Actor Alex Diaz, fitness coach now gym buddies after indecent-proposal issue

by Arniel C. Serato
Feb 26, 2020
Fitness and keto diet coach Miguel Lagman Chanco (left) posts photo with actor-host Alex Diaz (right) informing his friends and followers that it's "all's well that ends well" between them.
PHOTO/S: Courtesy: @miguelchancofitness on Instagram

Nagkapatawaran at nagkausap na nang personal ang fitness at keto diet coach na si Miguel Lagman Chanco at ang Kapamilya actor-host na si Alex Diaz.

Nangyari ito halos limang buwan mula nang pumutok ang indecent-proposal issue sa pagitan nilang dalawa.

Sa kanyang bagong post sa Instagram ngayong araw, February 26, sinabi ni Miguel na magiging magka-gym buddy na sila ng dating nakaalitang si Alex.

Mensahe niya sa caption: “With my new gym buddy @alexandermcdizz There’s no need to be perfect to inspire others.

"Let people get inspired by how you deal with your imperfections.

"Chest and abs workout tomorrow brother!

"You take bulletproof coffee din pala solid! (flexed biceps emoji).”

Continue reading below ↓

Ibinahagi rin ni Miguel ang parehong larawan sa Facebook.

Ngunit iniba niya ang caption dito: “glad we were able to talk through the issue. all is well.”

Makikita ito sa edit history ng kanyang post.

Continue reading below ↓

Makalipas ang ilang minuto, ang kanyang Instagram post naman ang in-edit ni Miguel.

Ilang komento sa kanyang Facebook post ang sinagot ng fitness coach.

Isa rito ang nagsabing maayos na tao si Alex.

Continue reading below ↓

THE INDECENT PROPOSAL ISSUE

Kalagitnaan ng Oktubre noong 2019, isiniwalat ni Miguel sa Facebook ang screenshots ng direct messages (DM) sa kanya ni Alex.

Mababasa rito ang tila “indecent proposal” ng aktor sa kanya.

Pero pinalagan ito ng fitness coach, at sinabihan ang Kapamilya actor na baka ito pa ang sampalin niya ng pera.

Dahil dito, binash ng netizens si Miguel sa tila pag-a-out nito kay Alex.

Kalaunan, inamin ni Alex na isa siyang bisexual.

Humingi naman ng paumanhin si Miguel sa kanyang nagawa.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fitness and keto diet coach Miguel Lagman Chanco (left) posts photo with actor-host Alex Diaz (right) informing his friends and followers that it's "all's well that ends well" between them.
PHOTO/S: Courtesy: @miguelchancofitness on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results