Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Nadine Lustre, James Reid spotted dining at Quezon City restaurant

by Rachelle Siazon
Mar 6, 2020
Ex-couple Nadine Lustre and James Reid are consistently seen hanging out together three months after their breakup.
PHOTO/S: @nadine / CTTO via @jadinedates / @james Instagram

Sa kabila ng kanilang hiwalayan, patuloy ang positibong relasyon sa pagitan nina Nadine Lustre at James Reid.

Patunay nito ang litrato ng dating magkasintahang kumalat sa social media noong March 3.

Sinasabing kuha raw iyon sa isang Korean restaurant sa Loyola Heights, Quezon City.

Sa litrato, nasa aktong nagkukuwento si Nadine habang nakatingin at nakikinig si James sa dalaga.

Makikita ring may iba pa silang kasamang kumakain sa restaurant.

Continue reading below ↓

Tugma ang suot na sleeveless top ni Nadine sa outfit niya nang mag-post sa kanyang Instagram account noong March 3.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kilig naman nang husto ang solid supporters ng JaDine na umaasang baka magkabalikan pa raw sina James at Nadine.

Continue reading below ↓

THE BREAKUP

January 1, 2020 nang unang inulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hiwalay na sina Nadine at James dahil sa "irreconcilable differences."

Kinumpirma nila ang kanilang breakup sa isang joint statement sa Tonight With Boy Abunda noong January 20.

Pero consistent pa ring nakikitang magkasama sina Nadine at James kasama ng kanilang mga kaibigan.

Continue reading below ↓

Mula sa pag-akyat sa Mt. Ulap noon hanggang sa "pasta night" kasama ng kanilang barkada ay nandun pa rin ang dalawa.

Pati sa pictorial at event ng isang fashion magazine ay maayos ang samahan nila.

ALL GOOD BETWEEN JAMES AND NADINE

Sa cover story ng Mega Magazine, sinabi ni James na maraming dahilan kung bakit kinailangan nilang mag-break.

Pero ang maaari lang daw niyang ibahagi sa publiko ay iyong pagnanais niyang mahanap ang sarili.

"I can’t even begin to think of who I am or what I’m supposed to be outside of that love team, which is scary.

"And that’s why I said I got a lot of figuring out to do."

Ganunpaman ay mahal pa rin daw ni James si Nadine, at sadyang mas lumawak daw ang perspektibo niya tungkol sa pag-ibig.

Sa hiwalay na panayam kay Nadine sa parehong magazine, sinabi ng dalaga na walang masamang tinapay sa pagitan nila ni James.

Continue reading below ↓

Hindi raw matatawaran ang pinagsamahan nila.

"I’m always going to be thankful that that guy came into my life, no matter what happens."

Sa kasalukuyan, may hiwalay silang ginagawang mga teleserye sa ABS-CBN.

Si James ay bibida sa Soulmate Project kasama si Nancy ng Momoland, habang si Nadine ay bibida sa Burado kasama nina Julia Montes, Zanjoe Marudo, at Paulo Avelino.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ex-couple Nadine Lustre and James Reid are consistently seen hanging out together three months after their breakup.
PHOTO/S: @nadine / CTTO via @jadinedates / @james Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results