Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Former PBB housemate Franki Russell confirms getting-to-know-each-other stage with Marlon Stockinger

by Bernie V. Franco
Mar 6, 2020
PBB Otso former housemate Franki Russell confirms she and race car driver Marlon Stockinger are getting to know each other.
PHOTO/S: @missfranki and @marlonstockinger on Instagram

“He's single, I'm single. So there's nothing wrong with that naman.”

Ito ang bahagi ng paliwanag ng former housemate ng Pinoy Big Brother Otso na si Franki Russell, 25, tungkol sa rumored romance nila ng race car driver na si Marlon Stockinger, 28.

Sa episode ng Tonight With Boy Abunda nitong Huwebes, March 5, nagsalita si Franki sa tunay na estado ng relasyon nila ni Marlon.

Tanong ng host na si Boy Abunda: magkarelasyon na ba sila ni Marlon?

“No po. No, we aren't,” sagot ni Franki.

Ano ba ang estado ng kanilang relasyon?

“Getting to know each other po, as in friends kami.

“We're hanging out in groups and just enjoying, getting to know each other.

“We're both single po. As in, he's single, I'm single.

“So, there's nothing wrong with that naman.”

Si Marlon ay dating boyfriend ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Kinumpirma ni Pia ang paghihiwalay nila ni Marlon noong December 2019 pagkatapos ng halos tatlong taong pagsasama.

Continue reading below ↓

TOO EARLY TO TELL

Nagsimulang mabalitang may namamagitan kina Franki at Marlon noong huling linggo ng Pebrero, nang ma-post sa social media ang ilang larawan na magkasama sila sa La Union.

May ipinost pang larawan si Franki na tinutulungan siyang suotan ng race car helmet ng isang lalaki na hindi kita ang mukha.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pero ang isinusuot na helmet kay Franki ay may pangalang “Marlon.”

Nagkomento si Marlon ng eyes emoji sa post ng Filipina-Kiwi model-vlogger.

Dahil dito, lumakas ang suspetsang may namamagitan sa dalawa.

Sa panayam niya sa TWBA, kinumpirma ni Franki na lumalabas sila ni Marlon na silang dalawa lang.

Sabi pa ng dalaga, masyado pang maaga para masabi niya kung malapit na silang maging magkarelasyon ni Marlon.

“As in, sobrang bago. As in, we're just exploring.

“I've been here in the Philippines for one year, so I'm very open talaga to meeting people and making my circle a little bigger.

Continue reading below ↓

“I don't go out too much, that it's nice to meet new people.”

Bagama't single siya, bukas ba si Franki sa mga posibilidad sa kanilang dalawa ni Marlon?

“Siyempre naman po,” mabilis na sagot ng dalaga.

Natanong din si Franki kung ano ang sweetest thing na ginawa para sa kanya ni Marlon.

“He took me to car racing, which was awesome,” sagot niya.

Sino ba ang sexiest man para sa kanya sa Pilipinas?

“Marlon,” sagot ng dalaga habang natatawa.

Sa kasalukuyan, napapanood si Franki sa ABS-CBN primetime series na FPJ's Ang Probinsyano.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PBB Otso former housemate Franki Russell confirms she and race car driver Marlon Stockinger are getting to know each other.
PHOTO/S: @missfranki and @marlonstockinger on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results