Julia Barretto declares "freedom" on 23rd birthday

by Bernie V. Franco
Mar 10, 2020
Julia Barretto gets birthday greetings from family and friends, including Kapuso stars Rayver Cruz and Gabbi Garcia.
PHOTO/S: Noel Orsal

Ipinagdiriwang ni Julia Barretto ang kanyang ika-23 kaarawan ngayong Martes, March 10.

Sa bagong yugto ng kanyang buhay, itutuon daw ni Julia ang atensiyon sa sarili.

Base ito sa kanyang Instagram post ngayong araw.

Kalakip ang topless photo niyang kita ang likod, at ang number 23 na nakapinta sa kanyang kanang pisngi, ito ang mensahe ni Julia sa caption:

“23. In this chapter in my life, I am FREE.

“Free to speak.

“Free to act.

“Free to feel.

“Free to love.

“Because this time, I am choosing ME.”

Continue reading below ↓

MARJORIE'S MESSAGE FOR JULIA

Sa pamamagitan ng Instagram, ipinaabot naman ng ilang mahal sa buhay ni Julia ang kanilang pagbati sa kanya.

Binalikan ng ina ni Julia na si Marjorie Barretto ang mga intrigang pinagdaanan ng anak noong 2019.

Ipinahayag niya ang paghanga sa anak dahil nalampasan nito ang mga pagsubok at panghuhusga ng ilan at ang pagkawala ng isang mahal sa buhay.

Caption ni Marjorie: “I learned so much about you and the person you have become, just by witnessing you overcome trials and judgements, pain of losing a loved one (Pikey) with so much strength and grace.”

Si Pikey ay si Miguel Barretto, ama ni Marjorie at lolo ni Julia, na pumanaw noong October 15, 2019.

Sabi pa ni Marjorie: “You shut off from the outside world, worked harder than ever, focused on the goal, stayed close to me and your siblings, chose your battles and became wiser in choosing your circle of friends.

Continue reading below ↓

“You are STRONG, BRAVE, DETERMINED, HARDWORKING, PRAYERFUL, GENEROUS, LOVING and KIND and so ready to take on the world.”

Noong July 2019, pumutok ang balitang paghihiwalay nina Bea Alonzo at Gerald Anderson, at si Julia ang itinuturong dahilan ng breakup nila.

Na-link si Julia kay Gerald sa gitna ng balitang paghihiwalay ng aktor at ni Bea.

Continue reading below ↓

Pareho namang itinanggi nina Julia at Gerald ang akusasyon.

Inakusahan din si Julia na diumano'y nagtaksil sa dating boyfriend na si Joshua Garcia.

Pero sa kanyang Instagram post noong August 2019, binanggit ni Julia na nang ma-link siya kay Gerald, apat na buwan na silang magkahiwalay ni Joshua.

Kung pagbabasehan ang impormasyong ito, lumalabas na April 2019 naghiwalay sina Julia at Joshua, pagkatapos ng dalawang taong relasyon.

DANI AND CLAUDIA'S MESSAGE FOR JULIA

Pinapurihan din ni Dani ang nakababatang kapatid na si Julia.

Bahagi ng kanyang post (published as is): “Your strength has always been admirable. But thats only one of the many great things about you.

"You’re an amazing person, Sister, Daughter, Aunt, friend and a DAMN GOOD ACTRESS.”

Pagmamahal naman sa kanyang ate ang ipinost na mensahe ng isa pang kapatid, si Claudia, sa Instagram.

Continue reading below ↓

GREETINGS FROM SHOWBIZ FRIENDS

Bumuhos din ang birthday greetings kay Julia mula sa mga kaibigan mula sa showbiz, kabilang na si Alex Gonzaga at Kapuso stars na sina Rayver Cruz at Gabbi Garcia.

Mensahe ni Rayver (published as is): “Happy birthday sups!!! Got yo back always!! Enjoy ur special day labyu sups!!”

Continue reading below ↓

Sagot ni Julia: “Love you sups!”

Nag-post din ng greeting si Gabbi, longtime friend at schoolmate ni Julia.

Continue reading below ↓

Ipinost naman ni Alex ang throwback photo nila ni Julia, kasama ang iba pang mga kaibigan mula sa kanilang Hong Kong trip noong August 2019.

Ang iba pang showbiz personalities na nag-post ng birthday greetings para kay Julia ay sina Miles Ocampo, Ina Raymundo, Iza Calzado, Chie Filomeno, at Ria Atayde.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto gets birthday greetings from family and friends, including Kapuso stars Rayver Cruz and Gabbi Garcia.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results