Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Matteo's sister Giorgia welcomes Sarah Geronimo to Guidicelli family

by Arniel C. Serato
Feb 27, 2020
"One week ago today, I gained a real life sister," says Giorgia Guidicelli after her brother's wedding to Popstar Royalty Sarah Geronimo.
PHOTO/S: Courtesy: @giorgiafguidicelli / @matteog

Hindi maipagkakailang tanggap na tanggap ng pamilya Guidicelli ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Isang linggo pagkatapos ng secret wedding nina Sarah at Matteo Guidicelli, inihayag ng ilang mga kaanak ng aktor ang pagyakap nila sa bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Ngayong Huwebes, February 27, nag-post sa Instagram ang nakababatang kapatid ni Matteo na si Giorgia Guidicelli-Dato tungkol sa bagong kasapi ng kanilang pamilya—si Sarah.

Mensahe ni Giorgia sa kanyang post: “One week ago today, I gained a real life sister.

“Welcome to the family, Mrs. Guidicelli!!!!! We love you!!!”

Continue reading below ↓

Nagpasalamat naman si Matteo sa kapatid.

Ibinahagi rin ni Matteo sa kanyang Instagram Stories ang Facebook post ni Giorgia na may kaparehong caption at larawan.

Continue reading below ↓

Ikinasal sina Matteo at Sarah sa isang secret Christian ceremony sa Victory Church, Bonifacio Global City, Taguig City, noong February 20.

Nang ikasal naman ni Giorgia sa Cebu noong December 2019, si Sarah ang tumayong maid of honor ng younger sister ni Matteo.

Kinakiligan pa nga ng fans ang presence nina Sarah at Matteo sa kasal, dahil parang practice na raw ito sa mismong kasal nila sa taong ito.

Kung naging masaya ang wedding reception ng kasal ni Giorgia sa Cebu, kabaligtaran naman ito sa nangyaring reception sa kasal ng kanyang kuya na si Matteo.

Ginanap ang intimate wedding reception sa Ministry of Crab restaurant, Shangri-La at The Fort, BGC.

Ngunit nagkaroon dito ng komosyon nang biglang dumating ang ina ni Sarah na si Divine Geronimo.

Sa kuwento ng bodyguard ni Sarah na si Jerry Tamara, tinawag na “traydor” at “manloloko” ni Mommy Divine ang anak, ang bagong manugang, at ang mga kaanak ng aktor.

Continue reading below ↓

Ito ay dahil hindi ipinaalam kay Mommy Divine ang kasal nina Sarah at Matteo.

Sa ngayon, mukhang tumuloy na sina Sarah at Matteo sa kanilang bagong tahanan dahil nakuhaan sila ng mga litrato at video habang nagsa-shopping ng mga bagong gamit para sa bahay.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"One week ago today, I gained a real life sister," says Giorgia Guidicelli after her brother's wedding to Popstar Royalty Sarah Geronimo.
PHOTO/S: Courtesy: @giorgiafguidicelli / @matteog
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results