Martin Nievera gives marriage advice to newlyweds Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli

by Arniel C. Serato
Mar 2, 2020
Concert King Martin Nievera to Sarah Guidicelli and Matteo Guidicelli: "Please keep the enthusiasm, the energy, that ‘I want you, I want you so badly,’ keep it going. Sustain that..."
PHOTO/S: File / Courtesy: @matteog on Instagram

Bilang malapit na kaibigan kina Sarah Geronimo, 31, at Matteo Guidicelli, 29, nagbahagi ng kanyang payo ang Concert King na si Martin Nievera, 58, para sa bagong kasal.

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News sa Kapamilya singer kahapon, March 1, sinabi ni Martin na dapat daw pag-ibayuhin ng dalawa ang anumang nasimulan nila sa kanilang relasyon.

Dapat din daw nilang isaisip ang isang napakaimportanteng bagay sa panibagong kabanata ng kanilang buhay—ang kasagraduhan ng pag-aasawa.

Ani Martin, “This whole getting married thing, which is becoming everybody’s headline, should actually be their own personal promise to each other.

“That’s what a marriage is. It’s not about the wedding.

“It’s not about the day you got married. It’s about the marriage.

“Please keep the enthusiasm, the energy, that ‘I want you, I want you so badly,’ keep it going. Sustain that.

"Because dates and events will be forgotten but your love will never be forgotten.”

Continue reading below ↓

Ayon pa kay Martin, dapat panatilihin nina Sarah at Matteo ang relasyong nabuo at pinagsasamahan nila ngayon at sa kinabukasan.

Ito ay matapos nilang labanan lahat ng hadlang at balakid sa kanilang halos pitong taong relasyon bago nila idinaos ang kanilang sikretong kasalan noong February 20.

Dagdag pa ni Martin, “There will be more bumpy roads, but this time, it’s the two of you against the world.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“You cannot make a decision without the other person’s consent or at least giving his or her few cents worth.

"And always be willing to forgive each other.”

THE “BEST” ADVICE

Payo rin ni Martin sa bagong kasal na gawing “fun” lamang ang kanilang pagsasama.

“Don’t take it too seriously. Don’t try and be a wife, just be a wife.

“Don’t try and be a husband, just be a husband.

“These are not roles you play in a teleserye or in a movie.

Continue reading below ↓

“This is real life, this is real stuff.”

Ito rin ang payo ng kasamahan nina Martin at Sarah sa ASAP Natin ‘To na si Regine Velasquez sa bagong kasal.

Sinabi ng Asia's Songbird sa isang hiwalay na panayam na mag-enjoy sina Sarah at Matteo sa mga bagay na ginagawa ng mag-asawa.

Biro pa nga ni Regine: “Mag-sex lang sila nang mag-sex siguro... in a Christian way, kasama yun!"

May isa namang payo si Martin para kay Matteo lamang: “The best advice I can give Matteo is just don’t do what I did.

"You’ll be fine.”

Taong 1995 naghiwalay sina Martin at Pops matapos ang 13 taong pagsasama.

Mayroon silang dalawang anak—sina Robin at Ram Nievera.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Concert King Martin Nievera to Sarah Guidicelli and Matteo Guidicelli: "Please keep the enthusiasm, the energy, that ‘I want you, I want you so badly,’ keep it going. Sustain that..."
PHOTO/S: File / Courtesy: @matteog on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results