Kakai Bautista gets entangled in word war with KathNiel fans

by Rachelle Siazon
Feb 26, 2020
Kakai Bautista on exchange of messages with a KathNiel fan: "Hindi nyo ako kailangan gustuhin. PERO wala din kayong karapatan na BASTUSIN ako."
PHOTO/S: @ilovekaye Instagram

Maanghang ang mga salitang pinakawalan ni Kakai Bautista laban sa ilang fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na panay umano ang tirada sa kanya sa social media.

Isang simpleng tweet ang pinagmulan ng isyu.

Sa unang tweet ni Kakai, ibinahagi niya ang isang GIF o animated video kunsaan may cute pose si Kathryn.

Kasama raw siya sa video na iyon, pero na-crop ang mukha niya nang i-repost iyon ng netizens.

"Minsan nakakacrop din talaga ang mukha ko [laughing emoji]," ani Kakai.


Continue reading below ↓

Nakatanggap umano ng pambabatikos si Kakai nang dahil lang sa tweet niyang iyon.

Hinaing ni Kakai (published as is): "Dami talagang mga fans na offensive. Bastos. Below the belt.

"Minsan iniisip ko, sino ba talaga ang iniidolo nila?

"yung mga taong mabubuti naman ang pagkatao na IDOL nila, Or si lucifer? [peace emoji]

"Sobrang contradicting eh. Hooh. [thumbs down emoji]"


Continue reading below ↓

Saka ipinakita ni Kakai ang "orig version" ng GIF kunsaan katabi siya ni Kathryn.

Naging malapit silang magkaibigan mula nang magkatrabaho sa Hello, Love, Goodbye, ang current highest-grossing Filipino film na pinagbidahan nina Kathryn at Alden Richards.

Sabi ni Kakai patungkol kay Kathryn: "Ang sarap nang nayayakap kita. Nakakausap. Yung totoo. Sa totoong buhay. Love you Chandria."

Chandria ang second name ni Kathryn.



Continue reading below ↓

Sa mga naunang tweets ni Kakai ay wala siyang binabanggit kung sino ang mga pinatatamaan niya.

Pero hindi maiwasang maugnay ito sa KathNiel fans. Kinilalang fans kasi nina Kathryn at Daniel (KathNiel) ang nag-post ng video ni Kathryn kunsaan na-crop si Kakai.

Sa parte ng KathNiel fans, hindi raw nila nagustuhan ang umano'y "pasaring" ni Kakai na hindi magagawa ng fans ang maging malapit na kaibigan si Kathryn.

Sunud-sunod naman ang tweets ni Kakai tungkol sa umano'y pagiging "BASTOS" ng fans na panay raw ang batikos sa kanya.

"Kung magsalita kayo, para kayong walang magulang.

"Or kung magulang kayo, wala kayong anak na dapat turuan.

"DYOS-DYOSAN. MGA BASTOS."

Wari'y napaisip pa si Kakai kung bakit hindi raw gayahin ng fans ang pag-uugali ng mga "kaibigan" niya, na iniidolo ng mga nakaaway niyang netizens.

Tweet ni Kakai (published as is): "mabuti nalang talaga. Mababait ang mga kaibigan ko. NAkakaproud pag mabait.

Continue reading below ↓

"Ang tanga ko lang kumain ako ng PATOLA."


THE "EXPERIMENT" TWEET

Umigting ang mainit na palitan ng salita sa pagitan ni Kakai at ng ibang KathNiel fans nang mag-tweet si Kakai ng isang "experiment" para raw matigil na ang birada sa comedienne.

Baka sakaling kapag kinitil daw niya ang sariling buhay ay siya naman ang maging "victim" ng abusadong fans.

Continue reading below ↓

Maya-maya pa ay dinelete ni Kakai ang "experimental" tweet niya.

"Experimental. UNBELIEVABLE RESPONSE," ani Kakai.

Base sa sumunod niyang pahayag ay tila mas dumami ang batikos na natanggap niya.

Tweet naman ni Kakai: "How much hate you respond to that tweet, is the experiment.

"I will not do it.

"I got better understanding on what people can give to you when they don’t like you."

Sa puntong ito pinangalanan ni Kakai ang KathNiel fans.

"Sorry if i offended you with that. I don’t hate you #Kathniel fans. I have my sentiments."


Continue reading below ↓

Paalala ng ibang netizens, hindi magandang gawing "experiment" o biro ang mga bagay tungkol sa pagkitil ng buhay.

the direct messages

Kuwento pa ng isang fan, nakatanggap umano ito ng direct message mula kay Kakai na nagsasabing "Crop mo lang ng crop."

Patunay umano ito na isyu kay Kakai ang na-crop na video.

Pero paliwanag ng comedienne, "natawa" lang siya sa pag-crop ng mukha niya sa video, kaya nga raw nilakipan niya ng laughing emoji.

Ang hindi raw nagustuhan ni Kakai ay kung anu-anong salita ang kanyang natanggap nang dahil sa pag-tweet niya ng cropped video nila ni Kathryn.

Sabi ni Kakai sa ka-DM na fan: "Wag kayong mag alala. Nakakarating lahat sa inidolo nyo kung paano nyo ako bastusin.

"Hindi nyo ako kailangan gustuhin. PERO wala din kayong karapatan na BASTUSIN ako.

"Natawa lang ako sa pag-crop anu-ano nang sinabe. Mag Hijo, hija. Mababait na bata ang mga iniidolo nyo. Kaya nyo nga IDOL, gayahin nyo."

Continue reading below ↓

Dagdag ni Kakai: "Masyado kayong defensive at nagdudyosdyosan. Wag ganun."

Hindi kasama sa screenshot kung ano ang isinagot ng fan kay Kakai.

Pero narito ang ilan sa paliwanag ng isang fan:

Continue reading below ↓

KAKAI'S FINAL TWEET

Sa huli, nag-iwan ng mensahe si Kakai na hindi talaga sila magkakaintindihan ng mga nakasagutan niyang netizens.

Kung anuman daw ang kanyang opinyon ay paninindigan niya.

"You have yours. I respect that.

"Say whatever you want.

"But i will not be sorry for having my own."

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kakai Bautista on exchange of messages with a KathNiel fan: "Hindi nyo ako kailangan gustuhin. PERO wala din kayong karapatan na BASTUSIN ako."
PHOTO/S: @ilovekaye Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results