Charee Pineda marries longtime boyfriend Martell Soledad

by Jet Hitosis
Feb 29, 2020
Actress and Valenzuela City 2nd District Councilor Charee Pineda marries longtime boyfriend Martell Soledad in a civil wedding ceremony held in Valenzuela City Hall on February 28, 2020.
PHOTO/S: @chareepineda, @yasmien_kurdi on Instagram

Ikinasal na ang aktres at incumbent Valenzuela City councilor na si Charee Pineda sa kanyang longtime boyfriend na si Martell Soledad.

Si Martell ay dati ring Valenzuela City councilor.

Sa Valenzuela City Hall idinaos ang civil wedding ceremony nina Charee ay Martell nitong Biyernes, February 28.

Biyernes ng gabi, ipinost ni Charee sa Instagram ang litrato nang suotan siya ni Martell ng wedding ring.

Simpleng caption ng 29-year-old actress-politician: “02.28.2020 [triple heart emoji] @martellsoledad”

Continue reading below ↓

Kabilang sa mga bumati kina Charee at Martell sina Yasmien Kurdi, Jessy Mendiola, DJ Chacha ng MOR 101.9, at Bulacan 4th District Board Member Alex Castro.

Dumalo sa wedding rites si Yasmien, kasama ang asawang si Rey Soldevilla.

Naging magkaibigan sina Charee at Yasmien nang magkatrabaho sila sa teleseryeng Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Continue reading below ↓

Nag-post din si Yasmien sa Instagram ng mga litrato sa kasal nina Charee at Martell.

Continue reading below ↓

Caption ni Yasmien: “Congrats Charee and Martell [heart emoji] Stay in-love [face with stuck-out tongue and winking eye emoji] Mahal namin kayo!!!”

THE ENGAGEMENT

Mag-aanim na taon nang magkarelasyon sina Charee at Martell.

December 7, 2019 nang ihayag ng Filipino-American actress ang engagement niya sa dating konsehal.

Ipinost ni Charee sa Instagram ang litrato niya kasama si Martell habang ipinakikita ang suot na diamond engagement ring.

Continue reading below ↓

Kuha ang litrato sa loob ng National Shrine of Our Lady of Fatima sa Valenzuela, “Where it all started.”

Si Charee ay unang nakilala sa pagganap sa GMA-7 teleserye na Ikaw Sa Puso Ko noong 2004.

Lumipat siya sa ABS-CBN noong 2006 at naitambal pa kay JM de Guzman sa TV series na Angelito: Batang Ama (2011) at Angelito: Ang Bagong Yugto (2012).

Continue reading below ↓

Taong 2013 nang bumalik si Charee sa GMA-7, kung saan niya ginawa ang huli niyang teleserye, ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka noong 2018.

Nang mga sumunod na taon, tinutukan ni Charee ang pagseserbisyo bilang konsehal ng 2nd District ng Valenzuela.

Si Martell ay pinsan ni Shalani Soledad-Romulo, na naging konsehal din sa ikalawang distrito ng Valenzuela noong 2004 hanggang 2013.

Si Shalani ay misis ni Pasig City Representative Roman Romulo.

Higit na nakilala ng publiko bilang ex-girlfriend ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, si Shalani ay naging co-host sa game shows ni Willie Revillame.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress and Valenzuela City 2nd District Councilor Charee Pineda marries longtime boyfriend Martell Soledad in a civil wedding ceremony held in Valenzuela City Hall on February 28, 2020.
PHOTO/S: @chareepineda, @yasmien_kurdi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results