Jim Paredes answers netizens who find his Ash Wednesday joke “not funny”

Feb 27, 2020
Jim Paredes shares an Ash Wednesday joke on February 26: "Ash Wednesday today. If you were already hit by Taal ash a few weeks ago, that is enough. No need to go to church. The lesson is the same. Humans are frail and will all die."
PHOTO/S: Jim Paredes on Facebook

Hindi nagustuhan ng ilang Katoliko ang pagbibiro ni Jim Paredes tungkol sa Ash Wednesday.

Ginunita ng mga Katoliko ang Ash Wednesday nitong February 26.

Ang tradisyunal na pagpapahid ng abo sa noo ng mga deboto ay hudyat ng pagsisimula ng Semana Santa.

Ang abo na ginagamit tuwing Ash Wednesday ay mula sa mga sinunog na lumang palaspas, na ginamit sa Palm Sunday noong nakaraang taon.

Ayon sa catholic.org, isinisimbolo ng abo sa noo ang “dust from which God made us.”

Nangangahulugan ito ng buong pagpapakumbabang pagsisisi sa mga kasalanan, na pangunahing inaasahan sa mga Katoliko tuwing Holy Week.

ASH WEDNESDAY AND ASHFALL

Sa tweet ni Jim, 68, nagbiro siyang hindi na kailangang pumunta sa Simbahan at magpapahid ng abo ng mga naapektuhan ng ashfall mula sa pagsabog ng Taal Volcano noong nakaraang buwan.

January 12 nang sumabog ang bulkan sa Batangas, na nagdulot ng malawakang ashfall sa mga lugar na nakapaligid dito.

Continue reading below ↓

Bagamat pinakamatinding naapektuhan ng ashfall ang mga bayan sa Cavite at Batangas na nakapaligid sa bulkan, nakaabot din ang makapal na abo sa southern Metro Manila.

Tweet ni Jim: “Ash Wednesday today.

“If you were already hit by Taal ash a few weeks ago, that is enough.

“No need to go to church.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Dagdag ng beteranong singer-songwriter, pareho rin naman ang aral na mapupulot sa trahedyang dulot ng Taal Volcano eruption at sa taunang Catholic tradition: “Humans are frail and will all die.”

Continue reading below ↓

“NOT FUNNY”

Malinaw na pabiro ang tweet ni Jim, pero “not funny” ang dating nito sa ilang Twitter followers niya.

Continue reading below ↓

Dalawang Twitter users ang nagsabing walang kinalaman ang abo mula sa pagsabog ng Taal Volcano sa ginagamit sa Ash Wednesday.

Kapwa sila sinagot ni Jim na nagiging “facetious” siya sa kanyang tweet, na ang ibig sabihin ay sinasadya niya ang walang kuwentang pagbibiro.

Pareho namang nalinawan ang dalawang netizens sa isinagot sa kanila ni Jim.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ang isa pang netizen, sinabing kung hindi raw Katoliko ang music icon, kahit respetuhin na lang nito ang relihiyon.

May isang Twitter follower naman ang kumontra rin sa tweet ni Jim.

Paliwanag ng netizen, dapat na pumunta ang mga Katoliko sa Simbahan ngayong Kuwaresma, habang patuloy na ipinagdadasal ang mga naapektuhan ng pagsabog ng Taal.

Continue reading below ↓

TAAL VOLCANO UPDATES

May kabuuang 151,827 pamilya, o 586,045 indibiduwal ang naapektuhan sa pagsabog ng Taal Volcano mahigit isang buwan na ang nakalipas.

Ito ay batay sa latest situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Martes, February 25.

Naibaba na sa Alert Level 2 ang bulkan, na umabot sa Alert Level 4 sa kasagsagan ng pagsabog nito.

Continue reading below ↓

Ang Alert Level 2 ay nangangahulugang posible pa rin ang “sudden stream-driven or phreatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall and lethal accumulations or explusions of volcanic gas” sa permanent danger zone ng Taal Volcano.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jim Paredes shares an Ash Wednesday joke on February 26: "Ash Wednesday today. If you were already hit by Taal ash a few weeks ago, that is enough. No need to go to church. The lesson is the same. Humans are frail and will all die."
PHOTO/S: Jim Paredes on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results