Angelica Panganiban on marriage and having kids: "Hindi sa lahat binibigay yun."

by Rachelle Siazon
Mar 4, 2020
Angelica Panganiban doesn't mind being single while most of her showbiz batchmates are married.
PHOTO/S: @iamangelicap Instagram

Sa edad na 33, single pa rin si Angelica Panganiban.

Ang mga kasabayan niya sa showbiz tulad nina Heart Evangelista at Camille Prats ay parehong may asawa na. Ganun din si John Prats na best friend ni Angelica ngayon.

Nagkatrabaho sina Heart, Camille, at John sa G-Mik, ang teen-oriented weekly series sa ABS-CBN mula 1999 hanggang 2002.

Pero kahit ang iba pa niyang kaedaran sa industriya ay pamilyado na, tanggap ni Angelica na kanya-kanya lang daw talaga ng kapalaran sa buhay.

Tanong kasi ng isang Twitter user kay Angelica: "How's your love life? Dika ba minsan napapa isip na Yung ibang kasabay mo sa showbiz may kids na or family na, tapos kaw Wala pa?

"Pero I know happy ka and successful. Just want to know if sumasagi sa isip mo Yun. #lablab"

Sagot ni Angelica: "Always :) gusto ko ng family. Kids.

"Pero hindi sa lahat binibigay yun.

"Okay naman ako."

Continue reading below ↓


ON HEARTBREAKS

May ilan pang netizens ang sinagot ni Angelica sa Twitter kahapon, March 3.

Isa rito ay nagtanong tungkol sa pakikipagbalikan sa ex na humantong muli sa pagkasawi sa pag-ibig.

Tweet ng netizen: "Bakit may mga taong after mong buoin yung sarili mo babalikan ka para sirain ka ulit?"

Continue reading below ↓

Sagot ni Angelica: "Trial yun ni God kung tanga ka pa din."


May isa pang netizen ang sumangguni kay Angelica kung bakit kayang manloko ng isang tao sa kabila ng tapat na pagmamahal na ibinibigay rito.

"Nagmahal lang naman tayo ng tapat, bakit kailangan nilang humanap ng pandaliang sarap? Ganun ba talaga?

Continue reading below ↓

"Buong puso ka nag tiwala. Sasayangin lang nila sa maling tao. Y?"

Personal na naranasan ni Angelica ang ilang beses mabigo sa pag-ibig, pero wala raw dahilan para matakot siyang sumugal muli sa pag-ibig.

Simpleng sagot ni Angelica: "Yung Y mo, d masasagot yun. But always remeber, loving is the best feeling :)"


Continue reading below ↓

ANGELICA'S EX-BOYFRIENDS

Ang tatlong nakarelasyon ni Angelica sa showbiz ay sina Carlo Aquino, Derek Ramsay, at John Lloyd Cruz.

Tumagal ng anim na taon ang relasyon nina Angelica at Carlo noong teenagers pa lang sila. Nauwi iyon sa hiwalayan dahil sa isyung may kinalaman sa third party.

Anim na taon ding naging magkarelasyon sina Angelica at Derek. Pero nakipagkalas noon si Angelica kay Derek dahil sa ilang isyu sa kanilang relasyon.

Kabilang dito ang napabalitang pagkakaroon ng asawa ng aktor—si Mary Christine Jolly.

(Noong December 2019 ay inihayag ni Derek na napawalang-bisa na ang kasal nila ni Mary.)

Mahigit tatlong taon naman ang itinagal ng relasyon noon ni Angelica kay John Lloyd Cruz. Tikom ang bibig ni Angelica sa dahilan kung bakit sila naghiwalay ni John Lloyd.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban doesn't mind being single while most of her showbiz batchmates are married.
PHOTO/S: @iamangelicap Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results