Gretchen Barretto explains why she stopped posting photo with sister Claudine

Mar 5, 2020
Gretchen Barretto explains to netizens why she no longer photos with sister Claudine: “we refuse to show photos of us together so we do not allow anyone to make negative comments) we all wish to have a peaceful life . If you notice, i Do not post much of my personal life."
PHOTO/S: @claubarretto on Instagram

Desidido si Gretchen Barretto na magkaroon na ng “peaceful life” ang kanyang pamilya, kaya hindi na siya nagpo-post ngayon ng mga litrato niya kasama ang Barretto family.

Ito ang paliwanag ng 49-anyos na dating aktres sa isang Instagram follower ng bunso niyang kapatid na si Claudine Barretto, 40.

Inusisa kasi ng netizen si Gretchen kung bakit hindi na sila nagpo-post ni Claudine ng mga litratong magkasama.

Sa kabila ng matinding alitan noon, malapit ngayon sa isa’t isa ang magkapatid na Gretchen at Claudine.

Sa mga naunang post ni Claudine sa Instagram, madalas na may litrato o video sila ni Gretchen na magkasama.

Karaniwang kuha ang video o litrato kapag dumadalaw sila sa bahay ng isa't isa.

Minsan naman, ipinapasyal ni Gretchen si Claudine at ang mga anak nito.

Pero sa nakalipas na mga buwan, hindi na nagpo-post ang sinuman kina Gretchen at Claudine ng picture o video na magkasama sila.

Continue reading below ↓

Ang huling Instagram post ni Gretchen kasama si Claudine ay noong November 18, 2019.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Dumalo noon ang magkapatid sa first birthday ng kamag-anak ng family friend nila, ang negosyanteng si Atong Ang.

Kasama rin ng magkapatid sa event ang ina nilang si Inday Barretto.

Samantala, November 28, 2019 nang huling nag-post si Claudine ng video ni Gretchen, habang ginagawa ang #LaGretaWalk.

Continue reading below ↓

Sa kabila nito, regular na nagla-like at nagkokomento ang magkapatid sa posts ng isa’t isa.

CLAUDINE DINES WITH BROTHER JJ, MOTHER INDAY

Sa Instagram post ni Claudine nitong Martes, March 3, ibinahagi niya ang litrato habang yakap ang nakatatandang kapatid na si JJ Barretto, 57.

Bukod kina Gretchen at JJ, kapatid din ni Claudine sina Mito, 59, Michelle, 58, Gia, 50, at Marjorie, 45.

Continue reading below ↓

Sa litrato, nasa isang restaurant sina Claudine at JJ.

Sa caption, sinabi ng aktres na inilibre siya ng kanyang kuya (published as is): “My Sweet Brother is treating me today.thank u i luv u #bestbrotherever @jjbarretto”

Nagkomento si Gretchen, at binanggit na kasama rin nina Claudine at JJ ang ina nilang si Inday.

Continue reading below ↓

Comment ni Gretchen: “Im jealous, jj, clau, mom. Bonding without me [see-no-evil monkey emoji] missing you loads & loads”

Sa isa pang komento ni Gretchen, pabiro niyang sinabihan si JJ na ilibre rin siya nito.

Continue reading below ↓

GRETCHEN REFUSES TO POST PHOTO WITH CLAUDINE

Isang netizen ang nagsabing nami-miss na nilang makitang magkasama sa litrato sina Gretchen at Claudine.

Ang isang fan ni Claudine, humiling na sana ay pictures naman ng aktres kasama si Gretchen ang sunod nitong i-post sa Instagram.

Si Gretchen ang sumagot sa netizen.

Ayon sa retired actress, sinasadya nila ni Claudine na huwag mag-post ng litrato nilang magkasama upang makaiwas sa mga negatibong komento.

Continue reading below ↓

Dagdag ni Gretchen, gusto raw kasi ng kanilang pamilya na magkaroon na ng “peaceful life.”

Komento ni Gretchen: “we refuse to show photos of us together so we do not allow anyone to make negative comments) we all wish to have a peaceful life .

“If you notice, i Do not post much of my personal life”

Continue reading below ↓

Nag-reply ang fan na nirerespeto at nauunawaan niya si Gretchen.

Sinang-ayunan naman ng isa pang Instagram follower ni Claudine ang katuwiran ni Gretchen.

Ayon sa netizen, mas mainam nang hindi isinasapubliko ng mga Barretto ang kanilang pribadong buhay “kasi andami po nakikisawsaw.”

Continue reading below ↓

Sinagot ni Claudine si Gretchen, at sinabing kahit nami-miss na nila ang kanyang ate ay nauunawaan nilang busy ito.

Binanggit din ni Claudine na miss na miss na si Gretchen ng kanilang ina.

Nagpasalamat pa si Claudine sa nakatatandang kapatid sa pag-aalaga daw sa kanilang pamilya.

Mensahe ni Claudine kay Gretchen (published as is): “we miss u but we know how busy u are.see u tom.

“Mom misses u thank u for taking care of us we luv u [face with kiss, heart emojis]”

Continue reading below ↓

Dating may alitan si Gretchen sa inang si Inday.

Sa katunayan, tumagal ng mahigit dekada ang hindi pagkikibuan ng mag-ina.

Nagkaayos ang mag-ina nang pumunta si Gretchen sa unang gabi ng burol ng amang si Miguel Barretto.

October 15 nang pumanaw si Mr. Barretto.

THE BARRETTO FAMILY FEUD

October 16, nagtungo si Gretchen sa burol ng ama, at nadatnan niya roon si Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero ang matagal nang pinakahihintay na tagpo ng pagbabati ng mag-ina ay nabahiran ng kontrobersiya nang tangkain ni Pangulong Duterte na pagbatiin ang magkapatid na Gretchen at Marjorie.

Ilang taon na ring may away sina Gretchen at Marjorie.

Tumanggi si Marjorie makipag-ayos sa kapatid.

Nang sumunod na gabi, napaulat na nagkasakitan naman sina Claudine at Marjorie.

Gaya ni Gretchen, ilang taon na ring kaalitan ni Claudine si Marjorie.

Nang mga sumunod na araw, sa Instagram nagparunggitan at nagsagutan sina Gretchen at Claudine laban kay Marjorie.

Continue reading below ↓

Araw-araw noong tinutukan ng publiko ang social media posts nina Gretchen, Claudine, at Marjorie upang subaybayan ang away ng magkakapatid.

Nagsanga-sanga na ang mga issue nang nadawit ang maraming personalidad sa away ng Barretto sisters.

Nabunyag ang umano'y relasyon ng pamangkin ng mga Barretto na si Nicole Barretto kay Atong Ang.

Si Nicole ay anak ni JJ.

Naungkat din ang umano'y relasyon nina Gretchen at Claudine kay Atong Ang.

Napagbintangang nakisali sa away ng magkakapatid ang anak ni Marjorie na si Julia Barretto.

Nagparunggit si Gretchen hanggang aminin na ni Marjorie na si dating Caloocan City Mayor Enrico Echiverri ang ama ng bunso niyang anak.

Napagbintangan ni Gretchen si Ruffa Gutierrez na "sawsawera" sa away ng magkakapatid, na ipinagtanggol naman ng inang si Annabelle Rama.

Na-bash sa social media ang dating aktres na si Jackie Forster dahil sa pagdepensa sa kaibigang si Marjorie.

Si Claudine, nag-post pa ng video ng umano'y pagbabanta ni Marjorie na sasaktan nito ang inang si Inday.

Continue reading below ↓

Kasabay ng pagdalang ng Instagram posts nina Gretchen, Claudine, at Marjorie tungkol sa isyu, unti-unti na ring humupa ang kontrobersiya sa kalagitnaan ng November 2019.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gretchen Barretto explains to netizens why she no longer photos with sister Claudine: “we refuse to show photos of us together so we do not allow anyone to make negative comments) we all wish to have a peaceful life . If you notice, i Do not post much of my personal life."
PHOTO/S: @claubarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results