Regine Velasquez admits fear of losing job if ABS-CBN franchise not renewed

by Arniel C. Serato
Mar 2, 2020
Asia's Songbird Regine Velasquez airs concern about ABS-CBN franchise renewal woes: "Kasi kung nawalan na kayo ng trabaho, ang hirap, yung maghihintay ka for the next job..."
PHOTO/S: Courtesy: @reginevalcasid on Instagram / ABS-CBN News on Facebook

Labis na ikinakabahala ni Asia’s Songbird Regine Velasquez ang posibilidad na hindi na mabigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

Magtatapos na kasi ang 25-year license to broadcast ng network giant sa May 4, 2020.

Ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring kasiguraduhan kung makakakuha ng bagong prangkisa ang ABS-CBN bago pa ang May 4, 2020.

Video: Mark Atienza.

Sa panayam ng News5 at ilang press kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Regine kahapon, March 1, sinabi niyang lahat ng Kapamilya stars ay nagdadasal ukol sa kinakaharap na problema ng istasyon.

Pahayag ng 49-year-old singer-actress “We’re all praying siyempre na, you know, the network will continue to broadcast.”

Nag-react din si Regine sa mga netizen na nagsasabing nag-o-overacting daw sila sa sitwasyong kinahaharap ng ABS-CBN.

Aniya, “Ah, maraming mawawalan ng trabaho.

"Ah, madaming nagsasabi na, 'Ang o-OA naman ng mga artista.'

"Parang hindi naman sa nag-o-OA kami, it’s just that, you know, our job is specific.

Continue reading below ↓

“Meron lang, hindi naman kami puwede mag-apply sa office.

“At saka kaming mag-asawa, pag mawala ang ABS, dalawa kaming mawawalan ng trabaho.

“Kaya, you know, we’re praying and we're hoping that the government will allow us to continue with our work, kasi mahirap.”

Ang mister ni Regine na si Ogie Alcasid ay nasa bakuran din ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Lumipat si Regine sa ABS-CBN noong October 2018, pagkalipas ng 20 taon sa GMA-7.

“KAHIT MERON KANG NAIPON, MAUUBOS YUN.”

Ayon pa kay Regine, ikinabahala nila ang maaaring mangyari sa talents ng network kapag tuluyan itong mag-shutdown.

Saad niya, “Kasi kung nawalan na kayo ng trabaho, ang hirap, yung maghihintay ka for the next job.

“In the meantime, the bills, they keep coming, they don’t stop, kuryente... alangan naman hindi kami kumain, yung tubig, lahat yun tuloy. Merong loan, itinutuloy mo lahat yun.

“Kahit meron kang naipon, mauubos yun dahil walang pumapasok, di ba?

Continue reading below ↓

“Kaya natatakot kami.

"And when I say kami, lahat kami—including the artists, including the mga actors and actresses, and singers like me.”

Sabi pa niya, “We all are very afraid and concern, siyempre it’s work, you know.

“And we don’t know if where can we get work, kung kailan pa ulit kami makakakuha ng trabaho kung hihinto.”

May opinyon ang ilang legal luminaries na hindi maaaring magpatuloy ng broadcast ang ABS-CBN kung wala itong bagong prangkisa.

Sabi naman ng Kongreso at Senado, puwede pang mag-broadcast ang Kapamilya network kahit mapaso na ang prangkisa sa pamamagitan ng provisional authority mula sa National Telecommunications Commission (NTC).

May kinakaharap ding problema ang network sa Supreme Court dahil sa quo warranto petition na inihain ng Office of the Solicitor General, na naglalayong bawiin ang prangkisa ng ABS-CBN.

May mga paglabag daw kasi ang istasyon sa ilang probisyon ng kanilang prangkisa.

Mariin naman itong itinanggi ng Kapamilya network.

Continue reading below ↓

Makailang beses ding sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin niya ang franchise renewal ng ABS-CBN.

Ngunit sinabi rin ng Pangulo na ipauubaya niya sa Kongreso ang pagpapasa ng bill para sa renewal ng prangkisa ng network.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Asia's Songbird Regine Velasquez airs concern about ABS-CBN franchise renewal woes: "Kasi kung nawalan na kayo ng trabaho, ang hirap, yung maghihintay ka for the next job..."
PHOTO/S: Courtesy: @reginevalcasid on Instagram / ABS-CBN News on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results