Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Sarah Geronimo's bodyguard settles issue with Matteo Guidicelli; accepts P200K settlement from Viva

by Arniel C. Serato
Mar 3, 2020
Sarah Geronimo's personal bodyguard Jerry Tamara (left) personally met with Viva big boss Vic del Rosario Jr. (right) last week. This is in connection with Tamara's accusation against Sarah's husband, Matteo Guidicelli. The two camps reportedly made a deal worth P200,000.
PHOTO/S: TV5 / Instagram / Noel Orsal

"Case closed!"

Ganito ituring ng broadcaster na si Raffy Tulfo ang reklamo ng personal bodyguard ni Sarah Geonimo na si Jerry Tamara laban sa aktor na si Matteo Guidicelli.

Ito ay matapos makipag-areglo ni Tamara sa kampo sa Viva Entertainment, sa pamamagitan ng founder nitong si Vic del Rosario Jr., na siyang nangangalaga sa showbiz career ni Matteo at maging ni Sarah.

Sa video na inilabas ng Raffy Tulfo in Action sa YouTube nitong Lunes ng gabi, March 2, ibinahagi ni Tulfo kung paano humantong sa pagkakaayos ang reklamo ni Tamara.

TAMARA MEETS WITH VIVA BIG BOSS

Noong nakaraang Miyerkules, February 26, naganap ang paghaharap ng magkabilang kampo.

Alas-sais ng gabi ang appointment ni Tamara kay Boss Vic sa tanggapan ng Viva Entertainment sa may Ortigas, Pasig City.

Nagpasama si Tamara kay Tulfo dahil dito lang daw siya "may tiwala."

Isinama naman ng broadcaster ang kanyang crew upang idokumento ang mga kaganapan.

Continue reading below ↓

Umasa si Tamara na makakaharap din niya sa pagpupulong na iyon sina Sarah at Matteo.

Ngunit pagdating nila sa Viva office, sinabihan silang hindi nila makakaharap ang newlyweds dahil ipit ang mga schedule nito.

Si Boss Vic ang humarap kay Tamara.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

TAMARA DEMANDED P1.5M FOR DAMAGES

Kasunod nito, nagkaroon ng closed-door one-on-one meeting sina Tamara at Boss Vic.

Continue reading below ↓

Pagkatapos ng meeting ay ininterbyu ni Tulfo si Boss Vic on cam upang alamin ang napag-usapan nila ni Tamara.

Dito ay isiniwalat ni Boss Vic na humihingi si Tamara ng P1.5M settlement bilang danyos sa pananapak diumano ni Matteo sa kanya.

Ang counter-offer naman ni Boss Vic ay P100,000 lamang.

Tinanggihan daw ito ni Jerry.

Ayon kay Tulfo, sinabi ni Tamara sa kanya na ang hinihingi nitong P1.5 million ay para sa pagkakaroon ng panibagong simula mula sa sigalot nila ni Matteo.

Maaari rin daw hindi na humingi si Tamara ng pera bilang settlement, basta't makausap lang nito ang mag-asawang Matteo at Sarah.

Hihingi rin daw ng tawad si Tamara at kakamayan niya si Matteo kapag magkaharap sila sa TV5.

Pero sabi ni Tulfo, baka imposible itong mangyari dahil parehong contract stars ng ABS-CBN ang mag-asawa.

Continue reading below ↓

Nag-ugat ang akusasyon ni Tamara laban kay Matteo sa kaguluhang nangyari sa wedding reception ng aktor at ni Sarah sa Shangri-La Hotel at The Fort, Bonifacio Global City, Taguig, noong February 20.

Noong araw ring iyon ginanap ang secret Christian wedding nina Matteo at Sarah sa Victory Church BGC.

Nagsimula ang gulo nang biglang dumating sa private wedding reception ang ina ni Sarah na si Divine Geronimo, na nagpupuyos sa galit dahil hindi nito alam na ikinasal na ang anak at si Matteo.

Ayon kay Tamara, siya ang pinagbintangan ni Matteo na nagtimbre kay Mommy Divine tungkol sa sikretong pagpapakasal nila ni Sarah.

Ipina-blotter ni Tamara ang nasabing insidente at pananakit diumano sa kanya ni Matteo.

Pinabulaanan naman ito ni Matteo.

THE P200K SETTLEMENT

February 28, Biyernes, muling kinontak ng programa ni Tulfo si Tamara, ngunit hindi na ito sumagot.

Ayon naman sa mensahe ng Viva, tumanggap na raw si Jerry ng P200,000 mula sa kanila bilang settlement.

Continue reading below ↓

Dahil dito, hindi na hahantong sa korte ang reklamo ni Tamara laban kay Matteo.

Ayon pa kay Boss Vic, "Sana maayos na ito Raffy kasi si Sarah ang naapektuhan diyan, e.

"Siyempre, pati problema sa nanay niya hindi pa naayos, tapos ito pa."

February 29, Sabado, nag-text si Tamara kay Tulfo upang ipaalam na nagkaayos na sila ng Viva.

Nagpaliwanag din si Tamara kung bakit hindi siya sumagot sa text.

Sa huli ay nagpasalamat ang bodyguard sa tulong ng broadcaster.

Continue reading below ↓

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Geronimo's personal bodyguard Jerry Tamara (left) personally met with Viva big boss Vic del Rosario Jr. (right) last week. This is in connection with Tamara's accusation against Sarah's husband, Matteo Guidicelli. The two camps reportedly made a deal worth P200,000.
PHOTO/S: TV5 / Instagram / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results