Joseph Marco shows kissing photo with beauty-queen girlfriend Celeste Cortesi

by Rachelle Siazon
Mar 6, 2020
Joseph Marco admits how besotted he is over Filipino-Italian girlfriend Celeste Cortesi.
PHOTO/S: @josephcmarco Instagram

Itinodo na ni Joseph Marco, 31, ang public display of affection para sa Filipino-Italian girlfriend niyang si Celeste Cortesi, 22.

Si Celeste ay kinoronahang Miss Earth Philippines noong 2018.

Si Joseph ay Kapamilya star na bida sa 1st Summer Metro Manila Film Festival entry na The Missing.

Sa kanyang Instagram post kagabi, March 5, inihayag ni Joseph na gustung-gusto niyang halikan ang nobya sa tuwing magkasama sila nito.

Sa litrato, makikitang hinalikan ni Joseph si Celeste sa labi, habang sila ay nasa loob ng isang restaurant.

"Hard to sit here and be close to you, and not kiss you," caption ni Joseph.

Nag-reply si Celeste ng simpleng heart at smile with tongue sticking out emoji.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

BESOTTED BOYFRIEND

Halatang patay na patay si Joseph sa girlfriend.

Noong nakaraang Sabado, February 29, sinorpresa ni Joseph si Celeste nang sunduin niya ito at bigyan ng bouquet of red roses.

Nasa loob ng sasakyan si Joseph, at inabot niya ang bulaklak sa nobya pagsakay nito.

"Hi, Love! Happy Saturday! This one's for you," ani Joseph.

Nahihiyang sabi naman ni Celeste, "Ay, nakooo!"

Ibinahagi ni Joseph ang video ng sweet moment nilang iyon at nilapatan pa ng love song na "Photograph" ni Ed Sheeran.

Dagdag ng aktor sa caption, walang espesyal na okasyon silang ipinagdidiwang ni Celeste.

Continue reading below ↓

"MOST BEAUTIFUL" FOR MARCO

Sadyang mahal na mahal daw ni Marco si Celeste.

Sabi pa niya, sa wikang Italian, patungkol sa nobya" "sei la cosa più bella che tengo nel mio cuore."

Ang ibig sabihin nito ay: "You are the most beautiful thing in my heart."

Ramdam din daw ni Marco ang pagmamahal ng dating beauty queen.

Noong nakaraang Valentine's Day, nagkataong may trabaho si Marco, pero binisita siya ni Celeste sa set ng kanyang shooting.

"There's no one else I'd rather spend this annual obligation with. I really appreciate you visiting me on set last night."

Continue reading below ↓

Noong October 2019 unang isinapubliko ni Marco ang noo'y ilang buwan na nilang relasyon ni Celeste.

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joseph Marco admits how besotted he is over Filipino-Italian girlfriend Celeste Cortesi.
PHOTO/S: @josephcmarco Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results