Ivana Alawi recalls schoolmate asking about her mom: "Is that your helper?" 

by Rachelle Siazon
Mar 9, 2020
Ivana Alawi says her mom has been her greatest motivator even when she was only an "extra" in showbiz: "Palagi sa taping nung nag-e-extra ako, andun siya. Tapos yung line ko isa or dalawa. Ito-throwlines pa niya ako. Sobrang supportive siya, di ba?'"
PHOTO/S: James Patrick Anarcon

Inamin ni Ivana Alawi, 23, na nakaranas siya ng panghuhusga ng ibang tao dahil sa pagkakaroon niya ng inang Filipina, si Fatima Marbella, at amang Moroccan, si Samier Al-Alawi.

Lumaki si Ivana sa Bahrain kasama ng kanyang dalawang nakatatandang kapatid.

"Kasi nag-aral kami sa Bahrain. So more of, like, mga Arabs ang nandun.

"And sinusundo talaga ako ni Mommy kasi masipag siya, hands on siya talaga sa amin.

"And then, nung sinusundo niya kami... May mga iilang tao, mga estudyante tsaka yung nanay, mababa yung tingin sa mga Pilipino."

Harap-harapan daw hinusgahan ang ina ni Ivana.

Tanong daw kay Ivana: "Is that your helper?"

Agad na paglilinaw raw niya, "No! That's my mom."

Sabi pa ni Ivana, "Para sa akin, huwag mong mamaliitin ang mga Pinoy kasi masisipag kami, and we work [hard] talaga."

Ibinahagi ito ni Ivana sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay, nitong Lunes, March 9.

Continue reading below ↓

Todo raw ang respeto at pagmamahal ni Ivana para sa ina.

Bata pa lang si Ivana nang maghiwalay ang mga magulang niya at nang magdesisyon ang kanyang inang bumalik sa Pilipinas.

Noong panahong iyon ay ipinagbubuntis daw ng ina si Mona Louise Rey, ang bunso sa kanilang apat na magkakapatid.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

COUNTLESS REJECTIONS

Kinalaunan ay nagdesisyon din si Ivana na manirahan sa Pilipinas.

Ang kanya raw ina ang hindi nagsawang suportahan ang pangarap niyang mag-artista sa kabila ng dinaanan niyang rejections.

"Andami! Sa mga commercials, lahat reject talaga, e.

"Tapos after nun, si Mona lahat natatanggap.

"So, sabi ko, 'Baka sa kanya... for her na lang.'"

Si Mona, 15, ay dating nakilala bilang child star sa GMA-7, at napanood sa mga teleserye tulad ng Munting Heredera, Aso Ni San Roque, at Bukod Kang Pinagpala.

Dagdag ni Ivana, "Maghahanap ako ng ibang gagawin. Kasi hindi ko puwede ipilit kung hindi para sa akin."

Continue reading below ↓

Sinubukan din daw ni Ivana na sumali sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother.

Sa pagkakatanda pa raw niya ay nasa pang-mahigit 10,400 siya sa pila.

Nakasama raw sa "shortlist" si Ivana, pero hindi na siya nakatanggap ng "callback."

"After ko sumali sa competition, sabi ko, 'Tama na.'

"Binigyan ako one-year contract, sabi ko, 'Try ko.'

Continue reading below ↓

"Tapos nung wala pa rin nangyari, sabi ko, 'Ma, ayaw ko na. Pagod na ako. Ang sakit.'"

Pati sa GMA-7 reality show na StarStruck ay bigo ring makapasok si Ivana noong 2015.

Fourteen years old si Ivana nang magsimula siya sa TV commercials, at 21 years old na siya nang unang lumabas sa telebisyon bilang "extra."

Kahit maliit lang ang kanyang role ay madalas daw siyang samahan ng ina sa mga taping.

Napapangiting balik-tanaw ni Ivana: "Andun siya, tapos yung line ko, isa or dalawa. Ito-throwlines pa niya ako.

"Sabi ko, 'Ito-throw lines mo pa ako?' 'Halika na, kailangan mo malaman yung ano...'

"Sobrang supportive siya, di ba?'"

WIND BENEATH HER WINGS

Nang magdesisyon si Ivana na tigilan na ang showbiz, pinag-isapan daw niya kung mag-aaral pa siya ulit bukod sa natapos niyang pastry arts.

Pero hindi raw nawalan ng pag-asa ang kanyang ina na balang araw ay susuwertehin din si Ivana sa pag-aartista.

Continue reading below ↓

"Sinend niya yung picture ko sa limang manager na iba-iba.

"'Anak, gusto ka i-meet.'

"'Bakit ako gusto i-meet? Hindi naman ako nagpo-post?'

"'Sinend ko picture mo na whole body, close-up...'

"'Bakit mo ginawa yun?'

"'Siyempre, nakita ko potential mo.'"

Sinamahan daw si Ivana ng kanyang ina nang kitain nila ang talent manager na si Perry Lansigan.

Continue reading below ↓

Umpisa pa lang ay "diniretso" na raw ni Ivana si Perry at sinabing "sexy" ang gusto niyang tahaking career path sakaling kunin siyang talent nito.

Pumayag daw agad si Perry, na siyang nagpasok kay Ivana sa Araw Gabi, ang teleseryeng pinagbidahan nina Barbie Imperial at JM de Guzman noong 2018.

Kuwento pa rin ni Ivana, "Si Mama, 'O, sabi ko sa iyo!' Proud na proud siya.

"'Ayan, nagbunga na. Makakapasok ka sa ABS.'

"Nabigyan ako ng isang show. Sobrang na-happy ako kasi dream ko talaga ABS."

Suportado raw siya ng kanyang ina sa nais niyang sexy image sa showbiz.

"Sa kanila, okey lang. Supportive sila.

"Basta wala akong ginagawang masama, hindi ako nananakit ng tao sa ginagawa ko."

Nakilala rin si Ivana bilang girlfriend ni Gustavo, ang karakter na ginampanan noon ng yumaong si Eddie Garcia sa FPJ's Ang Probinsyano.

Noong 2019, isa si Ivana sa mga bida ng ABS-CBN prime-time series na Sino Ang May Sala? kasama sina Jodi Sta. Maria, Bela Padilla, Tony Labrusca, Ketchup Eusebio, at Kit Thompson.

Continue reading below ↓

YOUTUBE SENSATION

Pero nakilala nang husto si Ivana nang maging aktibo siya sa paggawa ng YouTube vlogs mula noong August 2019.

Dito ay madalas na napapanood ang pagiging sexy niya, pero kuwela at walang arte kung kumilos sa bahay.

Madalas din niyang kasama sa kanyang vlogs ang ina, pati ang bunsong kapatid na si Mona.

Continue reading below ↓

Malinaw dito ang pagmamahal ng dalaga para sa pamilya.

Pagpasok ng taong 2020 ay mayroon nang mahigit na three million subscribers si Ivana, at kasalukuyang umabot na ng 4.58 million subscribers.

February 7, 2020 nang opisyal siyang pumirma bilang exclusive artist ng ABS-CBN.

Pagbibidahan niya ang teleseryeng Ang Lihim Ni Ligaya, kasama si Kit Thompson bilang kanyang leading man.

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ivana Alawi says her mom has been her greatest motivator even when she was only an "extra" in showbiz: "Palagi sa taping nung nag-e-extra ako, andun siya. Tapos yung line ko isa or dalawa. Ito-throwlines pa niya ako. Sobrang supportive siya, di ba?'"
PHOTO/S: James Patrick Anarcon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results