Ivana Alawi, Congressman Dan Fernandez photos resurface online

by Rachelle Siazon
Mar 3, 2020
Netizens ask: What is sexy star Ivana Alawi's connection to actor-politician Dan Fernandez?
PHOTO/S: @ivanaalawi Instagram / CTTO / @congdanfernandez

Usap-usapan ngayon sa social media ang kumakalat na mga litrato nina Ivana Alawi, 23, at Dan Fernandez, 54.

Si Dan ay isang beteranong aktor at incumbent First District Representative ng Laguna.

Si Ivana ay kilalang YouTube vlogger at sexy star na bibida sa upcoming ABS-CBN series na Ang Lihim Ni Ligaya.

Kakapirma lang ni Ivana ng exclusive contract sa Kapamilya network noong February 7.

PHOTOS TOGETHER

Makalipas ang 22 araw, nitong February 29, 2020, nagsimulang maungkat ang mga larawan nina Ivana at Dan na kuha sa dalawang magkaibang okasyon.

Isa rito ay kuha sa isang restaurant sa BGC, Taguig City, noong January 14, 2018.

"Birthday dinner" daw iyon ni Dan, na mayor pa ng Laguna noong panahong iyon.

Continue reading below ↓

Ang isa pang litrato ay kuha naman sa isang Korean restaurant sa isang mall sa Makati City, noong January 21, 2018.

Kasama nila sa dalawang okasyong iyon ang isang lalaking nagpakilalang matagal nang kaibigan ni Dan.

SIMILAR PHOTOS ABROAD?

Hindi nakalampas sa mapanuring mata ng netizens ang ilan pang okasyon na hinihinalang magkasama umano sina Ivana at Dan.

Continue reading below ↓

Lunes ng umaga, March 2, 2020 ipinost ng ilang netizens sa social media ang nakolekta nilang hiwalay na litrato nina Ivana at Dan mula sa kani-kaniyang Instagram accounts ng mga ito.

May hinala ang netizens na magkasama umano ang dalawa sa pagbabakasyon sa ibang bansa.

Base raw ito sa parehong date stamp at mga lugar na pinuntahan nina Ivana at Dan.

Ni-repost ng netizens ang solo picture ni Ivana sa Disneyland theme park sa Los Angeles, California noong December 26, 2018.

Sa hiwalay na Instagram post ni Dan, may kuha naman ito sa Disneyland City Hall sa Los Angeles noon ding December 26, 2018.

Makikitang nag-like si Ivana sa Instagram post na iyon ni Dan.

Nang sumunod na araw, December 27, 2018, pinuntahan ni Ivana ang pamosong Golden Gate Bridge sa San Francisco, California.

Ang picturesque view sa lugar ang tanging pinost ng dalaga sa kanyang Instagram.

Base naman sa personal Instagram post ni Dan, may solo picture siyang kita ang view ng Golden Gate Bridge.

Continue reading below ↓

Hindi malinaw kung matagal nang magkakilala sina Ivana at Dan, at kung hanggang sa kasalukuyan ay may komunikasyon ang dalawa.

Pero tampok ng espekulasyon sa social media kung nagkaroon sila ng ugnayan na higit pa sa pagiging magkakilala.

SINGLE IVANA

On record, bukas sa pagsasabi si Ivana na siya ay single sa ngayon.

Continue reading below ↓

Nagkaroon daw siya ng dalawang boyfriend, na base sa kanyang vlog noong November 2019 ay pareho umanong manloloko.

Ani Ivana, siya pa ang gumagastos ng pang-gas ng kanyang first boyfriend na nanloko sa kanya.

Huli raw siyang nagkarelasyon noong 2017, pero nauwi ito sa hiwalayan dahil "niloko rin ako."

Mula raw noon ay hindi pa siya nagkanobyo ulit dahil natutunan niyang mahalin muna ang sarili.

Si Dan naman ay kasal sa dating aktres na si Shiela Ysrael, at mayroon silang tatlong anak.

At press time, naka-private na ang settings ng Instagram account ng actor-politician.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng opisyal na pahayag si Ivana tungkol sa mga kumakalat na larawan nila ni Dan.

Agad naming ilalathala ang kanyang sagot sa oras na matanggap namin ito.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens ask: What is sexy star Ivana Alawi's connection to actor-politician Dan Fernandez?
PHOTO/S: @ivanaalawi Instagram / CTTO / @congdanfernandez
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results