Karla Estrada quashes netizen's assumption that daughter's debut is sponsored

by Arniel C. Serato
Mar 11, 2020
Karla Estrada has civilized exchange with a netizen suggesting Karla didn't spend own money for daughter's debut (published as is): "Di ako mahilig mag pa sponsor kse mas gusto ko makatulong sa mga nag nenegosyo at negosyante din ako."
PHOTO/S: Courtesy: @karlaestrada1121 on Instagram

Pinalagan ni Karla Estrada ang pahaging ng isang netizen tungkol sa kung sino ang sumagot sa gastos ng debut ng anak niyang si Magui Ford Planas.

Ngayong araw, March 11, nag-post si Karla ng iba pang mga larawang kuha sa pagdiriwang ng ika-18 kaarawan ni Magui.

Ginanap iyon noong February 28 sa Blue Leaf events place, Bonifacio Global City, Taguig City.

Nakalagay sa caption ni Karla: "For your eyes only [face blowing a kiss emoji] my 5’7 daughter just turned 18 pero towering height na.

“Hangang 5’9 lang anak ha or else mahirap makahanap ng ka love team! [laughing and wacky face emojis] #lagotkaykuyadanilo

Continue reading below ↓

May isang netizen ang biglang humirit ng biro sa Magandang Buhay host.

Sabi ng netizen (published as is): "Baket naman puro ka pasponsor mamshie karla? [smile emoji] char!"

Sinagot naman agad ito ni Karla.

Itinanggi ni Karla ang pahiwatig ng netizen na panay sponsors ang gumastos para sa suppliers ng party ng anak.

Kalakip ng wacky face emojis, tugon ni Karla (published as is): "alin ang sponsor dyan?? San galing yun?"

Continue reading below ↓

Tumugon din kay Karla ang netizen.

Sabi ng netizen (published as is): "wahaha.. Wala lang.

"Nagpapansin lang ako mamshie! Nabasa ko lang yan sa Tiktik na dyaryo. Wahaha fake news yata. [rolling on the floor emoji]

"Idol ko po kayo pagdating sa kabaitan. More blessings and stay strong po! [hearts emojis]"

Continue reading below ↓

Paglilinaw ni Karla, hindi siya mahilig magpa-sponsor.

Kung tutuusin ay ang TV host pa raw ang mahilig tumulong sa mga taong nagnenegosyo.

Pinatawad din naman niya ang kausap na netizen.

Pahayag ni Karla (published as is): "ok! Di ako mahilig mag pa sponsor kse mas gusto ko makatulong sa mga nag nenegosyo at negosyante din ako.

"Pero marunong ako tumawad. Iwas iwas tayo sa fake news kapamilya."

Maayos ang usapan ni Karla at ng netizen, base na rin sa smile emojis na kalakip ng kanilang comments sa isa't isa.

Continue reading below ↓

Ipinagtanggol din si Karla ng kaibigan niyang si Jackie Forster, na isa sa mga dumalo sa debut party ni Magui.

Sabi ni Jackie: “@karlaestrada1121 I’m the same [heart with ribbon emoji] share the blessings, don’t be shellfish [shrimp emoji] kaya lalong dumadami blessings [heart emojis]”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karla Estrada has civilized exchange with a netizen suggesting Karla didn't spend own money for daughter's debut (published as is): "Di ako mahilig mag pa sponsor kse mas gusto ko makatulong sa mga nag nenegosyo at negosyante din ako."
PHOTO/S: Courtesy: @karlaestrada1121 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results