Martin Nievera to KZ Tandingan and TJ Monterde: “Did you do a Matteo Sarah?”

by Jet Hitosis
Feb 29, 2020
In an Instagram post on Friday, February 28, KZ Tandingan shares some photos of her and fiance TJ Monterde during their engagement shoot in Tokyo, Japan.
PHOTO/S: @kztandingan on Instagram

“Did you do a Matteo Sarah?”

Ito ang pabirong itinanong ni Martin Nievera sa engaged couple na sina KZ Tandingan, 27, at TJ Monterde, 30, nang makita niya ang latest Instagram post ni KZ.

Si Martin, 58, ang mentor ni KZ sa X Factor Philippines noong 2011. Si KZ ang itinanghal na winner.

Si TJ ay isa ring musician, at tulad ni KZ ay nakakasama rin ni Martin sa ABS-CBN Sunday variety show na ASAP Natin ‘To.

Nakatakdang mag-ninong si Martin sa kasal ng engaged couple.

Inakala kasi ng beteranong singer na biglaang nagpakasal sina KZ at TJ, tulad ng ginawa nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

February 21 ng umaga nang nabunyag ang sikretong Christian wedding nina Matteo, 29, at Sarah, 31.

Idinaos ang seremonya sa Shangri-La at The Fort sa Bonifacio Global City sa Taguig nitong February 20 ng gabi.

Pero aksidenteng naisapubliko ang pagpapakasal ng magkasintahan matapos ipa-blotter sa pulisya ang panununtok umano ni Matteo sa bodyguard ni Sarah.

Continue reading below ↓

Reklamo ng bodyguard na si Jerry Tamara, sinuntok daw siya ni Matteo matapos niyang ipaalam sa ina ni Sarah, si Divine Geronimo, ang tungkol sa secret wedding.

Ayon sa kuwento ng mga nakasaksi sa insidente, sumugod at nag-eskandalo si Mommy Divine sa pinagdausan ng reception.

CELEBRITIES, FANS CONGRATULATE KZ AND TJ

Sa post ni KZ nitong Biyernes ng gabi, February 28, ibinahagi ng singer ang ilang litrato mula sa engagement shoot nila ni TJ sa Tokyo, Japan.

Simpleng bride and groom emojis lang ang caption ni KZ.

Nakasuot ng beige formal suit at white sneakers si TJ, habang all-white wedding suit ang suot ni KZ.

May maikling wedding veil din ang singer, at bitbit ang isang wedding bouquet.

Sa comments section, inulan ng pagbati ang dalawa, sa pag-aakalang ikinasal na sila.

Kabilang sa mga bumati kina KZ at TJ ang mga kapwa nila celebrities na sina Sarah Lahbati, Maja Salvador, Vina Morales, Megan Young, Iza Calzado, at Richard Poon.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Nagkomento rin sa post ni KZ ang British singer-songwriter na si Jessie J: “Congratulations [heart eyes, praying hands, red rose emojis]”

Nagkalapit sina Jessie at KZ nang kapwa sila sumali sa Singer 2018, isang talent competition sa China.

Si Darren Espanto, nagulat sa post ni KZ kung pagbabatayan ang all capital letters niyang comment.

Continue reading below ↓

MARTIN: FROM MENTOR TO WEDDING SPONSOR

Pero mistulang higit ang pagkagulat ni Martin sa pag-aakalang ikinasal na nga sina KZ at TJ.

Personal kasing hiniling ni KZ kay Martin na maging ninong ito sa kasal nila ni TJ.

Ito ay matapos nilang ma-engaged nitong December 30, 2019.

Continue reading below ↓

Sa guesting ng magkasintahan sa Magandang Buhay nitong January, sorpresang dumating si Martin.

Doon na hiniling ni KZ kay Martin na mapabilang ang beteranong singer sa wedding sponsors nila ni TJ.

Sagot noon ni Martin: “I would be honored.”

Kaya naman diretsahan ang unang komento ni Martin sa post ni KZ nitong Biyernes: “Wait, married na?”

Continue reading below ↓

Hindi sinagot ni KZ ang tanong ni Martin.

Dahil dito, muling nag-usisa ang singer, at may himig pagbibirong nagtanong kung inilihim din ba nina KZ at TJ ang pagpapakasal nila, gaya nina Matteo at Sarah.

Tanong uli ni Martin: “Did you do a Matteo Sarah?”

Hindi pa rin nag-reply si KZ sa ikalawang tanong ni Martin, pero sinagot naman ang huli ng Instagram followers ng dalaga.

Continue reading below ↓

Paliwanag ng fans ni KZ, prenup shoot lang ang dinayo ng magkasintahan sa Tokyo, at hindi pa sila ikinakasal.

Continue reading below ↓

TJ EXPLAINS

Sa Twitter, nilinaw ni TJ na hindi pa sila ikinakasal ng kanyang longtime girlfriend.

Sa Cebuano dialect, idinagdag ni TJ na pinag-iipunan pa raw nila ni KZ ang kanilang wedding.

Tweet ni TJ nitong Biyernes ng gabi (published as is):

“Hello sa lahat ng nag ta-tag sa akin, thank you po sa mga congrats pero engagement shoot pa lang po yun.

Continue reading below ↓

“wala pang mismong kasal

“kay gatigom pa mi. [smiling face with open mouth and cold sweat emoji] Apir”

Ipinost din ni TJ ang screenshot ng tweet niyang ito sa kanyang Instagram Stories.

Sa caption niyang “tigom sa ta diri nga side,” muling nilinaw ni TJ na kasalukuyan pa nilang pinag-iipunan ni KZ ang kanilang kasal.

Continue reading below ↓

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay KZ nitong January 28, sinabi niyang ngayong 2020 sila magpapakasal ni TJ, at gagawin ito sa Pilipinas.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In an Instagram post on Friday, February 28, KZ Tandingan shares some photos of her and fiance TJ Monterde during their engagement shoot in Tokyo, Japan.
PHOTO/S: @kztandingan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results