Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Alex Gonzaga, Ellen Adarna fangirling over ABS-CBN president Carlo Katigbak

by Rachelle Siazon
Feb 27, 2020
Alex Gonzaga (left) says Carlo Katigbak (center) is a Mikee Morada lookalike; Ellen Adarna (right) trills that the ABS-CBN big boss is leading-man material.
PHOTO/S: @cathygonzaga / CTTO / @maria.elena.adarna Instagram

Sa gitna ng seryosong talakayan tungkol sa ABS-CBN franchise renewal, agaw-eksena ang "kagwapuhan" daw ni ABS-CBN President at CEO Carlo Katigbak, 49.

Hindi maiwasang pansinin ng netizens na bukod sa pagiging "president at CEO" ay "gwapo" at "matalino" rin daw ito.

Pati ang Kapamilya star na si Alex Gonzaga, 32, ay may kuwelang hirit tungkol sa big boss ng kanyang home network.

Kamukha raw ni Katigbak ang fiancé niyang si Mikee Morada, na konsehal ng Lipa City.

Pinagdikit pa ni Alex ang picture ni Katigbak at ni Mikee sa kanyang Instagram post noong February 25.

Caption ni Alex (published as is): "Kaya pala magaan ang loob ko sa boss namin....... #KapamilyaForever"

Continue reading below ↓

MELAI AND MAJA'S COMMENTS

Sa comments section, sumang-ayon si Melai Cantiveros sa obserbasyon ni Alex.

"Oo nga kamukha nga," saad ng co-host ng ABS-CBN morning show na Magandang Buhay.

Biro ulit ni Alex: "@mrandmrsfrancisco ehe..!!!! So ano ibig sabihin nito boss mo na din ako??"


Natawa naman ang Kapamilya star na si Maja Salvador sa hirit ni Alex.

Continue reading below ↓


ELLEN ADARNA

Isa pang napogian kay Katigbak ay si Ellen Adarna, kilalang sexy star sa ABS-CBN na mahigit dalawang taon nang wala sa sirkulo ng showbiz.

Nasubaybayan daw ni Ellen ang February 27 live telecast ng Senate hearing tungkol sa ABS-CBN franchise renewal.

Kung marami ang napahanga ni Hyun Bin, ang Korean lead actor sa hit Koreanovela na Crash Landing On You, hindi raw pahuhuli ang top executives ng ABS-CBN na mala-leading men daw ang dating.

Continue reading below ↓

Sabi ng 31-year-old sexy star (published as is): "So... i watched the senate hearing... masasabi ko lang... Grabe fuma-fangirl na naman ako!!!

"ang mga leading man ng abs-cbn hahaha na CRUSH LANDING ON YOU!!!!"

Gumamit din si Ellen ng hashtag na "#reallifeprincecharming."

Tinutukoy niya sina ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak, ABS-CBN Chairman Martin "Mark" Lopez, at ABS-CBN Corporate Group Head Mark Nepomuceno.

Dagdag niya patungkol kay Katigbak: "Now i see carlo katigbak and composure as synonymous. Charot!"


Continue reading below ↓

NETIZENS' REACTIONS

Sabi naman ng netizens, lalong nakaguwapo kay Katigbak ang galing nito sa pagtatanggol sa ABS-CBN at mahinahon nitong pagsasalita sa Senado.

May nagsabi pang "baby face" si Katigbak at nanghingi ng tip kung ano ang gamit nitong sabon pampakinis ng kutis.

Narito ang ibang reaksiyon ng netizens sa "kagwapuhan" ni Katigbak:

Continue reading below ↓

Binasag naman ni Vice Ganda ang kilig. Sinabi nito na parang may halo pang ismid: "OPO MAY ASAWA NA PO SI SIR CARLO KATIGBAK"

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alex Gonzaga (left) says Carlo Katigbak (center) is a Mikee Morada lookalike; Ellen Adarna (right) trills that the ABS-CBN big boss is leading-man material.
PHOTO/S: @cathygonzaga / CTTO / @maria.elena.adarna Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results