Claudine Barretto still mad at Julia Barretto; says Julia Montes a better actress than niece

by Rachelle Siazon
Mar 4, 2020
Claudine Barretto (center) doesn't mince words when asked who's the better actress between her niece Julia Barretto (left) and another Kapamilya star Julia Montes (right).
PHOTO/S: @juliabarretto / CTTO / @pagliwaandennis Instagram

Aminado si Claudine Barretto na galit pa rin siya sa pamangking si Julia Barretto.

Si Julia ay anak ng kapatid ni Claudine na si Marjorie Barretto.

Naungkat ang alitan sa pamilya Barretto nang tanungin si Claudine ng isang netizen kung sino sa young stars na sina Julia Barretto, 22, at Julia Montes, 24, ang mas magaling sa pag-arte.

Continue reading below ↓

Diretsahang sagot ni Claudine (published as is, including bold font): "JULIA MONTES OFCOURSE."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

May isa pang netizen ang nagtanong kay Claudine kung walang halong bias ang kanyang pagpili kay Julia M.

Tanong ng netizen: "@claubarretto is that an honest answer or just because you still mad of your own niece? [sad emoji]"

Continue reading below ↓

Sagot ulit ni Claudine: "BOTH."

Continue reading below ↓

Hati ang reaksiyon ng netizens sa prangkang sagot ni Claudine.

May ibang sumang-ayon na nagsasabi lang daw ng totoo ang beteranang aktres. Lalo pa't noon pa man ay naihahalintulad ang galing sa pag-arte ni Julia M. kay Claudine.

Continue reading below ↓

Dismayado naman ang ibang netizens dahil tila naghahanap daw ng "gulo" si Claudine sa panlalaglag umano nito sa sariling pamangkin.

Continue reading below ↓

Habang ang iba naman ay nagulat sa prangkang pahayag ni Claudine.

Hindi kaila sa publiko ang sanga-sangang alitan sa pamilya Barretto noong taong 2019.

Napabalitang nagkasakitan daw ang magkapatid na Claudine at Marjorie sa burol ng kanilang yumaong amang si Miguel Barretto noong gabi ng October 17, 2019.

Sa bersiyon ni Claudine, sinabi niyang dawit ang pamangkin niyang si Julia na nanakit at nagmura umano sa kanya.

Continue reading below ↓

Sa bersiyon ni Julia, mariin nitong pinabulaanan ang akusasyong ibinabato sa kanya ni Claudine.

Umapela rin noon si Julia na sana ay bigyan ng privacy at hayaan ang mga nakakatanda niyang kapamilya ang magresolba ng isyu ng mga ito.

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto (center) doesn't mince words when asked who's the better actress between her niece Julia Barretto (left) and another Kapamilya star Julia Montes (right).
PHOTO/S: @juliabarretto / CTTO / @pagliwaandennis Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results