Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Sarah Geronimo mixed emotions amid good wishes for her, husband Matteo Guidicelli

by Rachelle Siazon
Mar 2, 2020
Sarah Geronimo gets teary-eyed as she listens to outpouring of love from ASAP Natin 'To colleagues who are happy for her new journey with husband Matteo Guidicelli.
PHOTO/S: @matteog Instagram / Screengrab from ASAP Natin 'To

Nangungusap ang mga mata ni Sarah Geronimo dala ng patuloy na pagdagsa ng well-wishers sa pag-iisang dibdib nila ni Matteo Guidicelli.

Halos nangilid ang luha ni Sarah habang pinakikinggan ang pagbati sa kanya ng malapit na kaibigan na si Erik Santos.

Si Erik ay kasabayan ni Sarah sa mga binansagang "Champions" ng singing contests, kunsaan kabilang din si Rachelle Ann Go.

Malamang pahayag ni Erik, "Kaming mga kaibigan niya sa Champions, sobra kaming masaya para sa iyo, Sarah.

"Sobrang saya ng puso namin dahil alam namin yung mga pinagdaanan ni Sarah.

"Ngayon na sobrang happy mo na, happy kami para inyo ni Matt."

Base ito sa live telecast ng ASAP Natin 'To, ang Sunday musical-variety show ng ABS-CBN, Linggo, March 1.

MOMMY DIVINE AND THE SECRET WEDDING

Walang partikular na binanggit si Erik kung anong pagsubok sa buhay ni Sarah ang kanyang nasaksihan.

Pero kasabay ng pagpapakasal ni Sarah ay mainit na pinag-usapan ang mariing pagtutol ng ina ni Sarah na si Divine Geronimo sa lihim na pag-iisang dibdib ng couple.

Continue reading below ↓

Lumalabas na tanging mga kapamilya ni Matteo at ilang piling kaibigan ang naimbitan sa kasal nina Sarah at Matteo noong February 20.

Hanggang sa kasalukuyan ay tikom ang bibig ni Sarah sa napabalitang pag-eeskandalo ng ina sa wedding reception nila ni Matteo.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pero kita sa mga mata ni Sarah na sa kabila ng saya na kapiling niya ang minamahal na si Matteo, mayroon pa rin itong iniindang lungkot.

Hindi man malinaw sa ngayon kung ano ang puno't dulo ng pagtutol ni Mommy Divine, marami ang naghayag ng suporta para sa bagong mag-asawa.

SARAH'S MENTORS

Sa ASAP Natin 'To, naghayag din ng best wishes ang veteran singers na sina Zsa Zsa Padilla, Martin Nievera, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez.

Sabi ni Zsa Zsa, "Sarah, mula sa iyong ASAP Natin 'To family, congratulations to your recent wedding with the love of your life Matteo.

"We are so very, very happy for you, Mrs. Sarah Guidicelli!"

Continue reading below ↓

Matamis ang pagkakangiti ni Sarah sa tuwing tatawagin siyang "Mrs. Guidicelli" o kaya "Sarah G. G." para sa initials niyang Geronimo Guidicelli.

Mensahe naman ni Ogie, "Gaya ng milyun-milyong nagmamahal sa 'yo at kay Matteo, binabati ka namin ng best wishes and congratulations.

"At asahan mo, sa lahat ng panahon, maaasahan mo kami ni Ate!"

Noong nakaraang linggo ay personal pang bumisita sina Regine at Ogie sa taping ni Sarah ng The Voice Teens, para lamang batiin ito sa sorpresang pagpapakasal nito kay Matteo.

Lalo pa't noon lamang February 14 at 15 ay magkasama sina Sarah at Regine sa sold-out two-night Unified concert sa Smart Araneta Coliseum.

Nangako pa si Ogie na magreregalo ng washing machine kina Sarah at Matteo, na kamakailan lang ay namataang namimili ng mga kagamitan para sa kanilang titirahang bahay.

LUIS MANZANO

Ang ASAP Natin 'To co-host nilang si Luis Manzano ay pabirong humirit tungkol sa pagbuo nina Sarah at Matteo ng pamilya.

Continue reading below ↓

"Isang lambing lang ang hihingiin namin sa iyo. Kung saka-sakali man na dumating na ang tamang oras na kayo ni Matt ay magkakapanganay na, ang hinihingi namin na sana ipangalan mo sa magiging bata ay Piolo Luis Ogie Reg Martin Zsa Erik Geronimo Guidicelli!"

Natatawang sagot ni Sarah, "Ang haba!"

Hirit ulit ni Luis, "Graduate na mga kasama niya, hindi pa rin siya tapos sa pangalan niya."

Sa huli, hiningan ni Luis ng mensahe si Sarah para sa well-wishers "sa napakasayang puso niyo ni Matt."

Ani Sarah, "Abut-abot lang po yung pagpapasalamat sa lahat po ng sumusuporta... for your best wishes.

"And ahhh...maraming salamat po."

TRIBUTE LOVE SONGS

Sa "Greatest Showdown" segment ng ASAP, binigyan din ng tribute love songs si Sarah.

Hinarana ni Martin si Sarah sa saliw ng kanta niyang "The Promise."

Sa huling linya ng lyrics ng "How could I ever say goodbye," lumapit si Martin kay Sarah at niyakap ito.

Continue reading below ↓

Madamdamin din ang inalay na kanta ni Erik para kay Sarah, ang "The Last Time" ni Eric Benet.

Ito ang kinanta ni Erik sa last line ng kanta, "This is the last time Matt falls in love."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Geronimo gets teary-eyed as she listens to outpouring of love from ASAP Natin 'To colleagues who are happy for her new journey with husband Matteo Guidicelli.
PHOTO/S: @matteog Instagram / Screengrab from ASAP Natin 'To
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results