KC Concepcion tired of dealing with toxic people on social media

by Bernie V. Franco
Mar 9, 2020
KC Concepcion on netizens comparing her to Karla Estrada and K Brosas: “Nung una sabi nyo kamukha ko si Karla Estrada. Ngayon naman si K Brosas. Mabuti nalang at umaapaw sila sa ganda and mahal ko silang dalawa."
PHOTO/S: @itskconcepcion on Instagram

Hindi nakatiis si KC Concepcion at muling sumagot dahil sa patuloy na pagkukumpara sa kanya sa ibang artistang sinasabing kamukha raw niya.

Noong nakaraang linggo, nag-post si KC sa Instagram ng kanyang swimsuit photo na kuha sa Boracay.

Ilang netizens ang nagkomento na, sa unang tingin, akala raw nila siya si Karla Estrada.

Hindi tiyak kung compliment ang mga komentong ito o may halong malisya, na ikinukumpara ang pigura ni KC kay Karla.

Pero pinili ni KC na sagutin ito nang positibo.

Aniya, “flattered” siyang makumpara kay Karla na “beautiful.”

Noong nakaraang linggo, nag-post muli si KC ng kanyang sexy photo habang nasa beach.

Nagkomento ang isang netizen at sinabing akala niya noong una ay si K Brosas si KC.

Napakomento ang aktres dahil sa iba-ibang sinasabi ng netizens kung sino ang kamukha niya.

Sabi ni KC: “Nung una sabi nyo kamukha ko si Karla Estrada. Ngayon naman si K Brosas.

Continue reading below ↓

“Mabuti nalang at umaapaw sila sa ganda and mahal ko silang dalawa. [face with tears of joy and heart emojis]”

Sumagot naman si K sa papuri ni KC.

Continue reading below ↓

Gayunpaman, hindi naitago ni KC na apektado siya ng mga netizen na patuloy na namba-bash sa kanya.

Sinang-ayunan niya ang isang netizen na nagkomentong madaming “toxic” na tao sa social media.

Ani KC: “Ay grabe totoo!!!! Nakaka pagod.”

Maraming beses nang naba-bash ng netizens si KC sa Instagram.

Sa mga pagkakataong iyon na binatikos siya, sumagot si KC.

Continue reading below ↓

Kabilang sa mga pinuna kay KC noon ay ang kanyang hitsura.

Sinabihan siyang "mukhang clown," at inakusahan pang sumailalim diumano sa plastic surgery.

Ang iba naman ay pinansin ang masyado raw pagpapa-sexy ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Habang ang iba naman ay inalipusta ang kanyang pigura at timbang.

May netizen noon na nagmungkahi kay KC na i-block ang kanyang bashers dahil sa pangungutya sa kanya.

Pero sabi ni KC, naaaliw raw siya sa kanyang bashers.

Sagot noon ni KC sa netizen: "They entertain me hun."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KC Concepcion on netizens comparing her to Karla Estrada and K Brosas: “Nung una sabi nyo kamukha ko si Karla Estrada. Ngayon naman si K Brosas. Mabuti nalang at umaapaw sila sa ganda and mahal ko silang dalawa."
PHOTO/S: @itskconcepcion on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results