DZMM gives statement on Jobert Sucaldito illegal-dismissal issue

by Erwin Santiago
Mar 6, 2020
DZMM on Jobert Sucaldito's allegation of illegal dismissal: "The network assures the public that his case is being handled with fairness and integrity and in adherence to the law."
PHOTO/S: Arniel Serato / DZMM

Pinabulaanan ng pamunuan ng DZMM ang alegasyong ilegal ang pagkakatanggal sa trabaho ni Jobert Sucaldito.

Ang DZMM ang flagship station ng Radyo Patrol Network na pag-aari ng ABS-CBN.

Si Jobert ay katuwang ni Ahwel Paz bilang hosts ng programang Showbuzz, na napakikinggan sa DZMM at napapanood sa DZMM Teleradyo.

Kahapon, March 4, dumulog si Jobert sa tanggapan ni Secretary Secretary Silvestre Bello III sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa may Intramuros, Manila.

Kasama ang kanyang abugadong si Ferdinand Topacio, humingi si Jobert sa DOLE ng tulong sa kanyang laban sa DZMM management dahil sa aniya’y hindi makatarungang pagkakatanggal niya sa trabaho.

Ito ay matapos siyang patawan ng indefinite suspension dahil sa mga binitawan niyang salita, sa kanyang radio program, laban sa aktres na si Nadine Lustre.

Partikular na ang pagbanggit ni Jobert tungkol sa "mental health" ng aktres, na may kinalaman diumano sa breakup nito kay James Reid.

Continue reading below ↓

DZMM STATEMENT

Huwebes ng gabi, March 5, sa pamamagitan ng head ng Integrated News & Current Affairs ng ABS-CBN na si Ging Reyes, natanggap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pahayag ng DZMM kaugnay ng alegasyon ni Jobert.

Sakop ng ABS-CBN News & Current Affairs ang DZMM.

Ayon sa DZMM, sinuspinde nila ang kontrata ni Jobert bilang anchor ng Showbuzz, na isang standard procedure, habang siya ay "under investigation" dahil sa mga pahayag nito sa ere tungkol sa "mental health" ni Nadine.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Diin ng DZMM: "It is not true that he was illegally dismissed from his post. He was also given due process and was able to explain his side on the matter."

Hindi rin daw ito ang unang pagkakataong inimbestigahan si Jobert "for violations of the network’s standards and ethics manual, the KBP Broadcast Code, and provisions of his contract."

Sa huli, tiniyak ng DZMM sa publiko na ang kaso ni Jobert "is being handled with fairness and integrity and in adherence to the law."

Continue reading below ↓

PAST RIFTS WITH CELEBRITIES

Hindi binanggit sa statement ng DZMM ang mga pagkakataong inimbestigahan si Jobert dahil sa paglabag umano sa standards and ethics manual ng network, ng KBP Broadcast Code, at ng mga probisyon sa kanyang kontrata.

Ngunit napabalita noon ang ilang insidente kung saan nakabangga ni Jobert ang ilang artista ng ABS-CBN.

Noong May 2010, noong nasa bakuran pa ng ABS-CBN si Willie Revillame at namamayagpag ang noontime show nitong Wowowee, nagbanta ang TV host na magre-resign siya sa kanyang programa kung hindi patatalsikin ng mga boss ng network si Jobert.

Ito ay dahil sa pagtira ni Jobert kay Willie sa mga sinusulatan nitong tabloids.

Hindi inalis ng management si Jobert, at kalaunan ay nilisan ni Willie ang ABS-CBN.

Taong 2011 naman nang nagkaroon ng alitan sa pagitan nina Jobert at John "Sweet" Lapus, na noon ay nasa bakuran ng GMA-7.

Ito ay dahil sa hindi makatotohanang report ni Jobert tungkol kay Sweet na inilabas sa isang tabloid kolum ni Jobert.

Continue reading below ↓

Sinampahan ni Sweet ng kasong libel si Jobert, ngunit kalaunan ay pinatawad din niya ito matapos humingi ng public apology ang huli.

Noong 2017 naman, ang sigalot sa pagitan ni Jobert, ng singer na si Erik Santos, at ng talent manager ni Erik na si Erickson Raymundo ay humantong sa demandahan.

Ito ay dahil sa sinasabing malisyoso at mapanirang Facebook posts ni Jobert patungkol kina Erik at Erickson. Natalo si Jobert; kinatigan ng korte sina Erik at Erickson.

Noong November 2019 ay tinira naman ni Jobert si Morrissette Amon matapos mag-walk out ng Kapamilya singer sa concert ng alaga ni Jobert na si Kiel Alo. Bagamat may mga nagsabing dinidipensahan lang si Kiel ni Jobert bilang manager, maraming artista at netizens ang hindi nagandahan sa pagkuyog kay Morrissette.

FULL DZMM OFFICIAL STATEMENT

Narito ang kabuuang official statement ng DZMM kaugnay ng reklamo ni Jobert Sucaldito:

"Jobert Sucaldito’s contract as an anchor of the DZMM program 'Showbuzz' was suspended, as is standard procedure, while he is under investigation due to the remarks he made on-air about actress Nadine Lustre’s mental health.

Continue reading below ↓

"It is not true that he was illegally dismissed from his post. He was also given due process and was able to explain his side on the matter.

"This is not the first time that Mr. Sucaldito has been investigated for violations of the network’s standards and ethics manual, the KBP Broadcast Code, and provisions of his contract.

"Nevertheless, the network assures the public that his case is being handled with fairness and integrity and in adherence to the law."

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DZMM on Jobert Sucaldito's allegation of illegal dismissal: "The network assures the public that his case is being handled with fairness and integrity and in adherence to the law."
PHOTO/S: Arniel Serato / DZMM
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results