaroon man ng paglabag ang ABS-CBN, ito ay ang paglulunsad nito sa KBO Channel nang wala pang guidelines mula sa komisyon.

Ang naturang paglabag ay may katapat na multang P200, ayon sa commissioner.

Continue reading below ↓

SEC NOT AWARE OF ANY VIOLATION OR COMPLAINT VS ABS-CBN

Nasa Senate hearing din si Securities and Exchange Commission (SEC) Commissioner Ephyro Luis Amatong.

Sinabi naman ni Commissioner Amatong na walang alam ang SEC na violation ng ABS-CBN kaugnay ng pag-iisyu umano ng network ng Philippine Depository Receipts (PDRs) sa mga dayuhan.

Ang PDRs ay investments na ibinebenta sa mga dayuhan para madagdagan ang pondo ng kumpanya, pero hindi nangangahulugang may kontrol na sa kumpanya ang bumili nito.

Sinabi ni Commissioner Amatong sa Senate panel na hindi pa nasisilip ng SEC ang tungkol sa PDRs ng ABS-CBN, na kinukuwestiyon sa quo warranto ng OSG.

Mistulang nag-iingat ang SEC representative sa pagsagot sa mga senador dahil na rin sa gag order na iniapela ng OSG sa Korte Suprema nitong February 18.

Hangad ng gag order na hinihiling ng OSG ang pagbawal sa panig ng ABS-CBN, at maging ang OSG at mismong si Solicitor General Jose Calida, na talakayin sa publiko ang tungkol sa quo warranto.

Continue reading below ↓

ABS-CBN SUBMITS COMMENTS TO SC

Kaugnay nito, sa Senate hearing ay kinumpirma ni Atty. Mario Bautista, abogado ng ABS-CBN, na naisumite na nila ngayong Lunes sa Korte Suprema ang sagot ng network sa quo warranto petition ng OSG.

Kasabay nito, isinumite rin ng Kapamilya network ang komento nito sa hiwalay na gag order plea ng OSG.

Hindi naman idinetalye ni Atty. Bautista sa media ang naging tugon ng ABS-CBN sa parehong apela ng OSG sa Kataas-taasang Hukuman.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Department of Justice Secretary Menardo Guevarra: “The Congress, by a concurrent resolution, may authorize the NTC to issue a provisional authority...authorizing them to continue operating, subject to Congress’ eventual disposition of their renewal of the application."
PHOTO/S: doj.gov.ph, ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results