Regine Velasquez explains "mag-sex nang mag-sex" advice to newlyweds Sarah and Matteo

by Bernie V. Franco
Mar 4, 2020
Regine Velasquez justifies her "mag-sex nang mag-sex" advice to Sarah Geronimo: “They’re getting married. ‘Anong advice mo?’ E, di, siyempre, yun ang sinabi ko."
PHOTO/S: @reginevalcasid on Instagram

“It was a joke.”

Ito ang paliwanag ni Regine Velasquez matapos nabatikos dahil sa advice niya para kina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli kapag ikinasal na ang mga ito.

Noong January 24, na-interview ang Asia’s Songbird sa isang photoshoot at tinanong kung ano ang marriage advice niya kina Sarah at Matteo.

Noong mga panahong iyon ay napapabalita pa lamang na ikakasal na ang showbiz couple.

"Mag-sex lang sila nang mag-sex siguro... in a Christian way, kasama yun!" bungad ni Regine, tsaka siya tumawa.

Pero may mga hindi natuwa sa kanyang sagot at umani siya ng batikos mula sa ilang netizens.

Nitong Sabado, February 29, nagpaliwanag ang Kapamilya singer-actress tungkol sa kanyang sagot na naging kontrobersiyal.

“The question kasi was within the context naman of marriage,” simula ni Regine sa video interview sa kanya ng ABS-CBN entertainment reporter na si MJ Felipe.

“They’re getting married. ‘Anong advice mo?’ E, di, siyempre, yun ang sinabi ko.

Continue reading below ↓

“Plus, meron naman akong ibang sinabi, but yun lang ang hinighlight nila.

“And first of all, it was a joke, and that interview happened before the concert,” pagtukoy sa Unified concert nila ni Sarah noong February 14 at 15.

Patuloy niya, “So when I said that, it was a joke. Iba pa [ang feel].

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“They haven’t gotten married pa that time.”

Naganap ang secret wedding nina Sarah at Matteo noong February 20, 2020.

Ano naman ang maipapayo ni Regine ngayong ikinasal na sina Sarah at Matteo?

“Yun pa rin!" natatawang sagot ng Asia's Songbird.

“Anong gagawin nila?”

Sa hiwalay na panayam ay ipinagtanggol din si Regine ng mister niyang si Ogie Alcasid.

Sinabi ng singer-comedian na biro lamang ang sinabi ni Regine at wala itong intensiyong makasakit ng damdamin ninuman.

REGINE TO ASHMATT: “FIGHTS ARE NORMAL”

Samantala, nagbigay ng seryosong sagot si Regine nang tanungin kung ano ang maipapayo niya kina Sarah at Matteo.

Continue reading below ↓

“Gaya ng sinabi ko doon sa interview, communication is the key.

“How do you get to know each other?

“Kasi, while you’re in the marriage, that’s how you really get to know each other.

“Kasi kahit na mag-jowa kayo ng 10 years, you go out on dates regularly, you still won’t know each other until you actually live with each other.

“So, eto na yung mga adjustment, eto na lahat…

"So, yun, communication is the key.

“Just keep talking to each other… fights are normal.

“Mangyayari iyon, so hindi mo kailangang mag-imbento ng pag-aaway, ng pag-aawayan.

"Mag-aaway at mag-aaway..."

Patuloy ng ASAP Natin ‘To singer-host, "But for me, what I’ve learned from being married for 10 years… it’s when you’re not in a good place, one of you is not in a good place...

"Kunwari mainit ang ulo, galit... it’s always best to pause.

“Do not talk about it first. Pause.

Continue reading below ↓

"Isipin muna kung ano yung ikinasasama ng loob mo.

“There’s a process. Process mo muna.

“And then, when you’re ready, you talk about it.”

Sa karanasan daw ni Regine sa buhay may-asawa, walang mabuting naidudulot ang sigawan.

Malaki rin daw ang posibilidad na may masasabing hindi maganda kapag nagkakasagutan o nag-aaway ang mag-asawa.

“When you’re fighting and screaming at each other, I don’t think you’d be able to tell each other ano ang pinoproblema niya, ano ang ikinasasama ng loob mo.

“Both of you will not end. Kasi pareho kayong mataas ang emotions... galit.

“And then, ang pinakaayoko sa lahat, I’m sure, kasi nga galit ka, you say things you don’t really mean.

“Hence, you hurt your partner, you hurt your husband, and you don’t wanna do that.

“So, if you’re angry, both of you, may pinag-awayan, pause...

“Try to process everything first why are you mad. Did you do something that made you mad?

Continue reading below ↓

"And then, when you’re ready, you talk about it calmly.”

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Regine Velasquez justifies her "mag-sex nang mag-sex" advice to Sarah Geronimo: “They’re getting married. ‘Anong advice mo?’ E, di, siyempre, yun ang sinabi ko."
PHOTO/S: @reginevalcasid on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results