Sunshine Cruz defends Kim Chiu against naysayers calling shooting incident "malaking drawing"

by James Patrick Anarcon
Mar 7, 2020
Sunshine Cruz on "drawing" accusation regarding Kim Chiu's ambush incident: "Dahil walang natamaan at walang namatay drawing agad?! Grabe naman!"
PHOTO/S: @sunshinecruz718 on Instagram

Dinepensahan ni Sunshine Cruz, 42, si Kim Chiu, 29, sa akusasyong "drawing" lang ang ambush na naganap sa dalaga noong Miyerkules ng umaga, March 4.

Ani Sunshine sa Instagram Story nito kahapon, March 6, "so mean" ang naging pahayag ng dating brodkaster na si Jay Sonza, 64.

Hindi binanggit ni Sunshine ang pangalan ni Jay, pero heto ang nakasaad sa kanyang post, "So mean for someone to conclude na planned ang ambush ng ibang tao...."

Si Sunshine ang gumaganap na ina ni Kim sa Love Thy Woman.

Papunta sa taping ng Love Thy Woman si Kim nang pinaulanan ng walong bala ng baril ang kanyang sinasakyang van sa kanto ng Katipunan Avenue at C.P. Garcia sa Quezon City.

Nasa loob ng van si Kim, kasama ang kanyang driver at personal assistant.

Nakaligtas ang tatlo, at walang tinamaan ng bala sa kanila.

Noong Huwebes, March 5, sinabi ni Jay sa Facebook post nito na "isang malaking 'DRAWING'" ang nangyaring pamamaril kay Kim.

Continue reading below ↓

Binanggit din ni Jay na marami raw butas sa salaysay ni Kim, na isa sa mga bankable stars ng Kapamilya network at produkto ng 2006 Pinoy Big Brother: Teen Edition.

Ayon pa sa dating brodkaster, na minsang nagtrabaho sa ABS-CBN at kalaunan ay lumipat sa GMA-7, "unbelievable" ang nangyaring ambush kay Kim at malamang daw ay writer ng ABS-CBN prime-time series na FPJ's Ang Probinsyano ang gumawa ng kuwento.

Ang buwelta ni Sunshine: Dahil ba walang natamaan at walang namatay ay "drawing" na agad ang nangyaring ambush?

Heto ang continuation ng kanyang pahayag sa IG Story:

"And yes, sa umaga, kapag 6am ang call time namin, usually bumabalik kami sa pagtulog sa loob ng van. Hindi unusual na gawain yan.

"Dahil walang natamaan at walang namatay drawing agad?! Grabe naman!"

Sunshine Cruz, Kim Chiu

Continue reading below ↓

Sa kasalukuyan ay patuloy na iniimbestigahan ng pulis at ABS-CBN ang nangyaring pamamaril sa sinasakyang van ni Kim.

Batay sa police report, tinukoy ng driver ni Kim na dalawang hindi kilalang lalaking sakay ng motorsiklo ang tumambang sa kanila.

Pagkatapos ng nangyaring pamamaril ay dumiretso si Kim sa set ng Love Thy Woman at nakapag-tape pa ng dalawang eksena bago tuluyang nag-sink in ang nangyari sa kanya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz on "drawing" accusation regarding Kim Chiu's ambush incident: "Dahil walang natamaan at walang namatay drawing agad?! Grabe naman!"
PHOTO/S: @sunshinecruz718 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results