Sarah Geronimo’s bodyguard to file complaint against Matteo Guidicelli

by Arniel C. Serato
Feb 24, 2020
Jerry Tamara (left), the bodyguard of Popstar Royalty Sarah Geronimo (center), appeals to Matteo Guidicelli (right) to be truthful: "Sir Matteo, yung totoo lang po. Alam niyo at alam ng buong pamilya niyo na sinapak niyo ako sa leeg."
PHOTO/S: Courtesy: News5Everywhere on YouTube / @matteog on Instagram

Sa pagharap ni Jerry Cortes Tamara, 31—ang personal bodyguard ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo—sa broadcaster na si Raffy Tulfo, 59, ikinuwento ni Jerry ang kabuuang eksena sa wedding reception ng nangyaring secret wedding ng kanyang amo at ng aktor na si Matteo Guidicelli.

Naganap ang secret wedding nina Matteo, 29, at Sarah, 31, noong nakaraang February 20 sa Victory Church – Every Nation sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City.

Ginanap naman ang reception sa Ministry of Crab, Shangri-La at The Fort, BGC.

Sa segment na "Ipa-Raffy Mo!," ng programang Aksyon ni Tulfo sa TV5, ngayong araw, February 24, binigyang linaw ni Jerry ang mga pangyayari bago humantong sa diumano’y pagkasapak sa kanya ng Viva actor noong gabi ng February 20.

Sa unang bahagi ng kuwentong ito ni Jerry—na napapanood sa TV5 at naiulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw din—idinetalye ng bodyguard ang behind-the-scenes ng komosyon sa reception.

Continue reading below ↓

Kasunod nito, tinanong naman siya ni Raffy kung ilan ang bodyguards ni Matteo na pumigil sa kanya sa pagresbak.

Pagpapatuloy ni Jerry, “Tatlo, saka dalawang driver, may mga SG [security guard] na nag-lock sa akin.”

Ayon pa sa kanya, ilan daw sa bodyguards ni Matteo ay “active military personnel.”

Dagdag niya, “Hindi ko lang po masasabi, may active po dun, pero di ko lang masabi kung ilan po ang active doon.”

Si Matteo ay 2nd Lieutenant ng Philippine Army Reserve Command.

Sa pag-inog ng programa, tinawagan ng Aksyon si Colonel Ramon Zagala, Chief ng Philippine Army (PA).

Dito ay inusisa ni Raffy si Colonel Zagala kung may naka-detail bang personnel ang Philippine Army upang maging close-in security ni Matteo.

Sagot ni Colonel Zagala, “Wala po.”

Kuwento ni Raffy sa koronel, ito ay ayon sa sinabi ni Jerry Tamara, ang bodyguard ni Sarah.

Sagot muli ni Colonel Zagala, “As far as the records show, walang naka-detail.”

Continue reading below ↓

Dagdag pa ng opisyal, “We can take a look po, but we are confident that there is none.

"But because of your request, Raffy, we can take a second look.

“Pero sa lahat ng tinawagan kong mga unit na may interaction si Lt. Guidicelli, walang naka-detail sa kanya.

“We will also look into it. But, as of now, actually there is none.”

INQUIRING ABOUT MATTEO’S SECURITY DETAILS

Bakit nasabi ni Jerry na may “active personnel” sa bodyguards ni Matteo?

Tugon ni Jerry sa tanong ni Raffy, “Kasi po, yung isang kasamahan ko na may PA rin po, sinabi niya sa akin na, ‘Pre, may active diyan sa mga bodyguard ni Sir Matteo. Ingat ka lang.’

“Dun ko po nalaman na may active.”

Sa pagtatanong ni Raffy kung ano ang "PA," sinabi ni Jerry na VIP, o Very Important Person, ang ibig niyang sabihin.

Siya mismo ay wala naman daw nakitang naka-uniform sa mga bodyguards ni Matteo, at hindi rin talaga siya sigurado sa bagay na ito.

Continue reading below ↓

Tanong naman ni Raffy kay Colonel Zagala, maapektuhan ba ang pagiging reservist ni Matteo sa Philippine Army kung magsampa si Jerry ng reklamo.

Sagot ni Colonel Zagala, mukhang labas sila sa usaping ito.

Paliwanag ng hepe, “Ah, for now Raffy, the Philippine Army, our policy when it comes to… alam mo naman it’s not a perfect world, meron talagang nangyayaring incident, involving our active personnel, our active reservist, kasi nangyayari talaga ‘yan.

“Normally, we have a process. Itong pangyayari sa kanila, it is outside of the Philippine Army. It’s a private event.

“It’s a family matter, and it did not involve the Philippine Army as an organization.

“But if, kung naka-uniform siya sana or he’s using his rank, then puwede pa po.

“But I believe na itong problem is beyond the Philippine Army, baka sa korte na lamang po or other pertinent authority.”

HOW DID THE MESS END?

Paano naawat ang gulo?

Continue reading below ↓

Kuwento pa rin ng bodyguard ni Sarah, “Ayun nga, Sir, dahil pinaghihiwalay ko nga yung pamilya. Tapos natapos na po yung gulo kasi hinayaan ko na po si Ma’m Sarah na lumabas, kasama na po yung mga VIP, buong pamilya ni Sir Matteo. Dun po.

“'Tapos po, dumating po yung daddy ni Ma’m Sarah."

Ang tinutukoy dito ay si Mr. Delfin Geronimo.

"Pumasok po sila sa hotel, e. Ang tagal po namin nag-antay," pagpapatuloy ni Jerry.

“Pumasok po sila sa may ground floor.

“Yung management ng hotel, Sir, hindi na po kami pinapasok kasi may ano na, e, may gulo nang nangyayari.

“Parang ni-lockdown din nila yung hotel, na hindi kami makapasok.

“Ang hinantay namin, na lumabas sila, pero hindi po sila lumabas.”

Hindi pa raw sila nakapag-usap ni Sarah, maging ni Matteo.

Nauna nang itinanggi ni Matteo na nasaktan niya si Jerry.

Buwelta ng bodyguard ni Sarah, “Kasi nagbigay po siya ng statement sa kabilang istasyon, na wala daw nasuntok, na lahat daw nang nag-aalaga kay Ma’m Sarah, mahal niya din daw.

Continue reading below ↓

“E, hindi naman tayo aabot sa ganito kung hindi niya ako sinapak, e.”

Ang tinutukoy ni Jerry ay ang naging interbyu ni Matteo sa ABS-CBN.

Sabi pa ni Jerry, may mga CCTV naman sa lugar, at may mga nakasaksi raw ng mga pangyayari na mga empleyado ng Ministry of Crab at security forces ng Shangri-la at The Fort.

FILING COMPLAINT AGAINST MATTEO

Nagpa-medical na raw si Jerry para magamit sa susunod na hakbang na kanyang maaring gagawin.

Magsasampa ba siya ng reklamo?

Tugon nito, “Opo, sasampahan ko po.”

Yung ibang bodyguards ba ni Matteo, sinaktan ba siya?

Saad niya, “Yung pasimpleng-simpleng siko lang, Sir.

“Simpleng-simpleng siko, kasi nakahawak sila sa balikat ko at kamay, kaya anu-ano lang, pasimpleng-simpleng siko.

“Huwag na daw ako pumalag.”

May gusto ba siyang sabihin kay Matteo?

Mensahe ni Jerry sa asawa ni Sarah, “Sir Matteo, yung totoo lang po.

“Alam niyo at alam ng buong pamilya niyo na sinapak niyo ako sa leeg.

Continue reading below ↓

“At yung attorney niyo pa po at si Mommy niyo at isang bisita niyo, humihingi pa po ng pasensiya sa akin, na nasapak niyo daw po ako dahil sa galit.”

Ang ina ni Matteo ay si Glenna Fernan-Guidicelli.

Pagpapatuloy pa ng bodyguard ni Sarah, “E, hindi puwede yun na sasapakin ako dahil galit kayo.

“Wala naman po ako ginagawa sa inyo.”

Sino ang humingi ng pasensiya sa kanya?

Pag-ulit ni Jerry, “Yung attorney niya po. Attorney ni Sir Matteo, tapos…”

Bakit nandun ang abugado?

Pag-amin ni Jerry, “Hindi ko po alam kung bakit nandun, e.

“Tapos yung mommy niya, tapos yung isang taga-Victory [nag-sorry].”

Hindi naman daw nakita ni Mommy Divine ang tagpong nasapak siya.

Hindi rin daw siya sigurado kung nakita ni Sarah ang pagsapak sa kanya.

Deklara pa ni Jerry, “Pero 100 percent sure po ako na nakita ng mga empleyado dun.”

Three years and a half na si Jerry bilang personal bodyguard ni Sarah.

Continue reading below ↓

Mabait daw ang Kapamilya singer sa kanya.

Dagdag pa niya, “Kuya pa nga po ang tawag niya sa akin.”

Sa huli, nilinaw ni Jerry ang isyu na siya raw ang nagsumbong kay Mommy Divine ng secret wedding ng anak at ni Matteo.

Kuwento ni Jerry, “Liwanagin ko lang yung nagsumbong ako.

“Hindi naman talaga ako nagsumbong. Kasi, nagsabi po si Ma’m Sarah sa akin na mauna na kami mauwi.

“Siyempre, Sir, anak niya po, ipinagkatiwala niya sa akin, tapos mag-text na 'Mauna na kayo,' anong sasabihin ko? Siyempre, magri-report ako.”

Ang kumuha kay Jerry bilang bodyguard ni Sarah ay si Mommy Divine, na siya rin daw nagpapasuweldo rito, ayon na rin kay Jerry.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa mga panig ng lahat ng nabanggit sa artikulong ito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jerry Tamara (left), the bodyguard of Popstar Royalty Sarah Geronimo (center), appeals to Matteo Guidicelli (right) to be truthful: "Sir Matteo, yung totoo lang po. Alam niyo at alam ng buong pamilya niyo na sinapak niyo ako sa leeg."
PHOTO/S: Courtesy: News5Everywhere on YouTube / @matteog on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results