Netizens ask Jane de Leon: Why include Liza Soberano in list of past Darna actresses?

by Jet Hitosis
Mar 9, 2020
Jane de Leon (left) salutes past Darna actresses on her International Women's Day post last Sunday, March 8, but some netizens were quick to react to Liza Soberano's (right) inclusion on the list.
PHOTO/S: @iamjanedeleon on Instagram

Para sa International Women’s Day nitong Linggo, March 8, nagbigay-pugay si Jane de Leon sa mga aktres na dating gumanap na Darna.

Si Jane, 21, ang magbibida sa Darna film remake, na sinimulan nang i-shoot ng Star Cinema ngayong taon.

Ang Darna ay ang sikat na fictional superheroine character ng Pinoy comic book artist na si Mars Ravelo.

May 1950 nang unang lumabas sa Pilipino Komiks ang karakter ni Darna, na kalaunan ay ginawan ng mga pelikula at TV series.

Sa Instagram post ni Jane nitong Linggo, kinilala niya ang ilan sa mga aktres na dating gumanap na Darna “who became a symbol of a strong and independent Filipina” sa kani-kanilang paraan.

Pawang naka-Darna costume ang mga dating gumanap sa iconic role.

Tampok sa post ni Jane ang mga litrato nina Nanette Medved, Vilma Santos, Anjanette Abayari, Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Angel Locsin, Marian Rivera, Liza Soberano, at Rosa del Rosario.

Continue reading below ↓

Saad sa kabuuang caption ni Jane: “I respect and salute all these women (and to all the Darnas before them) who became a symbol of a strong and independent Filipina.

“The voice of their generation who have been continuously doing their part as superheroes behind the costume through their individual achievements, efforts, and advocacies to help humanity and nature in general.

“You are all and will always be an inspiration today and onwards [globe emoji] PH [heart emoji] #HappyInternationalWomensDay #WomenEmpowerment”

Continue reading below ↓

THE PAST DARNAS

Si Nanette Medved ay napanood sa ika-12 Darna movie noong 1991.

Apat na pelikulang Darna ang pinagbidahan ni Vilma Santos: ang Lipad, Darna, Lipad! (1973), Darna and the Giants (1973), Darna vs The Planet Women (1975), at Darna and Ding (1980).

Kasunod ni Nanette, si Anjanette Abayari ang nagbida sa Darna: Ang Pagbabalik noong 1994.

Pareho namang cameo ang Darna roles nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez sa dalawang Captain Barbell films noong 1986 at 2003, ayon sa pagkakasunod.

Kapwa top-rating teleserye ng GMA-7 ang pinagbidahan nina Angel Locsin (2005) at Marian Rivera (2009) bilang Darna.

Si Liza Soberano, 22, ang dapat sanang orihinal na gaganap sa Darna remake na ginagawa ngayon ni Jane.

May 2017 nang ihayag ng ABS-CBN at Star Cinema na si Liza ang gaganap na Darna sa pelikula.

Pero noong April 2019, napilitan si Liza na bitawan ang proyekto matapos siyang maaksidente sa taping ng teleserye niyang Bagani.

Continue reading below ↓

Nadurog ang buto sa isang daliri ni Liza, at kinailangan niyang sumailalim sa serye ng operasyon.

July 2019 nang ihayag ng pamunuan ng ABS-CBN na si Jane ang napili nila bilang bagong Darna.

Samantala, si Rosa del Rosario ang kauna-unahang gumanap na Darna sa kasaysayan: napanood siya sa mga pelikulang Darna noong 1951 at Darna at ang Babaing Lawin noong 1952.

Wala sa listahan ni Jane, pero gumanap din noon bilang Darna sina Liza Moreno, Eva Montes, Gina Pareño, Lorna Tolentino, at Rio Locsin.

MARIAN, LIZA REPLY TO JANE’S POST

Sa lahat ng former Darna actresses na binigyang-pugay ni Jane, sina Marian at Liza pa lang ang nag-reply at press time.

Heart kiss emoji ang komento ni Marian, na sinagot ni Jane ng heart emoji.

Continue reading below ↓

“Love you” na may heart emoji naman ang reply ni Liza.

Sagot ni Jane kay Liza: “Love you too Hope! [heart kiss emoji]”

Natuwa at nagpasalamat ang fans ni Liza na inihilera ni Jane sa mga dating Darna actresses ang hinalinhan niya sa remake.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

NETIZENS ASK: WHY INCLUDE LIZA?

Gayunman, ilang Instagram followers ni Jane ang kinuwestiyon ang pagkakasama ni Liza sa hilera ng mga dating Darna actresses.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Giit nila, hindi naman daw aktuwal na gumanap, kundi “muntik lang” maging Darna “pero hindi pa nakakalipad” si Liza.

Continue reading below ↓

Katwiran naman ng fans ni Jane, may official announcement ang ABS-CBN tungkol sa pagbibida ni Liza sa latest Darna project.

Bukod dito, sumabak din daw sa matinding physical training si Liza para sa role.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Hindi naman sinagot ng sinuman kina Jane at Liza ang komento ng mga kontra sa pagkakasama ni Liza sa mga binigyang-pugay na former Darna actresses.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Liza noong December 2019, naikuwento niyang nag-dinner sila ni Jane ilang buwan makaraang ihayag na papalitan siya nito sa Darna.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jane de Leon (left) salutes past Darna actresses on her International Women's Day post last Sunday, March 8, but some netizens were quick to react to Liza Soberano's (right) inclusion on the list.
PHOTO/S: @iamjanedeleon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results