Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Frankie Pangilinan pens touching letter to father Senator Kiko: “You represent such hope for all Filipinos”

by Jet Hitosis
Feb 28, 2020
Frankie Pangilinan is one proud daughter of Senator Kiko Pangilinan: "while to some it may appear futile, to you, it has never been worthless. you represent such hope for all filipinos, even those who refuse to or cannot yet see it. you are brave and honest and true, every single bit of you."
PHOTO/S: @frankiepangilinan on Instagram

Napaaga ang Father’s Day para sa mag-amang Senator Francis “Kiko” Pangilinan at Frankie Pangilinan.

Sa June 21 ipagdiriwang ang Father's Day ngayong taon.

Pero ngayong Biyernes, February 28, ipinost ni Frankie, 19, sa Instagram at Twitter ang isang heartwarming open letter para sa ama.

Si Frankie ang panganay na anak ng 56-anyos na senador sa singer-actress na si Sharon Cuneta.

Anak din nina Senator Kiko at Sharon sina Miel, 15, at Miguel, 10.

Ang panganay ng Megastar, si KC Concepcion, 34, ay anak niya sa dating asawa, ang aktor na si Gabby Concepcion.

Base sa open letter ni Frankie para sa ama, mahihinuhang nami-miss na niya ang senador.

Sa New York nag-aaral ng kolehiyo ang dalaga.

Sa bungad ng sulat, sinabi ni Frankie kung paano niyang nai-imagine ang ama sa karaniwan nitong morning routine: nakaupo sa sala at nagkakape habang nagbabasa ng diyaryo.

PROUD DAUGHTER

Ayon kay Frankie, habang nagtatagal siyang malayo sa kanyang pamilya, mas nare-realize niya kung gaano niya ipinagmamalaki si Senator Kiko.

Continue reading below ↓

Isinulat ni Frankie (published as is):

“as the days drag on and my numbness lingers, and as the worldly shadows begin to settle in my still-fresh adult brain, i find there are less and less words to describe how wholly and completely proud i am of you.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“i haven’t yet said it so loudly due to misplaced anxieties and fear or unease.”

Binanggit din ni Frankie na habang mas nauunawaan na niya ngayon ang realidad ng mundo, mas naa-appreciate niya ang mga itinuro sa kanya ng senador.

Patuloy ng letter ni Frankie (published as is): "people are cruel, the world is beginning to suffocate, and there are most days when the bad seem to heavily outweigh the good—but if i have learned anything from you, it is the immovable foundations of principles and the strength and motivation which stem from the fight from them.

"you have never once wavered.

"you have never sacrificed even a portion of yourself for ease.

Continue reading below ↓

"and while i wish the burden was lighter, i have learned immensely from your resilience and your continued dedication."

“YOU ARE BRAVE AND HONEST AND TRUE”

Hayagan ding ipinagmalaki ni Frankie ang mga pagsisikap ng ama bilang isa sa mga pangunahing personalidad ng oposisyon sa gobyerno.

Saad pa sa open letter ni Frankie: "while to some it may appear futile, to you, it has never been worthless.

"you represent such hope for all filipinos, even those who refuse to or cannot yet see it.

"you are brave and honest and true, every single bit of you."

Continue reading below ↓

Si Senator Kiko ang kasalukuyang presidente ng opposition Liberal Party.

Nagsimula sa pulitika bilang Quezon City councilor, unang nagsilbi sa Senado si Senator Kiko noong 2001 hanggang 2013.

Naging miyembro siya ng Gabinete ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” S. Aquino III noong 2014 hanggang 2015.

Muli siyang nahalal sa Senado noong May 2016.

SENATOR KIKO ANSWERS

Sa Twitter sinagot ni Senator Kiko ang open letter ng anak.

Reply ng senador kay Frankie: ".....Thank you for your kind words.

"Believe it or not i am made stronger, braver, more determined despite all the difficulties.

"My only wish is that i could do a lot more to help make things right in the country and the world you are to inherit.

"I love you my kiklet [three heart, dad and daughter emojis]"

Continue reading below ↓

Sa kasunod na tweet, sinabi ni Senator Kiko na obligasyon ng isang magulang na gawin ang lahat upang tiyaking magiging maayos ang kinabukasan ng kanyang anak.

"....and I do this for you and all other children because someone has to look out for you and your future and that of all others.

"Thats what Parents ought to do, fight mightily for a better future for their children," saad sa reply ng senador.

Continue reading below ↓

OUTSPOKEN FRANKIE

Ilang buwan na ang nakalipas nang umani ng paghanga ng publiko si Frankie sa matapang niyang pagtatanggol sa pamilya.

Naging laman ng mga balita ang dalaga dahil sa diretsahang paghahayag ng kanyang opinyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Quoted kasi ang Presidente sa isang report sa pagsasabing nanganganib na mauwi sa hiwalayan ang 23-taong pagsasama nina Senator Kiko at Sharon.

Dahil dito, nagpakawala ng sunud-sunod na tweets si Frankie upang kondenahin ang Pangulo na "being more concerned with 'ruining' a perfectly happy family instead of... being... a good leader..."

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Frankie Pangilinan is one proud daughter of Senator Kiko Pangilinan: "while to some it may appear futile, to you, it has never been worthless. you represent such hope for all filipinos, even those who refuse to or cannot yet see it. you are brave and honest and true, every single bit of you."
PHOTO/S: @frankiepangilinan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results