Arjo Atayde reveals term of endearment for girlfriend Maine Mendoza

by Arniel C. Serato
Mar 5, 2020
Arjo Atayde greets girlfriend Maine Mendoza on her birthday via Instagram.
PHOTO/S: Courtesy: @arjoatayde on Instagram

Simple lang ang naging mensahe ni Arjo Atayde, 29, para sa kaarawan ng girlfriend na si Maine Mendoza

Nagdiwang ng kanyang ika-25 kaarawan ang Kapuso star noong March 3, Martes.

Sa birthday message ni Arjo para kay Maine sa Instagram, tila ibinuko na rin ng Kapamilya actor ang term of endearment niya sa nobya.

Nakalagay sa caption ng larawan nila ni Maine na parehong nakadila: “Happy birthday, Babs!”

Continue reading below ↓

Kabilang sa mga nagkomento sa post na ito ni Arjo sina Joseph Marco, Dianne Medina, JC de Vera, Alora Sasam, at Janus del Prado.

Continue reading below ↓

Sa huling panayam kay Arjo, na lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 27, inamin niyang napag-uusapan na nila ni Maine ang tungkol sa pag-aasawa.

Bahagi ng pahayag ni Arjo: "Obviously, I’m of age already. Nothing to hide. Yes, we got to talk about it."

Kung sakaling lumagay na sila sa tahimik, isisikreto rin ba nila ito katulad nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli?

Tugon ni Arjo, sa artikulo naman ng PEP Troika noong February 26: “For me, whatever… it’s her day, e. Wedding is a woman’s day, e.

"So, it’s her decision. Whatever, kung saan siya comfortable. I don’t know yet.”

Noong December 21, 2019, ipinagdiwang nina Arjo at Maine ang kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arjo Atayde greets girlfriend Maine Mendoza on her birthday via Instagram.
PHOTO/S: Courtesy: @arjoatayde on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results