Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Daniel Matsunaga confirms breakup with Polish model Karolina Pisarek

by Jet Hitosis
Mar 2, 2020
Actor-model-athlete Daniel Matsunaga (left) confirms breakup with Polish model Karolina Pisarek (right) in an exchange of comments with an Instagram follower on March 1.
PHOTO/S: @dandanmatsunaga, @karolina_pisarek on Instagram

Kinumpirma ng Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga na hiwalay na sila ng Polish model na si Karolina Pisarek.

Si Daniel, 31, ang Pinoy Big Brother: All In (2014) big winner na huling napanood sa ABS-CBN teleseryeng Halik, at sa pelikulang Kahit Ayaw Mo Na noong 2018.

Ang 21-anyos na si Karolina ay naging participant sa Top Model—ang bersiyon ng America’s Next Top Model sa Poland—noong 2015.

October 2017 nang aminin ni Daniel ang relasyon nila ni Karolina.

Sa interviews sa actor-model-athlete sa mga sumunod na taon, ilang beses niyang nabanggit na ipinagdadasal niyang si Karolina na ang “the one” para sa kanya.

Ito ay kahit pa mayroon silang LDR o long-distance relationship.

Narito sa Pilipinas si Daniel, habang nakabase naman sa Los Angeles, California sa Amerika si Karolina.

Mahigit dalawang taon nang magkarelasyon ang dalawa nang mabalita noong January 2020 na hiwalay na sila.

Ang balita ay nagmula sa isang gossip website sa Poland.

Continue reading below ↓

Ayon pa sa report, nagkahiwalay sina Daniel at Karolina dahil umano sa “infidelity” ng binata.

Gayunman, walang opisyal na kumpirmasyon ang sinuman kina Daniel at Karolina sa napabalitang hiwalayan nila.

DANIEL CONFIRMS BREAKUP

Pero sa Instagram post ni Daniel nitong Linggo, March 1, isang netizen ang diretsahang nag-usisa sa actor-model tungkol kay Karolina.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ipinost kasi ni Daniel ang litrato ng kanyang buong pamilya. Nakasuot silang lahat ng puting damit habang nakaharap sa dagat.

Caption ng binata: “My everything [heart emoji] Thank you Jesus for such an amazing family [two praying hands emojis]”

Continue reading below ↓

Sa nakalipas na mga taon, madalas na kasama si Karolina sa family pictures na ipinu-post ni Daniel.

Continue reading below ↓

Tanong tuloy ng isang Instagram follower ng actor-model: “[slightly sad face emoji] bakit feeling ko wala na kayo ni piekna?”

“Piekna” ang term of endearment noon ni Daniel kay Karolina.

Isang itong Polish word na nangangahulugang beautiful o maganda.

Sagot ni Daniel sa netizen: “tama ka :)”

Continue reading below ↓

Nag-reply kay Daniel ang netizen, at sinabing “everything happens for a reason.”

Dagdag pa ng netizen, umaasa siyang matatagpuan din ni Daniel ang “the one” nito.

Continue reading below ↓

Ang ibang Instagram followers ng actor-model, nagpahayag ng kalungkutan sa nangyaring hiwalayan.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ang isa naman, sinabing “may boyfriend nang iba” ngayon si Karolina.

DANIEL’S EXES

Bago nakarelasyon ang Polish model, naging girlfriend din ni Daniel ang mga aktres na sina Erich Gonzales at Heart Evangelista.

Parehong tumagal ng halos dalawang taon ang relasyon ni Daniel kina Erich (2015-2017) at Heart (2010-2012).

Napapabalitang boyfriend ngayon ni Erich ang negosyanteng si Mateo Lorenzo.

Continue reading below ↓

Si Heart naman ay limang taon nang happily married kay Sorsogon Governor Chiz Escudero.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-model-athlete Daniel Matsunaga (left) confirms breakup with Polish model Karolina Pisarek (right) in an exchange of comments with an Instagram follower on March 1.
PHOTO/S: @dandanmatsunaga, @karolina_pisarek on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results