Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Janine Gutierrez's "Lahat talaga iniiwan" tweets go viral

by Jet Hitosis
Feb 27, 2020
Janine Gutierrez's latest tweet has almost 88,000 reactions at press time: "BABALA: Lahat talaga nang-iiwan. I went to my car to put my phone inside & get my wallet. Closed the door and walked to the atm across the street. Pagbalik ko wala na kotse ko, iniwan na ko. Akala pala ni kuya nakasakay na ko. Umabot na po siyang Mandaluyong galing Makati ano po"
PHOTO/S: @janinegutierrez on Instagram

Ikinuwento ni Janine Gutierrez sa Twitter followers niya kung paano siya iniwan… ng kanyang driver.

Viral sa Twitter ang nakakatawang kuwento ng 30-anyos na aktres nitong Miyerkules ng hapon, February 26, nang hindi sinasadyang maiwan siya ng kanyang driver.

At press time, mayroon nang pinagsamang 124,000 reactions at mahigit 11,200 retweets ang dalawang posts ni Janine.

Nakakaintriga pa naman ang bungad ng kanyang tweet: “BABALA: Lahat talaga nang-iiwan.”

Ayon sa unang tweet ni Janine, kinailangan niyang buksan ang kanyang sasakyan upang kunin ang wallet niya roon at iwan sa loob ang kanyang cell phone.

Isinara raw ng aktres ang pintuan ng sasakyan, at tumawid para mag-withdraw sa ATM (automated teller machine) na nasa kabilang kalsada.

Gayunman, pagbalik daw ni Janine sa kinapaparadahan ng sasakyan ay wala na ang kanyang kotse.

THE EPIC FAIL MOMENT

Iniwan si Janine ng kanyang driver, na inakalang sumakay na ang aktres nang buksan niya ang pintuan ng kotse.

Continue reading below ↓

Saad sa tweet ni Janine (published as is):

“I went to my car to put my phone inside & get my wallet.

“Closed the door and walked to the atm across the street.

“Pagbalik ko wala na kotse ko, iniwan na ko.

“Akala pala ni kuya nakasakay na ko.

“Umabot na po siyang Mandaluyong galing Makati ano po”

Continue reading below ↓

Sa sumunod na tweet ni Janine, sinabi niyang naki-text siya sa isang “manong” upang ipaalam sa kanyang "Papa" ang nangyari.

Ang tinukoy na Papa ni Janine ay si Ramon Christopher “Monching” Gutierrez.

Si Janine ay panganay sa apat na anak nina Monching at Lotlot de Leon.

Sa ikalawang tweet ni Janine, ibinahagi niya ang naging palitan ng text message ni Monching sa driver ng aktres.

Tweet niya: “Naki-text ako kay manong, hindi ko memorize num ni kuya kaya si Papa tinext ko.

“After maloka ni papa at natatawa, tinawagan niya si Kuya.

“Papa: ‘Nasaan si Janine?’

“Kuya JR: ‘Andito po.’

“Papa: ‘Wala diyan si Janine! [two face with tears of joy emojis]’

“Kuya JR: ‘Hala wala nga po!!! Nasaan po siya???’

“THE END”

Continue reading below ↓

NETIZENS react

Tawang-tawa naman ang sexy actress na si Ivana Alawi at ang iba pang Twitter followers ni Janine sa kuwento ni Janine.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ang isang netizen, sinabing ito ang "Funniest tweet of the day," at tinawag din itong "pinakanakakatawang tweet na nabasa ko" ng isa pa.

Continue reading below ↓

May ilang nagkomentong nangyari na rin sa kanila, o sa isa nilang kakilala, ang hindi sinasadyang maiwan ng driver.

Kabilang sa mga naka-relate sa kuwento ni Janine ang kapwa niya aktres na si Bela Padilla.

Reply ni Bela: "This has actually happened to me hahahha"

Hindi naman nagbigay ng detalye ang Kapamilya actress sa nangyari sa kanya.

Continue reading below ↓

Ang iba namang Twitter followers ni Janine, nagawa pang hugutan ang kuwento niya tungkol sa mga iniiwan at nang-iiwan.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Sa latest update ni Janine, sinabi niyang nakauwi naman siya nang maayos sa bahay pagkatapos ng insidente.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janine Gutierrez's latest tweet has almost 88,000 reactions at press time: "BABALA: Lahat talaga nang-iiwan. I went to my car to put my phone inside & get my wallet. Closed the door and walked to the atm across the street. Pagbalik ko wala na kotse ko, iniwan na ko. Akala pala ni kuya nakasakay na ko. Umabot na po siyang Mandaluyong galing Makati ano po"
PHOTO/S: @janinegutierrez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results