Shaina Magdayao calls ex-boyfriend John Lloyd Cruz "my friend"

by Rachelle Siazon
Mar 9, 2020
Shaina Magdayao on ex-boyfriend John Lloyd Cruz: "We're both very happy with our respective lives."
PHOTO/S: @shaina_magdayao / @fredperry.ph Instagram

"My friend."

Ganito inilarawan ni Shaina Magdayao, 30, ang ex-boyfriend niyang si John Lloyd Cruz, 36.

Walang taon na ang nakalilipas mula nang tuldukan nina Shaina at John Lloyd ang dalawang taon nilang relasyon.

Nanumbalik ang maayos na samahan ng dalawa nang magkatrabaho sa pelikulang Servando Magdamag, na pinagbibidahan ni John Lloyd at may cameo appearance si Shaina.

Matagal-tagal na ring hindi nagkita ang dalawa mula nang sumailalim sa "indefinite leave" si John Lloyd sa showbiz noong October 6, 2017.

Isang linggo bago iyon ay dumalo pa si John Lloyd sa Star Magic Ball, ang annual red-carpet event ng talent management arm ng ABS-CBN.

Patuloy ni Shaina, "Lagi kami nagkikita nun, sa Star Magic Ball dati, Star Magic events. Hindi naman nagbago."

Hindi na rin naman daw isyu kay Shaina ang hiwalayan nila ni John Lloyd noon.

"Tsaka matagal na. It's so nice because we're very different people now.

"And obviously, we're both very happy with our respective lives.

Continue reading below ↓

"Pero maliit talaga ang mundo ng showbiz, di ba? Ganun talaga yun, e."

Nakapanayam si Shaina ng Random Republika pagkatapos ng presscon ng Tagpuan, ang pelikulang pinagbibidahan nila ni Quezon City Fifth District Representative Alfred Vargas.

Ginanap ang presscon sa Tipsy Pig restaurant, Tomas Morato, Quezon City, kahapon, March 8.

FIRST ACTING STINT WITH JOHN LLOYD

Pagpasok ng taong 2020, naiulat ang sinasabing unang tambalan sa pelikula nina John Lloyd at Shaina via Servando Magdamag.

Pero nilinaw ni Shaina na cameo lang siya at may kaunting eksena kasama ang dating nobyo.

Anong reaksiyon niya noong unang i-offer sa kanya ang proyekto?

"At first, before shooting the film, ang disposisyon ko, 'Okey, gagawin ko ito for the love of Lav Diaz," tukoy ni Shaina sa premyadong direktor.

Hindi raw kasi niya matanggihan si Lav na nagbigay sa kanya ng "exposure" sa international film festivals dahil sa mga pelikulang Ang Hupa (The Halt) at Ang Panahon ng Halimaw (Season of The Devil).

Continue reading below ↓

Dugtong ni Shaina, "But as we ended, by the last shooting day, I'm happy that I can now say that I was able to support not just Lav Diaz but also my friend John Lloyd.

"Funny lang how people are really talking about it. Maybe because it's the first time."

Naaalala ni Shaina na noong sila pa ni John Lloyd, ni hindi raw niya naisip na makakatrabaho niya ito.

"Okey naman kami nun, e. Pero never ko lang nakita na magkakasama kami sa trabaho.

"It was something na never ko naman na-experience before.

"I dont think that's going to happen, ever. I don't see any possibility because that's the truth.

"And then, the opportunity arrived. It's a nice material."

Noong 2002, kabilang si Shaina sa cast ng ABS-CBN primetime series na Kay Tagal Kang Hinintay, kung saan unang nabuo ang tambalan nina John Lloyd at Bea Alonzo.

Pero hindi raw sila nagkaeksena ni John Lloyd doon.

Continue reading below ↓

"Twelve years old pa lang ata ako nun, pero hindi rin masyado nagpang-abot yung character namin nun.

"This particular project, we really had scenes together, pero konti lang."

PAST LOVE

Kontrobersiyal ang dalawang taong relasyon nina John Lloyd at Shaina noon.

Ilang buwan silang madalas namataang magkasama, hanggang sa noong June 2010 umamin si John Lloyd sa isang TV interview na sila na ni Shaina.

Isa sa matinding pagsubok na pinagdaanan ng kanilang relasyon ay nang lumabas ang kontrobersiyal na phone call ni Shaina kay Ruffa Gutierrez, ex-girlfriend ni John Lloyd.

Mismong si Ruffa ay inaming makailang-beses siyang tinatawagan ni John Lloyd sa telepono mula June hanggang November 2010.

Nang makatanggap si Ruffa ng tawag kay Shaina noong January 2011, nilinaw raw ng dating beauty queen na wala silang ugnayan ni John Lloyd.

Kinabukasan noon ay tinawagan pa raw ni Ruffa si John Lloyd upang sabihing tigilan na ng aktor ang pagtawag sa kanya, at "ayusin" nito ang relasyon kay Shaina.

Continue reading below ↓

Pagkatapos ay naging maayos muli ang relasyon nina Shaina at John Lloyd.

Minsan pang inilarawan ni John Lloyd na "bullet-proof" ang relasyon nila ni Shaina.

Pero nauwi pa rin sa hiwalayan ang dalawa, base na rin sa kumpirmasyon ni Shaina noong May 2012.

Sa kabila ng mga espekulasyon tungkol sa kanilang breakup, hindi kailanman nagdetalye sina Shaina at John Lloyd kung bakit hindi nag-work ang kanilang relasyon.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shaina Magdayao on ex-boyfriend John Lloyd Cruz: "We're both very happy with our respective lives."
PHOTO/S: @shaina_magdayao / @fredperry.ph Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results