Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Julia Barretto alludes to mystery "loved one"; netizens ask who it might be

by Rachelle Siazon
Mar 11, 2020
Julia Barretto has cryptic post about an unnamed "loved one" who, besides family members, made her happy on her 23rd birthday. Netizens can't help but wonder, "Sino si loved one?"
PHOTO/S: @juliabarretto Instagram

Makaagaw-pansin ang pinakawalang pahayag ni Julia Barretto tungkol sa isang espesyal na taong kasama sa pagdiriwang ng kanyang 23rd birthday.

Piling-pili raw ang imbitado sa intimate dinner celebration sa kanyang bahay.

Sampu raw silang nagsalu-salo, at ang mga kasama niya ay panay malapit na kapamilya at isang "loved one."

Full caption ni Julia sa kanyang Instagram post ngayong Martes ng gabi, March 11:

"For my birthday this year I decided to do things differently. A dinner for 10, my family and a loved one.

"And today, I woke up fuller than ever.

"Thank You Jesus."

Continue reading below ↓

Sa anim na litratong ibinahagi ng aktres sa Instagram, makikita ang litrato niyang nakasuot ng red dress.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

May kuha rin ang ina niyang si Marjorie at bunsong kapatid na si Erich.

May pictures din ng set-up ng dinner table at isang bouquet of red roses na nakalagay sa isang vase.

Walang larawan kung saan makikita ang kumpletong guests ng kanyang birthday.

Pero hindi nakaligtas sa mapanuring netizens ang pahiwatig ni Julia na naroon din ang isang malapit sa puso niya na hindi kapamilya.

Sa comments section, sunud-sunod ang tanong ng netizens kung ito na ba ang bagong pag-ibig ni Julia.

Pilit ding hinuhulaan kung sino, maliban sa kapamilya, ang nagpasaya sa dalaga.

Continue reading below ↓

May mga sinagot si Julia na nagpadala sa kanya ng birthday greetings, pero hindi niya sinagot ang netizens na nagtatanong kung sino ang sinasabi niyang "loved one."

THE YEAR THAT WAS

Halos isang taon na ang nakalipas mula nang maghiwalay si Julia at ang dating nobyo na si Joshua Garcia.

Continue reading below ↓

Mid-2019 nang maugnay si Julia kay Gerald Anderson, ang leading man niya sa pelikulang Between Maybes, na ipinalabas noong May 2019.

Sa ulat ng Cabinet Files ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 23, 2019, isang source ang nagsabing "nanliligaw" si Gerald kay Julia.

Nagkausap umano sa telepono si Gerald at ang ama ni Julia na si Dennis Padilla.

Dito raw umamin si Gerald na hiwalay na ito sa dating nobya na si Bea Alonzo, at nanliligaw na ito kay Julia.

Kasabay nito ang kontrobersiyal na pahayag ni Bea na wala silang pormal na breakup ni Gerald.

Pero depensa noon ni Gerald, walang katotohanan ang espekulasyong third party ang dahilan ng hiwalayan nila ni Bea.

Labas din daw sa isyu si Julia.

Personal na mga away raw ang pinag-ugatan ng desisyon ni Gerald na lumayo kay Bea.

Nanindigan din noon si Julia na wala siyang inagaw na boyfriend kaninuman, at wala rin daw katotohanan ang isyung nagkakamabutihan sila ni Gerald.

Continue reading below ↓

JULIA: "FREE TO LOVE."

Sa mga sumunod na buwan ay may iba pang kontrobersiyang kinasangkutan si Julia.

Sa kabila nito ay hindi nagpatinag ang aktres, na piniling maging masaya kasama ng mga totoong nagmamahal sa kanya.

Partikular na rito ang ina at mga kapatid, na ipinagtanggol si Julia noong panahong natadtad ito ng kontrobersiya.

At nito ngang magdiwang ng 23rd birthday si Julia, inihayag niyang hindi siya papipigil na mamuhay nang malaya.

Malaya raw siyang ihayag ang damdamin, at malayang magmahal kung sinuman ang nasa puso niya.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto has cryptic post about an unnamed "loved one" who, besides family members, made her happy on her 23rd birthday. Netizens can't help but wonder, "Sino si loved one?"
PHOTO/S: @juliabarretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results