Joross Gamboa, nadulas tungkol sa "plano" ng KathNiel?

by Noel Orsal Text: Rommel R. Llanes
Mar 7, 2020
May na-reveal nga ba si Joross Gamboa tungkol kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla?
Video: Noel Orsal.

Habang kausap ang reporters matapos ang presscon proper ng kinabibilangan niyang movie na Fluid, inusisa si Joross Gamboa kung may alam siya sa usap-usapang nagpaplano na ring magpakasal nang lihim ang mga kaibigan niyang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

"Wala akong alam... wala kayong makukuha sa 'kin," ang laging sagot ni Joross.

Pero nang tanungin kung nakikita ba niya na mag-e-end up together sina Kathryn at Daniel, sumagot si Joross ng, "Oo naman, oo naman. Isa talaga sila sa ano... malapit na... ah, ewan ko!"

Napasigaw tuloy ang mga kausap niyang press na tila nahuli nila si Joross na "madulas" tungkol sa "plano" nina Kathryn at Daniel.

Kumambiyo pa si Joross ng, "Joke lang, ha!" Na lalo tuloy nagpatibay sa paniwala ng reporters na nadulas nga ang aktor sa pagkumpirma ng planong pagpapakasal ng KathNiel.

Nadulas nga ba si Joross sa mga tanong ng reporters o eksaherado lang mga kausap niya?

Continue reading below ↓

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

HOT STORIES

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results