Directors Antoinette Jadaone, Dan Villegas are engaged

by Rachelle Siazon
Feb 28, 2020
Before the love month ends, Antoinette Jadaone and Dan Villegas begin their own journey to forever.
PHOTO/S: @tonetjadaone / @cornerstone Instagram

Simula na ng journey to forever ng long-time couple at kapwa filmmakers na sina Antoinette Jadaone at Dan Villegas.

Lunes, February 27, inanunsiyo ng Cornerstone Talent Management na engaged na sina Antoinette at Dan.

Ang Cornerstone ang talent management na may hawak sa showbiz career ni Antoinette.

Sa Instagram post, kitang-kita ang saya ni Antoinette habang ipinapakita ang kanang kamay na may suot na singsing.

Kuha ang litrato sa Vatican City kunsaan nag-propose si Dan sa nobya.

Ito ay pagkatapos dumalo nina Antoinette at Dan sa trade event ng Bernilale Festival upang i-pitch sa possible collaborators ang pelikula nilang Boldstar.

Sabi pa sa caption, "Just before the love month ends!

"Congratulations to the newly engaged couple, our amazing directors @tonetjadaone & @danvillegas."

Continue reading below ↓

Kilala sina Antoinette (That Thing Called Tadhana) at Dan (Exes Baggage) sa paggawa ng romantic-comedy at romantic-drama films na puno ng hugot lines.

Madalas silang mag-collaborate sa kanilang mga pelikula tulad ng Metro Manila Film Festival entries na English Only, Please (2014) at Walang Forever (2015), kunsaan si Dan ang director at ang screenplay ay isinulat ni Antoinette.

Nagsama rin sila bilang co-directors ng On The Wings of Love, ang 2015 ABS-CBN top-rating primetime series na pinagbidahan nina James Reid at Nadine Lustre.

ANTOINETTE AND DAN'S LOVE STORY

Una silang nagkakilala sa gala night ng Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay noong 2011.

Pareho pa silang iba ang karelasyon noon, pero hanga na raw si Dan kay Antoinette bilang director.

Base ito sa ulat ng Philippine Daily Inquirer noong 2015.

Sabi pa rito, nagkrus ulit ang landas nina Antoinette at Dan nang magkatrabaho sila sa Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo noong 2013.

Continue reading below ↓

Pareho raw silang single noon, at hindi na raw pinalampas ni Dan ang pagkakataong suyuin si Antoinette.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Before the love month ends, Antoinette Jadaone and Dan Villegas begin their own journey to forever.
PHOTO/S: @tonetjadaone / @cornerstone Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results