Crisha Uy leaves place she shared with ex-boyfriend Joem Bascon

by Rachelle Siazon
Feb 28, 2020
Crisha Uy on moving on from breakup with Joem Bascon: "Lahat ng mga bagay na nakikita mo na naalala mo lang siya, iiwan mo na yun."
PHOTO/S: @crishauy Instagram

Inamin ng vlogger na si Crish Uy, 31, na umalis na siya sa dating tirahan nila ng ex-boyfriend niyang si Joem Bascon, 33.

Malaking tulong daw iyon para makalimutan niya ang sakit dulot ng hiwalayan nila matapos ang walong taong relasyon.

Sa kanyang YouTube vlog na may petsang February 21, ibinahagi ni Crisha ang mga bagay na ginawa niya para tuluyang makalimutan si Joem.

"You get rid of the things na nakakapagpaaalala sa kanya, kasi it's not helping, e.

"Lahat ng binigay niya sa akin iniwan ko, at umalis ako dun sa place kung saan kami magkasama."

Noong nasa "denial stage" pa raw kasi siya, naranasan ni Crisha ang malugmok sa kalungkutan sa tuwing naaalala ang pinagsamahan nila ni Joem.

"You will really cry out loud... As in bagsak. Pagdadaanan mo talaga yun.

"Dine-deny ko pa that time, 'Totoo ba 'to?'

"Everytime na pag natutulog ako, tapos paggising ko, 'Uy, oo nga pala, wala na kami.'"

Continue reading below ↓

Kaya raw ultimo mga bagay na hindi naman bigay ni Joem pero nakapagpapaalala sa kanya sa dating nobyo ay dinispatsa ni Crisha.

"Example, may damit ako na sinuot, 'Ito yung first na damit na sinuot ko nung nakilala siya...' May mga ganun ako.

"Iniwan ko lahat yun. Lahat ng mga bagay na nakikita mo na naalala mo lang siya, iiwan mo na yun," payo pa ni Crisha sa kanyang YouTube followers.

CRIED BUCKETS OF TEARS

Sa una, aminado si Crisha na hirap siyang tanggapin na nagtapos ang magandang pagsasama nila noon ni Joem.

"Mahirap daw talaga nung time na yun. I tried to make sense kung meron ba akong pagkakamali."

Pero nakatulong daw nang husto ang dasal, suporta ng pamilya at mga kaibigan niya, at pagluha.

"Umiyak ako sa kusina, sa bahay ng kaibigan ko, sa mall, kahit saan.

"Alam mo yung saying na ano, 'Crying washes the pain'?

"Iiyak lang natin nang iiyak, hanggang wala ka nang maramdaman na sakit."

Continue reading below ↓

ACCEPTANCE stage

Kusa rin daw nawala sa puso ni Crisha ang sakit at galit na naramdaman niya noon.

"Finally, I got to accept the reality na wala na talaga kami.

"Uy, reality check na andito na ako sa bago kong condo...

"Tapos na ako dun sa sinisisi ko ang sarili ko."

Kaya na raw niyang tanggapin na wala na talaga sila.

"When acceptance comes, huwag ka na umasa na bumalik siya.

"And kailangan mo tanggapin na wala na talaga."

MOVING FORWARD

Dumating na raw ang puntong kaya na ni Crisha na pumunta sa restaurants na kinakainan nila noon ni Joem na walang nararamdamang sakit.

Mas iniisip daw niyang gumagawa siya ng bagong memories nang wala na ang taong dating minahal.

"Maging masaya ka na. You have to let go of the anger.

"Ikaw rin ang lugi kapag tinatago mo yung feelings mo na may galit ka pa diyan.

"If you let go, it means wala ka nang galit."

Continue reading below ↓

Tanggap daw niya na ang hiwalayan nila ni Joem ay "these are things that happen in life."

Sa huli, natututunan daw ni Crisha ang "constants" sa buhay ay ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos at pagmamahal ng mga pamilya at kaibigan.

JOEM'S REPORTED NEW LADYLOVE

Unang nagsalita si Joem tungkol sa hiwalayan nila ni Crisha noong December 2019.

Aminado ang aktor na siya ang nag-initiate ng breakup.

Sabi ni Joem, "Kasi kapag pinilit, lalo na on my side, siguro mas gugulo pa. Mas magiging magulo.

“So, I guess, hanggang doon ko lang talaga kaya at hindi na i-continue."

January 10, 2020 nang maglabas ng saloobin si Crisha tungkol sa hiwalayan nila ni Joem.

Nabanggit noon ng dalaga ang balitang nakatagpo na umano si Joem ng bagong minamahal.

Pero nilinaw ni Crisha na hindi niya panghihimasukan iyon dahil labas na siya roon.

Usap-usapan naman sa showbiz circles na nagkabalikan si Joem at ex-girlfriend nitong si Meryll Soriano.

Continue reading below ↓

Pero hanggang sa kasalukuyan ay tikom ang bibig ng dalawa ukol dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Crisha Uy on moving on from breakup with Joem Bascon: "Lahat ng mga bagay na nakikita mo na naalala mo lang siya, iiwan mo na yun."
PHOTO/S: @crishauy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results