Bianca Gonzalez, Iza Calzado, Kakai Bautista react to supply hoarding, panic buying following rise of COVID-19 cases

by Bernie V. Franco
Mar 11, 2020
Celebrities Bianca Gonzalez, Iza Calzado, and Kakai Bautista remind the public to refrain from hoarding sanitary and food supplies following the COVID-19 outbreak in the country.
PHOTO/S: @iamsuperbianca, missizacalzado, @ilovekaye on Instagra

Nanawagan ang mga artistang gaya nina Bianca Gonzalez, Iza Calzado, at Kakai Bautista sa publiko na iwasang mag-hoard at mag-panic buying.

Pagpasok ng linggo, napaulat ang pagdagsa ng mga mamimili sa groceries para sa maramihang pagbili ng alcohol, face masks, canned goods, at iba pang supply bunsod ng pagtaas ng bilang ng confirmed cases ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

At press time, may 33 confirmed COVID-19 cases na sa Pilipinas.

Kahapon, March 10, sa pamamagitan ng Instagram, nakiusap ang beauty queen-actress na si Bianca Manalo sa mga nasa “upper class” na iwasan ang pagho-hoard ng pagkain at bilihin dahil baka maubusan ang mga ordinaryong mamamayan.

Bahagi ng Instagram post ni Bianca: “I hate to say it, but it’s the upper class that will cause the shortage, and could cause price increases.

“Pantries will be full in the exclusive villages, while the poorer man will have little choices.”

Continue reading below ↓

KAKAI, IZA ALSO MAKE APPEAL

Nakiayon naman kay Bianca sina Kakai Bautista, Iza Calzado, at Bianca Gonzalez.

Komento ni Kakai sa post ng former beauty queen: “VERY VERY TRUE. MGA SAKIM!!!!!!”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa kanyang Instagram Story, nag-post din ng mensahe ang comedienne-singer para sa mga nagho-hoard ng supply.

Ipinost ni Kakai ang screenshoot ng social media post ng Sydney News na may ganitong status: “Truth on paper at a grocery store in Adelaide today.”

Continue reading below ↓

Makikita sa larawan ang ipinaskil na notice ng isang pamilihan sa Adelaide, South Australia, dahil sa pagpa-panic buying sa toilet paper ng mga customer.

Caption ni Kakai: “Bagay to sa mga SAKIM na Pinoy sa gitna ng Krisis.

"Kung meron man tatamaan, Unang-una MAHIYA ka.

“Di lang ikaw ang anak ng diyos.

“Sana may ganito din tayo Na reminder sa lahat ng groceries and stores.”

At press time, may 125 confirmed cases ng COVID-19 sa Australia.

Ni-repost din ni Kakai ang paalala ni Bianca Manalo.

Caption pa ni Kakai sa repost: “Sa mga gustong mag-ulam ng toilet paper:”

Continue reading below ↓

Ni-repost din ni Iza sa kanyang Instagram Story ang reminder ni Bianca.

Caption ng Kapamilya actress: “Totoo ito. Just get what is enough.”

Continue reading below ↓

BIANCA GONZALEZ

Ipinost naman ni Bianca Gonzalez sa kanyang Instagram Story ang screenshot ng isang video clip mula sa Facebook account ng World Economic Forum.

Sa video, ipinaliwanag ng isang expert na dahil sa pagpa-panic buying ng face masks, maaaring dumating ang panahong wala nang available masks para sa mga lugar na higit na kailangan ito.

Baka rin daw maubusan ng masks ang mga health workers na mas kailangan ito para hindi kumalat ang virus.

Nagawa ring magbiro ni Bianca Gonzalez tungkol sa panawagan ng tukayo niyang si Bianca Manalo sa mga mayayaman na huwag mag-hoard ng supply

Ni-repost ng Pinoy Big Brother host ang komentong ito: “Gusto ko mag-panic buying, pero wala kasi akong pera kaya nag-panic na lang ako.”

Komento naman ni Bianca: “LOL! Pinoy humor at it again!!!”

Continue reading below ↓

Samantala, umapela si Trade Secretary Ramon Lopez nitong Martes, March 10, na huwag mag-hoard ng alcohol, face masks, canned goods, at mga kagayang supply.

Pahayag ng kalihim, “unnecessary” ang maramihang pagbili ng supply ng alcohol at face masks, at tiniyak niyang walang shortage ng mga ito.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celebrities Bianca Gonzalez, Iza Calzado, and Kakai Bautista remind the public to refrain from hoarding sanitary and food supplies following the COVID-19 outbreak in the country.
PHOTO/S: @iamsuperbianca, missizacalzado, @ilovekaye on Instagra
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results