Naging bisita sa taunang Barista Competition ang Kapuso artists na sina Ashley Ortega at Joaquin Manansala.
Bukod sa iba't ibang blend at recipe ng coffee, natuto rin sina Ashley at Joaquin ng latte art.
Ang latte art ang paraan ng pagpe-prepare ng espresso coffee na ginagamitan ng microfoam milk.
Nagsisimula ang pagpe-prepare ng latte sa paggamit ng espresso machine, kaya't pati pag-extract ng full-bodied espresso at tamang pag-steam ng gagamiting milk ay natutunan nina Ashley at Joaquin.
Sa report ni Nelson Canlas ng 24 Oras, nakailang ulit daw ang Kapuso artists sa kanilang attempts para gumawa ng imahe ng puso na isa sa basic piece ng latte art.
Sa bandang huli, nakuha naman daw nina Ashley at Joaquin kung paano ito gawin at nag-enjoy raw ang mga ito sa kanilang mga natutunan mula sa pagiging baristas for a day.