Jobert Sucaldito complains to DOLE about his "illegal dismissal" by DZMM

by Arniel C. Serato
Mar 5, 2020
Veteran entertainment columnist/radio anchor/talent manager Jobert Sucaldito on indefinite suspension from DZMM: "Malungkot, because para bang you are depriving us of life. Tapos ang linis-linis ng imahe natin sa labas. Magkakapamilya tayo. Tapos yun pala, it looks like heaven from the outside, but it’s very creepy pala inside."
PHOTO/S: Arniel Serato

Inireklamo ng entertainment columnist, talent manager, at radio anchor na si Jobert Sucaldito, 58, sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga namamahala sa DZMM.

Kaugnay ito ng pagkatanggal niya sa radio program nila ni Ahwel Paz na Showbuzz sa DZMM.

Video: Arniel Serato.

Halos dalawang buwan nang wala si Jobert sa Showbuzz, na napakikinggan sa DZMM at napapanood din sa DZMM Teleradyo, na parehong sakop ng ABS-CBN News.

Ito ay dala ng indefinite suspension na iginawad sa kanya ng management, matapos kastiguhin ni Jobert si Nadine Lustre sa ere.

Nitong Miyerkules, March 4, bandang alas-kuwatro ng hapon, dumulog si Jobert sa tanggapan ni DOLE Secretary Silvestre Bello III sa may Intramuros, Manila.

Ito ay upang ireklamo niya ang DZMM management dahil sa aniya’y hindi makatarungang pagkakatanggal sa kaniya sa trabaho.

Kasama ni Jobert ang kanyang abugadong si Atty. Ferdinand Topacio.

Nais ng kampo ni Jobert na managot ang DZMM at ang station manager nitong si Marah Capuyan sa pagkaka-dismiss sa kanya "nang ganun-ganun na lamang."

Continue reading below ↓

SUSPENSION? TERMINATION?

February 10, 2020 nang basagin ni Jobert ang kanyang katahimikan, sa pamamagitan ng isang Facebook post, ukol sa umiikot na balitang siya ay suspended indefinitely sa DZMM at sa kanilang programa ni Ahwel.

Bago nito, noong bandang January 10, 2020, napag-alaman ng PEP.ph mula sa isang station insider na sinibak diumano ng istasyon si Jobert.

Continue reading below ↓

Ayon sa parehong insider, hindi na ni-renew ng DZMM ang yearly contract nito.

May isa namang nagsabing under review ang kontrata, at kaalinsabay nito'y suspendido ang radio talent indefinitely.

Hindi man malinaw kung alin sa dalawang kaganapan ang totoo, nag-ugat daw ang lahat sa pagbanat ni Jobert sa Viva actress na si Nadine Lustre sa Showbuzz noong gabi ng January 6, Lunes.

Makailang beses sinubukan ng PEP.ph kunin ang panig ni Jobert noon, ngunit hindi niya kami binalikan ukol sa isyu.

SEEKING DOLE HELP

Kasama ang crew ng TV5 at ABS-CBN, inabangan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagdulog ni Jobert sa DOLE kahapon.

Ano ba ang kanyang idudulog sa DOLE?

Panimulang salaysay ni Jobert: “Kasi nung January 7… una, on Janury 6, we discussed the issue about Ricky Lo and Nadine Lustre sa program namin, sa Showbuzz.

“Tapos, even before that, pinangaralan ko na ‘yan si Nadine, e, na, ‘Huwag seryosohin ang issue nila ni James Reid.’

Continue reading below ↓

"Kasi may mga salita siya na magpapakamatay siya pag iniwan siya ni James.

“December 30, kung hindi ako nagkakamali, it’s on video, pinangaralan ko ‘yan siya, ‘Anak, 'no, pagka-heartbroken ka, handle it well, dyusko, lalaki lang ‘yan, maganda ka.’ Alam mo yung ganun?

“So, January 6, as we were discussing the issue about Nadine and Ricky Lo, pinangaralan ko siya.

"But napipikon lang ako, kasi itong mga fans niya na iba are saying, na parang bang tayo ay gumagawa-gawa lang tayo ng kuwento, about the hiwalayan nila ni James.

"Para bang may trabaho lang tayo. Para bang gustong sabihin na mga timawa tayo.

“Kasama sa work natin yun, e, alam mo yun? Kumbaga, it’s newsworthy, e.

“Ngayon, sinabi ko, 'Ay, alam mo, hindi tama yun, kasi kayo nag-iingay lang kayo kung anong reasons in your heart. Na kaya kayo nag-iingay kasi nga matamlay ang career ni Nadine, because James Reid already left Viva. And she was following soon.'

Continue reading below ↓

"Sabi ko, alam mo yung pictorial-pictorial sa building... nagbiro nga ako, ‘E, di sana kung gusto niyong pag-usapan, sana tumalon ka na lang.'

“Which it was in jest, showbiz talk lang yun. Kumbaga, wala.

“Nothing serious kasi nga, earlier, pinangaralan ko nga ‘yan, e.”

Ang tinutukoy ni Jobert ay ang mga nabanggit niya sa Showbuzz noong January 6, kung saan tinalakay nila ni Ahwel ang mainit na usapin tungkol sa hiwalayan nina Nadine at James.

NADINE LUSTRE-JAMES REID SEPARATION

Unang iniulat ng PEP.ph ang hiwalayan ng controversial couple sa Cabinet Files ni Jojo Gabinete noong January 1.

Litanya ni Jobert sa radyo noong January 6: “Hindi kami ang may pakulo nitong lahat ng ito.

“Wala kaming alam sa buhay ng mga idols ninyo.

“Sila ang naggawa-gawa ng kuwento, na ang pagkamali namin ay pinatulan namin...

“Di ba, yun naman ang gusto nila? Kunu-kuno may mga labas ang puwet, naka-T-back pa dun sa building.

“'Tapos may mga nakalagay na caption, parang gustong tumalon.

Continue reading below ↓

“Sana tumalon na lang, kung ganun din lang naman pala."

May kinalaman naman ang pahayag na ito ni Jobert sa Instagram post ni Nadine noong Araw ng Pasko, December 25, 2019, kung saan naka-T back ang aktres habang nasa terrace ng isang condominium unit o hotel room.

Continue reading below ↓

Nakalagay sa caption ni Nadine: “I can't be who you want.”

DEFENDING RICKY LO

Kasunod nito ay ipinagtanggol ni Jobert ang veteran entertainment editor na si Ricky Lo sa pambabastos umano ni Nadine.

Sinegundahan kasi ni Ricky ang ulat ng PEP.ph na hiwalay na sina James at Nadine, sa kanyang artikulo sa The Philippine STAR noong January 4, na may titulong “JaDine breakup: A case of too much, too soon?”

Continue reading below ↓

Ayon sa ulat ni Ricky, umalis na umano si Nadine sa tinitirhan nila ni James sa Quezon City, at kasalukuyan daw nakatira ang 26-year-old actress sa isang condominium sa Makati City.

Sa printed edition ng artikulo, sinabi ring maingat at maayos ang pagdala ni James ng breakup nila dahil umano sa "mental illness" ni Nadine.

Bahagi ng artikulo: "James is handling the breakup with care to cushion the impact on Nadine who has admitted grappling with mental illness."

Sa online edition ng artikulo ay tinanggal na ang tungkol sa "mental illness."

Dahil dito, pinarunggitan ni Nadine si Ricky sa kanyang Instagram Stories noong January 5.

Mariing inalmahan ni Nadine ang pagbanggit ni Ricky ng "mental illness" sa artikulo nito.

Sabi ni Nadine: "First off, that was so low @therealrickylo @philippinestar.

"Second, none of what you said was true & It is NEVER okay to use someone’s mental situation/tragic past just to prove a point. Mental Illness is a very sensitive matter.

Continue reading below ↓

"& last, you think you know so much abt me, you can’t even get my last name right. ANU NA, 2020 NA!!"

dzmm station manager

January 8, muli raw tinawagan si Jobert ng kanilang station manager upang gumawa ng apology statement kay Nadine.

Lahad ni Jobert, “The next day, my station manager, si Miss Marah Capuyan, called my attention.

“She called me and I returned her call.

"Tapos sabi niya, marami raw kasi nag-tag kay Miss Ging Reyes, ang aming boss, na para bang I was promoting suicide.”

Si Ging Reyes ang head ng News and Current Affairs ng ABS-CBN, na pinuno rin ng DZMM.

Interpretasyon naman ni Jobert, “Alam mo, iniba na nila ang anggulo, e, parang kinarir na nila, e.

“Ako, siyempre hindi ako naniniwala. Kasi in my heart, alam kong hindi totoo, e.

“Kung na-mention ko man yun, well, siguro biro na lang, kasi showbiz.

“Ngayon, sabi niya, baka puwede mag-apologize na lang ako.

Continue reading below ↓

“Ako naman, I give it to her, I give it to them.

“Para ma-appease na yung mga fans, 'What do you want me to do?'

“She instructed me to construct a statement, i-forward ko sa kanya, at i-air nila ng January 7, 4 p.m., sa DZMM. Ipu-post nila.

"I did.

“I have the copy of the text message. Kineri pa ng ibang news programs yun.

“So, the next day [January 9], tinawagan ulit ako para tanggalin ko raw yung aking post on Nadine and Ricky Lo, na pinangaralan si Nadine: ‘To respect senior writers, not just Ricky Lo, anyone for that matter, huwag ka masyadong maangas, anak, it’s not good for an artist.’”

JOBERT'S FB RANT

Narito ang bahagi ng Facebook rant ni Jobert na nais diumanong ipabura ng DZMM station manager:

"Nakakaawa rin si Nadine Lustre dahil sa masyado yata niyang isinaisip that she's that big already...

“Tulad nitong off na reaction niya sa sinulat ni kaibigang Ricky Lo who has gained the country's respect as an entertainment editor, hindi siya dapat naging sarkastiko - if she felt na na-offend siya halimbawa sa naisulat about her, the best thing that she could have done was call Ricky Lo and told him her side of the story.

Continue reading below ↓

“Hindi yung sasabihin niyang 'As if you know so much about me' or something to that effect with matching 'You cannot even spell my last name right' which is near impossible.

“'Tapos dinugtungan pa niya ng 'Nu na, 2020 na' na parang super angas ang dating...

“MR. RICKY LO DESERVES AN APOLOGY FROM YOU....

“Kung nagawa mo ngang bastusin ang isang Ricky Lo, the more na puwede mong gawin to any of us.

“Tama Ining? Bawas lang ng yabang bago pa mahuli ang lahat...

"Itong isyu ng kiyemeng hiwalayan ninyo ni James Reid na napatunayang fake pala ay gawa ninyo.

“Kayo mismo ang may gawa nito. Pakana niyo ito..

“Nag-ingay ka lang pala para pag-usapan ang palamlam na loveteam ninyo dahil umalis ka na rin sa Viva to join James Reid's Careless Management put up by James' dad."

Pagpapatuloy ni Jobert, “Kasi bina-bash na nga ako ng mga fans ni Nadine and, problema nila, namumroblema sila sa franchise sa ABS.

Continue reading below ↓

"So, ayaw nila madagdagan ng stress, so pinatatanggal sa amin.

“Tinanggal ko pa rin to appease them.

"Sabi ko, ‘Wala na ‘yan sa akin’—mga ganyan-ganyan, di ba?

“I’m not young anymore para makipag-ano pa, so okay.

"Pero, that [January] 7th pa lang ay hindi na ako pinapasok, hindi na ako pinapasok sa program.”

JOBERT SUCALDITO & MARAH CAPUYAN MEET

Noong January 8, inabisuhan daw si Jobert para sa isang meeting, kasama ang station manager ng DZMM, na nakatakda sa January 10, Biyernes.

“Tapos [January] 8th came ng gabi, tinext ako ng assistant station manager, na makipag-meeting daw si Miss Marah Capuyan ng Friday at 2 p.m., sa kanyang office.

“So, I went there.

“Pagdating doon, we were discussing, she was asking me about that issue.

“So, kinuwento ko sa kanya lahat.

“And finally, she got a paper.

"She wanted mo to sign a letter suspending me in the show, parang formally suspending me.

Continue reading below ↓

“I read the letter, nakalagay suspending, pero walang time frame. Tapos nakalagay, with no pay.

“Pero may certain violation of acts, Republic Acts whatever they have, no, na hindi ko maintindihan.

"So, sabi ko, ‘Ano ito, gusto ko muna malaman?’

“Sabi niya, 'That suspension of your agreement with ABS.'

"'Ay, teka lang naman. I consult my lawyers first.

"'Kasi, ano ‘to, you are terminating me? You asked me to come to your office para i-terminate ako?

"'Parang mali. E, sana hindi mo na ako pinag-apologize, di ba?

“'Sana hindi mo na lang pinatanggal yung post ko? Ganun naman pala ang kahihinatnan ko?

“'Para mag-explain na lang ako in a formal letter kung ano ang naging problema, kung ano ang naging isyu para magkapaliwanagan.

“'Pinag-explain niyo ako, akala ko tapos na.'"

Narito ang kopya ng nasabing letter:

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Jobert, “Since then, wala nang balita.

"Until, of course, I sought the assistance of my legal counsel and my good friend, Atty. Ferdie Topacio, na tingnan kung ano ang puwede rito."

PERSONAL DISMAY WITH DZMM

Pagpapatuloy ni Jobert: "Kasi, parang I’m so stressed.

“Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari, anong mangyayari sa akin.

"Kasi, I’ve been working with ABS for twenty years.

“And seventeen years of which I was with DZMM."

Continue reading below ↓

Banat pa ni Jobert sa management ng DZMM: "Tapos ganyan-ganyan? Sipain niyo ako just because of the trolls, yung mga fans na nagrereklamo?

"Hindi man lang inisip kami that worked for you? Asan na ang mga puso niyo?

“Asan mga puso niyo?

"Tatanggalan niyo ako ng trabaho, di ba?

"What happens to my family, what happens to my children? I send them to school.

"What happens to my household? Alangan namang palayasin ko ang katulong ko, ang kasambahay ko, kasi wala na akong trabaho, ‘no.

"Iraraos kita."

Ayon pa kay Jobert, hindi masukat ang stress na naramdaman niya dahil sa pangyayari.

“Kaya ikinukuwento ko, iniiyak ko ‘yan kay Atty. Topacio.

“I’m so stressed. Pero sabi ko, 'Haharapin ko ‘to.'

“I cannot move to another network because I have a contract, I respect contracts. Alam mo yun?

"So, Atty. Topacio sent them a letter, saying that, 'If you will not reinstate my client, in the next ten days upon receipt, will pursue something legal.'

Continue reading below ↓

“Wala ni ha, ni ho, wala. Anong plano niyo? So, ganun na lang? Ganun na lang?”

Sa pagkakataong ito ay nagpipigil si Jobert, na parang maiiyak na sa galit.

Tanong pa niya sa management ng DZMM: “Kapamilya tayo, dapat may konti tayong puso, di ba?

“Kaya nga Kapamilya ang tawag, e, you don’t maltreat anyone.

Continue reading below ↓

“Kami, we worked so hard, lahat naman tayo we worked so hard

“Lahat tayo gumagawa ng paraan para mapa-sizzle ang lahat ng mga programs natin, para mag-rate tayo, para kumita naman ang istasyon natin. Tinutulungan natin.

“Pero, we are not perfect. May mga pagkakataon na sumasablay ka.

"Ano ba namang tapikin kang konti at bigyan ka ng warning?

“Suspension of the agreement agad?

“How unfair!”

ILLEGAL DISMISSAL?

Tatlong pahina ang inihanda ni Jobert para kay DOLE Secretary Bello sa paghingi ng tulong nito.

Sa kanyang liham, inilahad ni Jobert ang mga pangyayaring humantong umano sa pagkakatanggal niya sa trabaho.

Continue reading below ↓

Isinama ni Jobert sa kanyang liham kay Secretary Bello ang limang pahinang kontrata nito sa DZMM, isang pahinang suspension letter, apat na pahinang suspension of engagement with the station, at ang tatlong pahinang sulat ni Atty. Topacio kay Capuyan.

JOBERT'S LEGAL COUNSEL

Sa pagkakatong ito, si Atty. Topacio naman ang sumagot sa tanong ng media.

Sabi niya tungkol sa nilalaman ng sulat nila sa DZMM management: “Sinabi ko sa kanila na i-reinstate si Mr. Sucaldito within ten days.

"Kasi, alam niyo, ang indefinite suspension is tantamount to constructive dismissal.

“Ibig sabihin, hindi man gamitin yung term na dismissal, parang tinanggal ka na rin.

“Kasi, hindi mo alam kung ibabalik ka, kung kailan ka ibabalik.

“Pagkatapos, ang masaklap pa nga rito, suspension without pay, hindi naman puwedeng indefinite yun.

“That’s not fair, kasi may kontrata siya na kare-renew lang niya nung January. It’s a year contract."

Continue reading below ↓

February 7, 2020—o isang buwan matapos suspendihin si Jobert sa kanyang trabaho—ipinadala ni Atty. Topacio ang sulat nila sa DZMM.

Saad pa ni Atty. Topacio: “Sabi nga niya, indefinite suspension without pay pa.

"Kung isu-suspend ka, halimbawa, 30 days, 60 days, alam mo, e.

“May katapusan yung suspension. Yun ay parusa lamang.

Continue reading below ↓

“Pero yung indefinite suspension, para ka nang sinibak niyan, e. You are in limbo.

“That is not fair to Mr. Sucaldito.

"Not only it is unfair to Jobert, it is a violation of labor laws.”

Ano ang pakay nila sa DOLE?

Paliwanag ni Atty. Topacio, “A, we will institute the proper complaints for illegal dismissal ito.

“Siya’y empleyado.

"Ang problema nga minsan, katulad ng ABS-CBN, sinasabi nila hindi nila empleyado, contractual, etc.

"But may mga factors ‘yan, e."

Patuloy niya, “Hahayaan ko na yung DOLE na mag-decide na siya talaga ay empleyado, 20 years contractual.

“Nagpapalusot lang 'yan sa provision ng labor code.

“We will insist na siya ay empleyado.

"For 20 years, hindi siya empleyado?

“I mean, hello naman, di ba?”

JOBERT: “I DON'T KISS ASSES”

Ayon naman kay Jobert, labis siyang nasaktan sa pangyayari.

Lahad niya, "It’s very painful, it's very, very painful.

“Kasi, unang-una, maliit na tao lang ako sa industry nating ito, pero you know my loyalty.

Continue reading below ↓

“I was a good soldier. Nung sinabihan niya ako na to do this and do that, I did it. I did them.

"Pero why are you so hard on me? May kasalanan ba ako sa inyo?

“Alam mo, I kept asking myself, 'Why are you so hard on me, guys? Ano ba kasalanan ko sa inyo, nagtatrabaho naman ako?'

“'Kung may pagkakamali, bilang mga magulang namin, bilang nanay namin, tapikin mo, pagsabihan mo, tapos give them another chance.

“Pero hindi yung basta ka na lang papadalhan ng suspension letter? Suspension of the agreement, ha, of the contract.

“So, what do you mean? Pag pinirmahan ko, anytime, you kick me out?

“Malungkot, because para bang you are depriving us of life.

“Tapos ang linis-linis ng imahe natin sa labas.

"Magkakapamilya tayo. Tapos, yun pala, it looks like heaven from the outside, but it’s very creepy pala inside.

“I don’t kiss asses, e. Sorry talaga. I just work.

Continue reading below ↓

"Work, entertain people, kasi yun ang mundo namin, e.

“At iba ang language namin sa showbiz but, of course, I observe ethics.

“Palagi na lang akong sasabihan, 'Kasi ethics committee.'

"Hey, ethics committee? Talaga lang?”

OTHER PROCEDURAL DETAILS

Ipinaliwanag ni Jobert kung bakit hindi niya pinirmahan ang sulat na nagsusupinde sa kanya sa radyo.

Continue reading below ↓

“Hindi ko pinirmahan. Bakit? Ba't ko pipirmahan? Ililibing ko ang sarili ko?"

May pagkakataon bang tinanong niya ang station manager ng DZMM kung bakit suspension agad ang ipinataw sa kanya?

Tugon nito, “I asked her, my station manager, 'E, kasi sabi ng ethics committee under investigation.'

"Oh, my God, puro na lang ethics committee!

“And they wanted me to answer pa in another formal letter, e, andun na nga sa letter na ipinadala ni Atty. Topacio ang reasons kung bakit we felt that we did not violate.

“Pinag-apologize niyo na ako, di ba? Ano gusto niyo gawin ko?

"Tumalon sa building para mapatunayan na I’m sincere?”

Continue reading below ↓

Matapos ng panayam namin kina Jobert at Atty. Topacio, humarap na sila kay Secretary Bello ng DOLE.

Mahigit sa 20 minuto silang nag-usap.

Continue reading below ↓

Bukas ang PEP.ph sa panig ng pamunuan ng DZMM kaugnay nga pahayag na ito nina Jobert Sucaldito at Atty. Ferdinand Topacio.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran entertainment columnist/radio anchor/talent manager Jobert Sucaldito on indefinite suspension from DZMM: "Malungkot, because para bang you are depriving us of life. Tapos ang linis-linis ng imahe natin sa labas. Magkakapamilya tayo. Tapos yun pala, it looks like heaven from the outside, but it’s very creepy pala inside."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results