Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Toni Gonzaga cries foul over fake statement of Mommy Pinty on Sarah-Matteo wedding

by Bernie V. Franco
Feb 27, 2020
Toni Gonzaga takes to Instagram to slam fake news that her mom, Mommy Pinty, gave a statement on the controversial wedding of Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli.
PHOTO/S: @celestinegonzaga and @alexgonzagasquad on Instagram

Umalma si Toni Gonzaga matapos kumalat sa Internet ang diumano’y pahayag ng ina nitong si Pinty Gonzaga—mas kilala sa tawag na Mommy Pinty—tungkol sa kontrobersiyal na kasal nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Ang komosyon sa secret wedding nina Sarah at Matteo noong February 20, 2020 ay nag-ugat sa pagiging tutol ng ina ng singer-actress na si Divine Geronimo sa kasal.

Ngayong linggo ay kumalat sa social media ang mga quote card na taglay ang picture ni Mommy Pinty at ang opinyon diumano niya sa Sarah-Matteo wedding.

May netizens na naniwala sa pekeng statement dahil gaya ni Mommy Divine, si Mommy Pinty ay may mga anak na taga-showbiz—sina Toni at Alex Gonzaga.

Ayon sa fake statement, sinabi umano ni Mommy Pinty na hindi raw dapat kinokontrol ang desisyon ng anak, lalo na kung nasa tamang gulang na ito.

TONI DENIES ALLEGED STATEMENT OF MOMMY PINTY

Pero base sa Instagram posts ni Toni, hindi totoong galing kay Mommy Pinty ang statement.

Continue reading below ↓

Ni-repost ni Toni ang posts ng kanyang fan account na itinatangging nagpa-interview si Mommy Pinty.

Sa isa pang Instagram post ng Kapamilya actress-host, nanawagan siyang huwag idawit ang pangalan ng ina.

Mensahe ni Toni: “Please stop quoting our mom. Please practice responsible journalism [praying emoji] please don’t involve her.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“She was never interviewed nor she gave an official statement.

“Please stop spreading lies…”

Continue reading below ↓

Nag-react din si Toni at kapatid nitong si Alex sa Instagram fan account na nag-announce na fake ang sinasabing statement ni Mommy Pinty.

Nagkomento si Tony ng sunud-sunod na “no good” emojis, indikasyon ng pagkontra niya sa paglabas ng pekeng pahayag ng kanyang ina.

Isang netizen ang nagkomentong hindi nga galing kay Mommy Pinty ang pahayag, pero may katuwiran ang pahayag nito.

Continue reading below ↓

Sagot ni Toni: “he can say whatever he wants but don’t quote our mom."

Sunod-sunod na smirking emojis naman ang komento ni Alex.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Toni Gonzaga takes to Instagram to slam fake news that her mom, Mommy Pinty, gave a statement on the controversial wedding of Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli.
PHOTO/S: @celestinegonzaga and @alexgonzagasquad on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results