Rosanna Roces calls out seller of overpriced N-95 mask

by Arniel C. Serato
Mar 11, 2020
Rosanna Roces to individuals who are taking advantage of the COVID-19 scare: "Ang Karma pa naman ngayon singbilis din ng pagkalat ng virus.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi napigilan ng aktres na si Rosanna Roces ang magalit sa mga nananamantala sa gitna ng kinahaharap na public health emergency ng bansa dahil sa coronavirus disease (COVID-19) scare.

Ngayong hapon ng Miyerkules, March 11, ipinost ni Rosanna sa kanyang Facebook accountgamit ang tunay niyang pangalang Jennifer Cruz Adriano—ang screenshot ng mensahe ng isang netizen na nagbebenta ng N-95 face mask.

Kalakip ang ilang larawan ng ibinibentang face mask, ito ang nakalagay na mensahe:

“Sino po gusto magpasabay? Limited lang po kinukuha ko.

"Per box po ang kuha kasi sealed po yung plastic niya sa loob ng box.

"Per box contains 20 pcs.”

Sa caption ay binira ni Rosanna ang presyo ng ibinibentang N-95 face mask:

“5k per Box?? 250 isa..Mauna sana kayo Dapuan ng Virus na yan mga Opportunista!!!”

Continue reading below ↓

Sa kasunod na post ni Rosanna ay ibinahagi naman niya ang screenshot ng usapan nila ng seller.

Ayon sa seller, kaya mahal ang nasabing N-95 masks dahil may valve ito at nagkaubusan na raw.

Sabi ni Osang sa seller: “Kalokohan yan baka mauna ka pa dapuan ng virus day.”

Dagdag pa niya: “Wag kayo mapagsamantala nakakasuka kayo.”

Continue reading below ↓

Sa caption, sinabi ng Pamilya Ko actress: “Ang Karma pa naman ngayon singbilis din ng pagkalat ng virus.”

Nauna nang nanawagan si Bianca Manalo sa mga kapwa Pilipino, partikular na ang mga upper class, na huwag mag-hoard ng mga kagamitang may kaugnayan sa pagsugpo ng virus.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 33 confirmed COVID-19 infections sa bansa.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rosanna Roces to individuals who are taking advantage of the COVID-19 scare: "Ang Karma pa naman ngayon singbilis din ng pagkalat ng virus.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results